Date Published: May 23, 2020
CHAPTER 1.
ASHER REONAL'S POV
Nagbibihis ako ngayon dahil sa sasama ako kanila dad sa party. Imbitado kasi kami doon bilang kaibigan ng mga Ashworth.
Nang nasuot ko na 'yung coat ay nilagay ko na 'yung tie sa leeg ko at naglakad na palabas mula sa kwarto ay nakasalubong si Ricklyn.
Nakasuot siya ng puting ballgown saka naka-pusod din ang buhok nito. May puting bulaklak na clip siya sa buhok.
"Ang ganda naman ng kapatid ko." Komento ko at natawa siya habang naglalakad palapit sa'kin.
"Ano ba? 'Wag mo nga akong bolahin, kuya." Nahihiya niyang saad at pinalo niya sa'kin ang hawak niyang pouch.
"What? I'm not joking. Maganda ka talaga, ngayon nga lang."
"Nakaka-inis ka!" Hinampas niya ulit sa'kin ang pouch niya kaya natawa ako. Inalalayan ko na siyang maglakad pababa sa hagdan.
Pagkababa namin ay nakita namin sila dad doon sa sala habang nagpi-pucture. Tumigil sila nang nakita nila kami.
"Tara. Mag-picture tayo." Pag-aya ni mom kaya naman inabot nila sa isang katulong ang camera at napatingin ako sa paligid.
"Wala si kuya?" Tanong ko. "Nandito ako!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si kuya sa tabi ko.
"Akala ko wala ka na naman eh." Sinuntok niya ko ng mahina sa braso at natawa. Umayos na kami ng pwesto at sa gitna si Ricklyn.
Nasa kanan ko naman si dad at sa kaliwa naman ni Ricklyn sila kuya at mom. Ngumiti na kami sa camera at kinuhaan na kami ng litrato.
Kinuha na ni dad ang camera at tinignan namin 'yon. Ayos naman ang pagkakuha kaya hindi na kailangang ulitin.
"Tara na? Bago pa tayo mahuli." Sabi ni dad at umalis na kami mula sa bahay para pumunta sa isang hotel.
~ ASHWORTH HOTEL ~
Nakarating na kami sa hotel at nandito kami sa event hal. Nakaupo kami sa pwesto namin nang lumapit si tito Bladerim.
"Skyline, kamusta? Ngayon lang kita ulit nakita dahil lagi na lang si Asher ang nasa kompanya." Komento nito kay papa.
Magkaibigan kasi ang mga Ashworth at Reonal simula pa noon kata kilalang-kilala nila ang isa't isa. At asawa ni tita Scarlett ang isa sa anak ni tito Bladerim.
Ang party na 'to ay para sa lahat ng kaibigan ng mga Ashworth kaya sama-sama kaming lahat ngayon dito.
"Pasensya na po, ninong. Biglang tumaas ang blood pressure ko eh kaya kailangang magpahinga." Sagot ni dad.
"Sa bagay, masyado nga namang nakaka-stress ang mga nangyayari sa kompanya." Sagot ni tito Bladerim at tumingin sa'kin.
"Asher, nakita na naman kita. Kamusta ang pinapagawa ko sa'yo?" Tanong niya.
"Ayos lang po, tito. Pwede ko na pong ipasa 'yon sa'yo bukas ng umaga." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...