Una

4K 28 5
                                    

P.A. ng Artista by WantedGirlWriter

Una

Tumakbo silang dalawa palapit sa isa't isa at nagtitigan at ninamnam ang bawat sandali ng mahagkan ang bawat isa. At sinabi ang mga katagang..

"Dindo, ipangako mong di mo na ako iiwan pang muli.."

Napa-irap ako. Ang pangit ng pangalan pati ng delivery ng lines, pati ugali nahawa!

"Pangako iyan, Precious"

Sabi naman ni Dindo, muka mo!

Nagyakapan ng mahigpit at naghalikan sa harap ng maraming tao na maraming nakatutok na camera at nakakasilaw na mga ilaw.

"CUUUUUUUUUTTT!!!" sigaw ng director, maraming tao ang nagpalak-pakan at nagtitiliang mga babae at ako walang ibang ginagawa, nakatayo at naghihintay ng iuutos sakin ng amo kong artista.. slash mayabang, slash pakitang tao, slash matapobre, slash babaero for short MASAMA ANG UGALI NYA!

"Congrats Mark and Trisha!" bati halos lahat ng tao sa kanya pero ang loko hindi man lang nagpapasalamat! Naupo sya at kinuha agad ang cellphone nya.

"I LOVE YOU MAAAARRRK!"

Nakakairitang sigaw nila sa artistang nasa harapan ko.

"I love you too girls!" sabay kindat pa nya, nag tilian nanaman yung mga babaeng parang pusang nasagasaan sa kalye at ibinalik ang tingin sa cellphone nya at nag pe-facebook..

Kung alam ko lang nagmamayabang nanaman yan sa mga post nya.. Tsk, inismiran ko nga, di naman nya ako nakikita.. Naku! Kung alam lang ng mga babaeng yun ang totoong ugali ng Mark na 'to, panigurado akong malalaos sya!

"Ikaw, ibili mo nga ako ng tubig.." sabi nya ng hindi tumitingin sakin na naka ngiti habang nakatitig sa cellphone nya.

"Ilan?" matamlay kong sagot, paano ba naman wala pa ata akong tulog simula ng nagtrabaho ako ng sapilitan sa taong 'to na artista pala.. Bigla syang natigil sa ginagawa nya at tinitigan lang ako ng masama..

"Ilan ba 'ko?"

"Isa, malay ko ba kung gusto mong lumaklak ng tubig,"

Pag kasbi ko nun, umalis na ako at naghanap ng mabibilhan ng tubig.. Oo alam kong may tubig naman dun sa pina te-tapingan nila, pero dahil nga sa maarte sya, gusto nya naka sealed baka daw kung ano pang lason ang ihalo ko, noon pa naman sa probinsya namin ang taping nila at halos napakalayo sa bayan kaya pahirapan pa akong nakabili ng tubig! Bakit nga ba ako napunta dito sa Manila at pinagsisilbihan ang taong 'to?

Ako si Chloe(Klowi ang pag pronounce) Dela Cruz, 23 years old, maganda, makinis at ang pinaka maputi sa aming barangay, mestiza. Probinsyana ako na may malaking pangarap sa buhay kahit na alam ko namang malabong mangyari hanggang doon ako naninirahan. Pero ang mga magulang kong may pagka weirdo, ipinagkasundo ako sa lalaking hindi ko naman gusto dahil sa isang utang na loob! See? UTANG NA LOOB!

Kaya eto ang napala ko ngayun! Mukang nakarma ako sa ginawa kong pag-iwan sa isang lalaking wala namang kasalanan, at pinagbabayaran ang mga 'yon.

Tumakas ako mula sa kanila at ang kamalasan nung tumakas ako wala akong dala na kahit na ano.. Napadpad ako isang lugar ng tumatakbo dahil gabi na at wala akong matutuluyan at ang lugar kung saan sila nag te-taping nanghingi ako ng tulong at nung malapit na 'daw' matapos ang scene saka pa daw ako umeksena.. Kaya bilang kabayaran daw sa ginawa kong perwisyo, magiging alalay nya daw ako hanggang mabayaran ko lahat daw ng pagod 'nya' take note pagod nya lang.. Wala akong nagawa dahil wala naman akong ibang choice,dahil naglayas nga ako eh.

Ginusto ko naman yun nung una pero hindi ko alam na ganito pala kapagod ang mag-trabaho lalo pa maging P.A. ng isang mayabang na Artista.

Tapos isinama nya ako dito sa Manila at nalamang super sikat pala talaga sya dito... Hindi naman sobrang layo ng kabihasnan sa lugar namin, pero dahil nga desidido akong yumaman talo ko pa si Darna sa dami kong trabaho.. Maganda kasi ako kaya madali lang akong natatanggap sa trabaho sa aming bayan.. Oo at hindi ako makakapayag na ipagkasundo ako ng ganun ganun lang ng mga magulang ko, para ko na ring isinuko ang mga pangarap ko sa buhay, pero ano 'tong napuntahan ko? Parang isang malaking bangungot!

"Oh! Ayan na yang tubig mo" iniabot ko sakanya yung isang boteng tubig.. Tapos ilang sandali lang nagsalita sya ulit..

"Paypayan mo nga ako ang init eh," utos pa nya, parang ayaw nya talaga akong pag pahingahin!! Grr! Bubuksan ko sana yung electric fan pero..

"Hep! Hep!" Pigil pa nya.

"Ano?!" Lahat na lang kasi nakikita nya kahit parang wala namang mali sa kinikilos ko, mapangasar talaga!

"Diba sabi ko paypayan mo 'ko? Masyadong malakas yang electric fan baka liparin yung ka gwapuhan ko, mawalan ka pa ng trabaho!" narinig nyo? Nakita nyo na? Kitams?!

"Eto na po mahal na prinsipe,"

Kinuha ko yung pamaypay nya at umaktong isa akong aliping nagsisilbi sa prinsipe at eto sya, feel na feel. Ang galing ko no? Kasi ako lang yung alalay na mahilig sumagot sa amo nya.. Wala naman kasi syang karapatan na basta na lang akong maging P.A. nya pero ewan ko wala akong magawa at wala din akong ibang choice!

Matapos nun ay sumalang muli sila sa isang scene at wala naman akong nagawa kundi panuorin ang nakaka- sawa at nakaka-irita nilang pagpapalitan ng lines.

Ewan kung bakit ganoon na lang pagkairita ko sa kanila. Masyadong showbiz kasi pero pag wala nang camera parang hindi magkakilala knowing pa na hindi gentleman itong amo ko. Well, hindi ko pa naman sya huhusgahan ng maraming masamang katangian pero yung yung pagiging mayabang? Nature na nya ata yun. Nakakabit na sa katauhan nya yun, ganun siguro talaga ang isang tao kapag nasakanya na ang lahat.

Sino nga naman ba ang hindi... Maraming babaeng gusto syang makita, mayakap, makasama, makapagpa-picture at iba pa nang dahil lang sa puhunan nyang gwapong muka. Hindi naman yun maikakaila sa kanya e, kaya nga naging artista e.

Kung tutuusin maswerte ako, para sa kanila! Pero para sakin hindi pero kaya ko namang tiisin hanggang wala pa akong ibang mahanap na trabaho at hanggang hindi ko pa gamay dito sa Manila, mahirap na.

Iisipin ko na lang kung paano ko pakikisamahan tong amo ko, malamang matatagalan ako bago maka-alis at makahanap ng ibang trabaho.

Gaano kaya katagal?

Thank you for reading!

Keep on supporting P.A. ng Artista!

Comment, Vote and Follow! ♥

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon