The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 1| Leaving Again
I surprised Grey and Sachi during their wedding day. Iyon lang talaga ang inuwi ko sa Pinas, gusto ko dumalo sa kasal ni Grey dahil okay naman na kami pati ang mga pamilya namin. Mom is there also, wala na iyong ilangan - nagkapatawaran na both parties.
Nakilala ko nga iyong kaibigan ni Sachi e, si Cheska. Nagbiro pa sila na baka raw kami na iyong para sa isa't isa pero wala iyon sa isip ko, mas priority ko ngayon iyong business namin. After what happened, mas naging business minded na ako at halos lahat ng oras ko e nakatutok na sa negosyo namin. Ayaw ko biguin si Daddy, even though he told me that he believes in me - I still wanted to show him and prove to him that he never failed on choosing me.
I'll be staying in canada for one year, gusto ko sana isama si Mom doon pero ayaw ni Dad at baka kung mapano pa siya habang nasa biyahe. Hinatid ako ni Grey at Daddy kanina rito sa airport, hindi rin sila nagtagal dahil pareho silang may inaasikaso. Papasok na ako sa eroplano ngayon, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.
"Heto na talaga," saad ko nang tuluyan ko ng mahanap ang upuang nakalaan para sa akin.
"I will miss them," saad ko habang nakatingin sa ulap.
After one week
I became so busy. Medyo naghihingalo kasi iyong negosyo namin dito kaya todo trace kami kung saan nagkaroon ng aberya. Nilaan ko iyong buong isang linggo ko kakahanap kung saan nagkulang o sumobra ang budget, lahat ng financial statements hiningi ko para mas mapadali at makita agad kung saan ang butas.
Then finally, I found it.
Our former financial manager uses a magical tricks on our Financial Statements, ang dami niyang nilamas na budget. After further investigation, napatunayan din namin na siya pala ang tunatraydor sa kompanya namin.
Without any other reason, tinanggal ko siya sa trabaho. We trusted him that much pero ito ang sinukli niya sa Daddy ko, he betrayed us. Nagmakaawa pa ito na hindi na raw uulutin ang ginawa but for me, once is enough. Kami iyong sobrang na-agrabyado dahil sa nangyari, kaya pala parang may mali sa mga FS na sinisend nila sa amin through emaik kasi may kalokohan pala silang ginagawa.
Tinanggal ko lahat ng officers sa bawat department, kung kailangan magpalit ng tao e magpapalit talaga ako. Nagawa na nila kaming lokohin kaya hindi imposible na magagawa ulit nila iyon. Nakausap ko na rin ang board of directors, hindi sila nagka-ideya na may ganoon pa lang nangyayari sa loob ng kompaya kaya pumayag din sila sa ideyang papalitan ang mga officers ng bawat department.
Napatingin ako sa aking relo, napahilot ako sa sarili kong sentido nang makitang ala-una na pala ng madaling araw.
"Sobrang overtime naman 'to," natatawang saad ko sa aking sarili at in-off na ang aking monitor.
Sinigurado ko kasing okay na lahat at wala ng papalya, ito iyong mas tinuunan ko ng pansin dahil bukas na bukas naman ay ako ang mag-i-interview sa mga applicants for the vacant positions. Tumayo na ako at sinuot ang aking coat, sinukbit ang dala kong slingbag na punong-puno ng paperworks at binutbit ang handy suitcase ko.
"Sir! Madaling araw na po," bati sa akin ni Manong Guard.
Yes he is Filipino, our company is an open environment. May mga foreigner at pinoy na employee, as long as they are willing to work - we will hire them.
"Oo nga po e, may mga tinapos lang po." Sagot ko at duniretso na sa aking sasakyan.
Hindi ko mapigilang mapahikab nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng aking kotse, magkahalong pagod at lungkot kasi ang nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...