Kabanata 35 | Face off

3K 79 3
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 35| Face off

Muli na naman akong nagising sa loob ng puting silid na 'to, nang aking ilibot ang aking paningin ay napagtanto kong nasa hospital pa rin ako. Napansin ko ang lalaking nakayuko sa gilid ng kama ko, mahimbing itong natutulog kaya dahan-dahan ko na lang na inangat ang aking kamay na may suwero pa rin. Na-alimpungatan ito kaya agad nitong tinaas ang ulo niya at lumingon sa akin.

Akala ko si Murphy, si Owen pala.

"Cheska," mahinang saad nito sabay hinaplos ang aking pisngi. Napakunot ang aking noo nang makita ang pasa nito sa ibaba ng labi niya. He look wasted. Tinanggal ko iyong oxygen na nakatakip sa bibig ko sabay nagsalita.

"Anong nangyari sa 'yo?" mahinang tanong ko rito.

"Wala, huwag mo na akong intindihin. Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba?" sunod-sunod na tanong nito.

"Medyo kumikirot pa iyong mga tama ko, namamanhid din iyong katawan ko pero I'm fine. Si Reesha, kamusta?" tanong ko rito.

Natigilan naman ito sabay hinawakan ang kamay ko at hinaplos iyon, "Wala na si Reesha, nakalimutan mo na ba?" sagot nito.

Napapikit na lang ako nang maalalang nasabi na nga pala niya iyon sa akin, naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha. Sinubukan kong umupo pero inawat ako ni Owen at baka raw masaktan ako.

"Ang sama-sama ko, hindi ko man lang siya natulungan." Saad ko habang nakatitig sa kisame, unti-unti ng tumutulo ang aking luha habang bumabalik sa akin ang mga nangyari sa amin ni Reesha sa  kamay ni Cloud. Sobrang lala ng nagawa ni Cloud kay Reesha, dapat siyang magbayad at makulong.

"Pareho kayong nalagay sa alanganin, huwag mo sisihin ang sarili mo Cheska." Pagpapagaan nito sa loob ko.

"Pero Owen, sinubukan ko naman e. Ginawa ko lahat, pero si Cloud— galit na galit siya kay Reesha kaya nagawa niya 'to." Paliwanag ko rito.

"Shh, tahan na okay? Pasasaan ba at mahuhuli na si Cloud, kasalukuyan na siyang hinahanap ngayon ng mga pulis." Saad nito.

Tumango na lang ako sabay pinunasan ang aking luha.

"Owen gusto ko makita si Reesha, puwede ba?" tanong ko rito.

"Oo naman, pero kailangan pa natin magpaalam sa Doctor." Sagot nito.

"Gusto ko na lumipat ng silid Owen, ayaw ko na rito." Seryosong saad ko.

"Hayaan mo, kakausapin ko ang Doctor na ilipat ka na ng private room." Sambit nito habang hinahaplos niya ng magaan ang aking kamay.

Nilingon ko naman ito at saktong nagtama ang mata namin, "Private room? Huwag na Owen, kahit sa ward okay lang. Sobrang mahal ng private, hindi na namin kakayanin ang bill." Tanggi ko rito.

Nilapit naman nito ang mukha niya ng kaunti sa akin sabay hinaplos ang aking noo habang mataman akong tinitigan. "Huwag mo na isipin ang mga bayarin, ako na bahala doon. Hindi ito magiging problema ng Mama mo dahil ako na ang bahala." Saad nito.

Napangiti na lang ako ng bahagya sabay hinawakan ang pisngi nito, "Maraming salamat Owen." Saad ko at napapikit nang halikan nito ang aking noo.

Iniwan niya muna ako saglit, kakausapin niya na raw ang Doctor para malipat na ako. Ilang minuto rin akong naghintay doon, napapalingon akonsa pintuan dahil umaasa akong babalik si Murphy. May mga nurse na pumasok sa loob at tinanggal iyong ibang aparatong naka-kabit sa akin. Naiwan ang suwero at monitor para sa heartbeat, maging ang oxygen ay binalik sa akin dahil baka mahirapan daw ako huminga. May mga papeles na pinirmahan si Owen at mayamaya pa ay nilipat na ako sa isang private room.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon