Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.)
Kabanata 31 | Danger
Ngayon na babalik si Owen sa Canada, biglaan iyon kaya hindi ito nakapaghanda. Tumawag sa kan'ya ang Daddy niya kanina na as soon as possible kailangan niya bumalik doon para ma-asikaso ang gulong nagawa nila Reesha doon. Nakiusap ito sa akin na sumama raw ako sa airport sa paghatid sa kan'ya doon, hindi ko mapigilang malungkot noong nakarating na kami doon kasi wala pang kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Kasama rin namin si Sachi ag Grey ngayon, nagpumilit kasi ang mga ito na sumama rin para ipakita raw nila kay Owen na suportado nila si Owen sa laban nito.
Napapikit na lang ako habang bumabalik sa akin ang usapan namin ni Owen kanina, nangako ito na babalik siya- babalikan niya ako. Nakapag-usap na kami ni Sachi kanina tungkol sa pag-alis ko sa shop, humingi ako ng tawad sa kan'ya dahil sobra pala talag itong nagalala at hindi man lang ako nagpaalam ng maayos. Hindi na ako nagpahatid sa bahay namin, may dadaanan pa kasi ako kaya sumama na lang ako sa kanila sa pag-uwi, tsaka ko pa naalala na nakalabas na ako sa village nila na naiwan ko pala iyong bag ko sa bahay nila Owen. Sa lahat ng puwede ko maiwan e iyon pa talaga na nandoon ang pamasahe ko.
Habang naglalakad ako pabalik sa village ay napakunot ang aking noo nang mapansing may tumatakbo at parang takot na takot ang mukha nito. Habang papalapit ito nang papalapit sa akin ay nakikilala ko ang mukha nito. Dahil sa pagmamadali niya ay 'di niya ako napansin kaya nabangga niya ako. Hindi ko mapigilang magalala nang makita ang kalagayan nito. Duguan ito at habol-habol ang kan'yang hininga.
"Reesha?" takang saad ko nang makita ko ang mukha nito.
Takot na takot ito at pinapatakbo ako, gusto niyang iwan ko siya pero 'di ko kayang gawin dahil alam kong may mangyayaring masama kung hahayaan ko lang siya doon.
Nagulat naman ako nang may marinig akong sumigaw, napakunot ang aking noo nang makilala rin ito. Si Cloud? Boyfriend niya 'to e. Nagsimula na akong kabahan nang makitang may hawak itong baril, hindi inaasahan ang sunod nitong ginawa. Binaril niya sa likuran si Reesha at kasabay ng sumunod na putok ay naramdaman ko na lang ang pagbaon ng bala sa aking katawan. Tumama ito sa may tagiliran ko kaya bumagsak ako at nawala sa balanse.
Napalingon ako kay Reesha, wala na itong malay pero kasabay ng paglingon ko sa gawi ni Cloud ay ang pagpukpok nito ng baril sa aking batok."Ouch," saad ko nang magising ako at naramdaman ang panghahapdi ng aking tagiliran. Hindi ko mapigilang makaramdam nang takot, nasa madilim ako na silid at halos wala akong ibang naririnig. Hindi ako makagalaw dahil nakagapos ako sa inuupuan ko.
May nasagi ang aking paa kaya tinignan ko kung ano iyon, tanging ilaw ng buwan ang nagmistula kong ilaw sa loob ng silid na iyon. Napaawang ang aking bibig nang makitang si Reesha iyon, wala pa rin itong malay at duguan.
"Reesha? Reesha!" tawag ko rito. Pinipilit kong maabot ng aking paa ang paa nito para muli kong masagi at magising ito. Nakagapos din ito sa posteng nasa harapan ko, nakaupo ito sa sahig.
"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ko, umaasa na baka may makarinig sa akin.
"Reesha!" naiiyak ng tawag ko rito.
Mayamaya pa ay umubo ito sabay palinga-linga at napatingin sa akin. Hinang-hina ito at halos 'di makagalaw.
"Cheska?" mahinang saad nito.
"Oo ako 'to, okay ka lang ba?" tanong ko rito.
"Hindi ko na nararamdaman ang katawan ko, Cheska sana tumakbo ka na lang kanina."
"Hindi kakayanin ng konsensya kong iwan ko doon sa gan'yang kalagayan Reesha, ano bang nangyayari? Sa pagkakaalam ko, magkasintahan kayo ni Cloud. Reesha bakit ka niya sinaktan?" nagaalalang tanong ko rito.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...