Kabanata 17| Finally

2.4K 63 3
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 17 | Finally

Days has passed, hindi ko pa rin mahagilap kung saan napunta iyong nawawalang pera — gusto ko pa sana mag-stay at alamin kung anong nangyari pero sa pagbalik ko na lang.

I already instructed Joan, our branch manager everything — before leaving. Ayaw ko naman silang iwan lang basta, baka pagbalik ko mas malala pa ang babalikan ko kapag ganoon.

"Calling the attention of Flight 637PH please proceed to your area now."

"Again, calling all the attention of Flight 637PH please proceed to your area now."

"Reesha, wake up." pag-gising ko kay Reesha na nakasandal sa balikat ko at natutulog.

"Hmm," ungol nito at nakapikit pa rin.

"Tinawag na iyong flight natin, gising ka na. Matulog ka na lang ulit mamaya sa loob ng eroplano," saad ko rito.

Humikab naman ito sabay sa pagmulat ng mata niya, "I'm still sleepy, but I can manage." Sagot naman nito.

"You can sleep later," saad ko rito sabay ngumiti.

Hindi ganoon karami ang passenger ng flight na 'to kaya mabilis lang kaming nakapasok. Nakapuwesto na kami sa upuan namin, si Reesha iyong malapit sa bintana at kagabi ko pa napapansing tahimik ito.

"Reesha, okay ka lang ba?" tanong ko rito.

Tumingin ito sa akin sabay tumango at ngumiti ng bahagya, "Kinakabahan lang ako — ngayon lang kasi ulit ako makakabalik ng Pinas." Sagot nito.

"Don't worry okay? Kasama mo naman ako kaya hindi mo kailangan mabahala," sagot ko rito.

"Thank you Owen, huwag mo ako pabayaan ha?" saad nito.

"Syempre naman, hindi iyon magyayari. Ako iyong nag-invite sa 'yo kaya hindi kita pababayaan." Paninigurado ko.

Hinaplos naman nito ang kamay ko sabay muling sumandal sa balikat ko, "Ngayon lang ulit ako nakasakay ng eroplano kaya kinakabahan ako." Ani nito habang nakapikit.

Napangiti naman ako kaya hinawakan ko ang kamay nito, "Don't worry — I am always on your side."

Mayamaya pa ay nag-anunsyo na ang piloto ng eroplano na ihanda na ang aming sarili dahil lilipad na ang sinasakyan namin, naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak ni Reesha sa braso ko habang nakapikit ng mariin.

"Inhale, exhale. Nandito lang ako sa tabi mo," bulong ko rito.

Nang nasa himpapawid na kami ay unti-unti niya ng binibitawan ang aking braso.

"Open your eyes and look at the clouds, sobrang ganda." Nakangiti kong saad dito.

"I'm scared," mahinang saad nito.

"You don't have to feel worried, mas gagaan pakiramdam mo kung makikita iyong handa ng mga ulap." Sagot ko rito.

Mayamaya pa ay dahan-dahan niya ng minulat ang kan'yang mga mata at dahan-dahang tumingin sa gawi ng bintana. Unti-unti namang kumurba ang ngiti nito sa kan'yang labi.

"Ang ganda nga!" tuwang-tuwa nitong saad.

"I told you, kaya huwag ka na magalala okay? Kung gusto mo naman matulog you can sleep, hindi ako aalis dito." Pagpapagaan ko sa loob nito.

Tumango naman ito habang nakangiti pa rin.

"Cheska!"

Biglang kumabog ng mabilis ang aking dibibd nang marinigbiyob at agad akong napalingon nang marinig ang pangalang Cheska.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon