Kabanata 23| Surprise

2.5K 76 5
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 23 | Surprise

Halos hindi maalis ang tingin ko kay Murphy, napapansin ko kasing patingin-tingin ito kay Cheska kahit na nagt-trabaho na ito. May gusto siguro ito kay Cheska, pero parang wala namang nararamdaman si Cheska sa kan'ya. Wala nga ba?

Nasa second floor ako ngayon, mas gusto ko riti tumambay kasi kita ko lahat ng nasa baba. Sumimsim muna ako ng kape ko at humarap sa aking laptop, I saw my reflection there. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang estado namin ni Cheska, sobrang layo niya sa akin. Iyong sasahurin ko e kada buwan ay hindi lang doble o triple sa natatanggap niya, mas malaki ito at 'di pa kasali lahat ng ari-ariang meron ako.

What would I expect? Si Grey nga e, si Sachi nakatuluyan na mas mayaman iyon sa akin. Ako pa kaya na minsan na ring nahulog kay Sachi? Nahampas ko na lang ng bahagya ang aking noo sa aking mga iniisip, bakit biglang naging ganoon ang epekto sa akin ni Sachi?

"Love at first sight ba? Napaka-old school naman noon," saad ko sa aking sarili.

Sinenyasan ko naman si Hazel na pa-akyatin si Cheska rito, kailangan ko nga pala siya masabihan na kailangan kami mag-usap mamaya. Mayamaya pa ay pa-akyat na si Cheska kaya in-off ko muna iyong laptop ko at umayos.

"Sir, pinapatawa niyo raw po ako?" tanong nito nang tuluyan ng makarating.

"Have a seat," sagot ko rito.

"Pero Sir—"

"Ako iyong boss 'di ba? You don't have to worry, maupo ka." Putol ko sa sasabihin nito.

"Okay," sagot nito sabay nagkibit-balikat at umupo na sa harapan ko.

"May lakad ka ba mamaya?" tanong ko rio.

"Wala naman po, bahay po ako diretso pagkatapos ng duty e." Sagot naman nito.

Napapansin kong hindi ito kumportable, palinga-linga ito na para bang nagaalalang may makakakita sa amin.

"Natatakot ka bang makita tayo ni Murphy at baka magselos siya?" tanong ko.

Natigilan naman ito sabay umupo ng maayos, "P-Po? H-Hindi! Tsaka hindi naman iyon magseselos, magkaibigan lang kami." nauutal na sagot naman nito.

Napangiti naman ako ng bahagya sabay tumikhim nang marinig ang salitang kaibigan, "So bakit parang hindi ka mapakali?"

Napayuko naman ito sabay huminga muna ng malalim, "Baka makita tayo ni Ma'am Reesha. Baka ano isipin niya at magalit siya sa akin," sagot nito.

"Bakit mo naman naisip iyon? Kaibigan ko lang din si Reesha, may hindi ba ako alam?" takang tanong ko rito.

"Wala naman po, baka kasi magalit siya sa akin kapag nakita niyang kausap kita." Sagot nito.

Hinawakan ko naman ang kamay nitong nakakuyom sa taas ng mesa, naningkit ang aking mata nang madamang nanlalamig iyon.

"Cheska may problema ba? Napapansin ko kasing iniiwasan mo ako, sabihin mo lang sa akin kung may nagawa ako." Nagaalalang saad ko.

Huminga naman ito ng malalim sabay iling at ngiti ng bahagya, "Bakit niyo po ako pinatawag?" pagbabalik nito sa topic sabay binaba ang kamay niya.

"Hindi 'ba may kasalanan ka pa sa akin?" seryosong saad ko.

Napayuko naman ito sabay tango, "Gusto kong bumawi ka sa akin." Seryosong saad ko rito.

"Paano po ako makakabawi?" tanong nito.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon