Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(Disclaimer: I don't own the designs of the gowns and suits, credits google for the pics.)
Kabanata 22 | Event
"I respect you, Reesha. Wala akong hinihinging kapalit sa pagsama ko sa 'yo rito sa Pinas. Mahala ang dignity sa isang babae kaya huwag mo hayaang matapakan iyon." After saying those words, hinalikan nito ang aking noo sabay tinakpan ang aking hubad na katawan ng tuwalya. "Kakain na tayo, magbihis ka na at sa baba na lang kita hihintayin." Bilin nito sabay tuluyan ng lumabas.
Parang nawalan ng lakas ang tuhod ko dahil sa nangyari, anong kahihiyan na naman 'tong nagawa ko? Nasapo ko na lang ang sarili kong noo sabay pinagsasampal ang aking sarili.
"Bakit mo 'yon ginawa Reesha?" naiinis na saad ko sa aking sarili.
There's a part of me na gusto ko makuha si Owen, gusto ko siya ipag-damot sa iba. Ayaw kong tumitingin siya ng ganoon kay Cheska, dapat sa akin lang! Mayamaya ay tumawag si CJ kaya dali-dali kong ni-lock ang pinto at sinagot ito.
"Cj," saad ko rito.
"Honey, how are you? Please, huwag mo pagurin ang sarili mo riyan." Sagot nito.
"Anong nakain mo at parang may kakaiba sa 'yo?" takang tanong ko.
"Wala naman, miss na kasi kita agad. May tanong din pala ako, kailan iyong event ni Mr. Eduards? Iyong dadaluhan niyo ni Owen." Tanong nito.
"Iyon ba? Malapit na, sa susunod na araw na yata. I will update you, don't worry." Saad ko naman.
"Okay, take care. Tumawag lang ako para kamustahin ka, sila Jean? Don't worry about them, ako na bahala sa kanila rito."
"Okay, ingat ka rin diyan. I need to hang up this call, kakain na kasi kami." Paalam ko rito.
"See you soon," mahinang saad nito.
"See you," sagot ko at binaba na ito.
Ayaw ko sana bumaba, nahihiya ako sa ginawa ko pero baka magtaka iyong pamilya ni Owen. Saktong pagbaba ko e nasa hapag na sila halos, tinawag na rin nila ako nang makababa na ako. Nagtanong lang sila ng mga tungkol sa akin, pati sa trabaho ko noon. Minsan napapatingin ako sa gawi ni Sachi, hindi ako magtataka na nagustuhan ito ni Owen noon. Napapansin ko kasing sobrang maalaga nito at sweet sa asawa at anak niya. Pagkatapos namin kumain e hindi na ako nagtagal pa sa baba, umakyat na ako sa silid ko dahil hindi ko pa kayang harapin si Owen. Habang nagmumuni-muni ay biglang sumagi sa isip ko si Cheska, sigurado akong hindi iyon magsusumbong kay Owen. Taas ng guts niya sa sarili niya kung gagawin niya iyon. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kakaisip.
Kinabukasan nagising ako sa katok ng maid nila, tinatawag na ako para mag-agahan. Binuksan ko ito sabay tanong rito, "Si Owen?" tanong ko.
"Maaga pong umalis ma'am, baka sa coffee shop dumiretso." Sagot nito.
Tinanguan ko na lang ito sabay muling pumasok sa loob ng silid, hindi niya man lang ako ginising. Sasama sana ako, tsk!
Matapos kong maligo at maghanda ay bumaba na ako, nililibot ng aking paningin ang kabuuan ng bahay. Napakagara nito at sobrang laki, what would I expect? Mayaman sila e. Napapatingin ako sa mga picture frame na naglalakihan na nakasabit sa gilid ng hagdan at pati sa sala nila. Nandoon ang family picture nila Grey at family picture nila Owen.
Masuwerte si Owen at hindi siya pinabayaan ng Daddy niya kahit bastardo lang siya. Mayamaya pa ay tumunog ang aking cellphone.
Owen Caiden
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
DiversosOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...