Kabanata 33 | Jealousy

3.2K 69 7
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 33 | Jealousy

Hindi ako mapakali noong malaman kong nasa hospital si Cheska at kritikal ang lagay nito. Marami akong problemang kinahaharap ngayon lalo na ang negosyo namin, gustuhin ko mang manatili para ayusin ang ginawa nila Reesha sa kompanya ko rito sa Canada e hindi ko magawa dahil hindi rin ako mapapalagay kakaisip kung baka may mangyari kay Cheska at wala ako sa tabi niya. Kasalanan ko 'to e, 'di ko man lang naisip na puwede madamay si Cheska sa gulong 'to, naging kampante ako kaya naging ganito ang kalabasan.

Kung nandito lang sana si Lirah baka hahayaan ko pa ring bukas ang kompanya dahil maaasahan ko siya at may tiwala ako sa kan'ya. Wala akong ibang choice, pinasara ko na lang muna ang banana distributor namin dahil bumaba rin ang sales dahil sa nangyaring pananabotahe nila sa produkto namin. I already settled my other employees benefit habang sarado pa ang kompanya. Some shareholders too emailed me na aalis na sila at kukunin ang shares nila, sa loob ng ilang araw na pamamalagi ko roon nabigay ko iyon lahat. Ayaw ko naman silang bitawan na wala silang makukuha sa akin. Ang magagaling na kasabwat nila naka-alis na, kung naabutan ko pa sana sila edi napahuli ko na sila.

Dadating din ang oras nila, magpakasasa na muna sila sa mga nanakaw nila sa akin. Bilang na lang ang mga araw nila sa labas ng rehas, sulitin na nila. Hindi ko mapigilang mainis kina Grey, imposibleng wala silang alam sa nagyari kay Cheska. Kaibigan sila ni Sachi kaya sigurado akong updated si Sachi, hindi man lang sila nagsabi sa akin. Talagang kay Cloud ko pa nalaman. Dumiretso ako sa hospital na sinabi sa akin ni Cloud, hindi ko mapigilang magalala dahil alam kong magmamatyag lang ito sa paligid. Alam na alam niya kung saang floor at room si Cheska kaya dapat doble ingat at talagang dapat banatayan si Cheska.

Nagulat na lang ako nang malaman ang balita, Reesha didn't make it. Kahit galit ako sa kan'ya, hindi ko naman gugustuhin na mamatay siya. Galit na galit ako pero hindi ko maiwasang malungkot at maawa sa sinapit niya. Hindi ko lubos maisip na kaya pala itong gawin ni Cloud kay Reesha na mismong kasabwat niya at kasintahan.

Hindi ko mapigilang mainis kay Murphy lalo na noong nalaman kong siya pala ang nagbabantay araw-araw kay Cheska. I am thankful kasi hindi niya iniwan si Cheska, pero ang bigyan lang sana ako ng pagkakataon na makita si Reesha 'di pa niya magawa. Ilang araw na pala siyang nagbabantay doon e, gusto ko rin ipakita kay Cheska na handa akong ilaan ang oras ko para sa kan'ya. Pinakalma na lang ako ni Sachi at Grey nang tuluyan ng makapasok si Murphy sa loob ng ICU, marami pa namang oras at araw e makakausap ko rin si Cheska.

Habang naghihintay kami sa labas ng ICU, napansin naming may mga nurse at doctor na pumasok doon kaya dali-dali akong tumayo at pilit na dumudungaw doon pero wala akong makita. May papalabas na nurse mula sa ICU kaya hinila ko agad ito.

"What's happening?" nagaalalang tanong ko rito.

Ngumiti naman ito, "Gumising na po iyong pasyente pero nakatulog ulit." Sagot nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag, pati sila Sachi, Grey at Darwin ay 'di maiwasang mapangiti sa tuwa.

"Tatawagan ko na si Auntie, tiyak matutuwa iyon kapag nalamang gising na si Cheska lalo na si Cholo." Saad ni Sachi.

"Nurse puwede ba akong pumasok sa loob?" tanong ko rito.

"Mamaya po Sir kapag lumabas iyong watcher e puwede mo siya palitan." Paliwanag nito.

Tinanguan ko na lang ito at muling umupo, hindi na ako makapag-hintay gusto ko na makita si Cheska.

"Matagal pa ba sa loob si Murphy?" tanong ko sa kanila.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon