Kabanata 21 | Comfort

2.7K 62 2
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 21| Comfort

Ano 'yon, wala naman akong ginawang masama sa kan'ya bakit niya 'to nagawa sa akin? Napahilamos na lang ako sa sarili kong palad nang maalala ang ginawa ng Reesha na iyon sa akin.

"Cheska kanina ka pa nakatulala diyan, nagaalala na ako. You can share it with me, para gumaan ang pakiramdam mo." Saad ni Murphy sa akin.

Dinala niya ako sa seawall matapos niya akong tulungan kanina, hindi niya raw kasi alam kung saan ako dadalhin kaya ito ang napili niyang lugar.

Tumingin ako rito sabay binawi rin agad at tumingala, pero huli na — tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha.

"May ginawa ba 'yong lalaking 'yon sa 'yo? Sabihin mo sa akin para magantihan kita." Seryosong saad nito.

Humarap ako rito sabay pahid sa aking luha, mapait akong ngumiti rito.

"Stop smiling, it can't hide the pain in your eyes."

Napakagat ako sa pangibaba kong labi dahil sa sinabi nito.

"Ganoon ba talaga ako kaliit, Murphy? Ikaw, hindi yata bagay na nakikita ka ng iba na kinakausap ako o kasama ako. Isang hamak na dukha lang naman ako Murphy, tapos ikaw mayaman. Baka kung ano oa isipin ng iba." Saad ko rito.

"Bakit mo ba 'yan naiisip? Cheska kaibigan kita, walang magbabago roon kahit pa hindi tayo pareho ng estado sa buhay." Sagot nito.

"Layuan mo na rin ako, huwag niyo na ako lapitan." Humihikbing saad ko rito.

Umiling ito sabay humakbang papalapit sa akin.

"Hindi ko alam kung ano talagang nangyari kanina, pero ito ang tatandaan mo. Ang pera nabibili lahat ng kagustuhan ng tao, pero hindi lahat ng kailangan nito — nabibili ng pera." Saad nito sabay niyakap ako.

Napapikit na lang ako sabay tinugon ang yakap nito, "Salamat kasi 'di mo ako iniwan, salamat kasi hindi ka kagaya ng ibang tao kung mag-isip." Bulong ko rito sabay kumawala sa pagkakayap namin.

"Che, ano ba talaga nangyari?" seryosong tanong nito.

"Kilala mo naman si Sachi 'di ba? Sasabihin ko sa 'yo iyong nangyari basta mangako kang huwag mong sasabihin sa kan'ya ang sasabihin ko sa 'yo." Paninigurado ko rito.

"Oo naman, kung ano man iyong sasabihin mo sa akin. Atin-atin lang, walang ibang makakaalam." Sagot naman nito.

Tumango ako rito sabay huminga ng malalim bago magsalita, "Nakita mo ba iyong kasamang babae ni Owen kanina? Iyong maganda, basta lutang kagandahan niya kahapon kaya sigurado ako napansin mo iyon." Pagsisimula ko.

"Wait, hmm — Oo! Bakit, ano ginawa ng babaeng iyon?" tanong nito.

"Wala akong maalala na may nagawa akong masama o kasalanan sa kan'ya kasi kanina ko pa nga lang siya nakita o nakasalamuha sa tanang buhay ko. Tapos sinugod niya lang ako bigla kanina sa cr, pinagsalitaan ng mga masasakit na salita." Pagsusumbong ko rito.

Nakatiim bagang itong nakatitig sa akin, "Bakit niya iyon ginawa?"

"Hindi ko rin alam, basta ang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin e layuan ko raw si Owen at huwag na huwag ko lalapitan." Dagdag ko pa.

"I knew it, siguro may relasyon sila ni Owen kaya ginawa niya iyon. Alam ba 'to ni Owen?" tanong nito.

"Hindi! Wala akong sinabi, kaya sana huwag mo sabihin kahit na kanino. Please?"

"Pero kung wala kang sasabihan posibleng maulit ito, baka mas malala pa ang gawin ng babaeng iyon." Pagpupumilit nito.

"No please, nangako ka sa akin na wala kang pagsasabihan. Tuparin mo lang iyon Murphy," naiiyak na saad ko rito.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon