Kabanata 11| Make him fall

3.7K 75 1
                                    

The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 11 | Make him fall

Hindi ko mapigilang mapangiti matapos hipan ni Owen ang mata ko, napuwing kasi ako kanina mabuti na lang at naging maagap ito para tulungan ako. Nakabili na kami ng rekados sa lulutuin kong adobo, caldereta at tinolang manok at siya rin daw ay gagawa ng lasagna. Nasabi niyang paborito niya ang manok kaya iyon na lang ang napili kong lulutuin.

"Dahil talaga sa 'yo kaya nakakapagluto ulit ako," nakangiti nitong saad habang hinahanda ang lasagna na lulutuin niya.

"Asus, masaya ka naman 'di ba?" sagot ko naman habang naghihiwa ng patatas.

"Syempre, minsan lang kaya ako makakain ng totoong luto." Natatawa naman nitong sagot.

"Hayaan mo at sasarapan ko 'to para ganahan ka talaga kumain." Nakangiti ko namang sagot. "Aray!" bigla kong nabitawan ang kutsilyo nang mahiwa ko rin ang aking daliri.

"Hala dahan-dahan kasi," nagaalalang saad ni Owen at tumigil na rin sa ginagawa nito para alalayan ako. Hinawakan nito ang kamay ko sabay pindugo ang aking sugat. "Halika't tumayo, huhugasan natin 'to." Saad niya at inalalayan akong tumayo.

Napakagat na lang ako sa pangibaba kong labi, medyo mahapdi kasi talaga ito.

"Okay ka lang?" tanong nito habang hinuhugasan ang sugat ko.

Tumango sabay ngumiti ng bahagya, "Okay  lang." Sagot ko naman.

"Lagyan natin 'to ng alcohol," saad nito habang pinupunasan ang aking kamay.

"No! Ayaw ko Owen," sagot ko sabay hila sa aking kamay.

"Fine, ituro mo na lang sa akin kung saan ang medicine kit mo para malagyan ko ng band aid." Saad nito.

Tumango ako sabay tinuro ang maliit na aparador na lalagyan ng medicine kit. Sumunod naman ito at kinuha iyon doon.

"Ako na," saad ko at aabutin sana ang band aid pero nilayo niya ito.

"Ako na, umupo ka na lang diyan." Sagot nito sabay kumuha na ng isang piraso noon.

"Hindi naman ito masyadong malalim kaya ipagpapatuloy ko ang pagluluto." Saad ko rito habang nilalagay niya na ang band aid.

"Sigurado ka? We can order na lang if you can't," paninigurado nito.

"No! Ayaw ko masayang ang pagpunta mo rito," sagot ko naman.

"Marami pa namang ibang araw Reesha," saad nito.

Umiling ako sabay ngiti, "Kaya ko!" saad ko sabay kinindatan ito.

Waterproof naman iyong band aid kaya okay lang na mabasa, pinagpatuloy ko na iyong ginagawa ko.

"Dahan-dahan lang," pagpapaalala nito.

"Opo," sagot ko naman dito.

Pagkatapos niyang ilagay sa oven ang lasagna ay tumulong na rin ito sa paghihiwa ko ng mga gulay.

"Oo nga pala Reesha, wala ka bang boyfriend? Baka magalit iyon kapag nalaman niyang pinapasok mo ako rito." Biglang saad niya na nagpatigil sa aking ginagawa.

"B-Boyfriend? Wala ah, don't worry." Sagot ko sabay nginitian ito at binalik na ang atensiyon ko sa aking ginagawa. "How about you? Baka magalit girlfriend mo kasi nakikipagkaibigan ka sa akin." Pagbabalik ko sa kan'ya.

Tumawa naman ito sabay iling, "Girlfriend? Wala ako noon, tsaka sobrang labo na magkakaroon ako."

"Asus! Baka wala pa lang talaga iyong tamang babae na para sa 'yo, malay mo na-traffic lang." Sagot ko naman.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon