Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 18 | Welcome Party
Today is the day.
Sa totoo lang kinakabahan ako, kasi noong una naming pag-uusap ni Sir Owen e kapatid siya ni Grey tapos ako naman e kaibigan ni Sachi. Ngayon kasi iba na, isa na ako sa mga trabahador niya. May kasalanan pa ako sa kan'ya, sana lang 'di niya ako pagalitan.
"Cheska!" tawag ni Sachi sa akin.
Tumayo ako sabay lumapit sa kan'ya, abalang-abala na ang lahat para sa pagdating ni Sir Owen.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Sabi ni Ms. Hazel, ikaw raw iyong magdadala ng cake na hihipan ni Owen mamaya na may nakalagay na "Welcome back!" okay lang ba?" paliwanag nito.
"Bakit—" hindi ko na lang tinuloy iyong pagtanggi ko at baka isipin niyang may something. "Okay!" Sagot ko sabay ngiti.
"Thank you! Kilala mo naman na si Owen 'di ba?" tanong nito.
"Oo naman," sagot ko.
"Sige, maghanda ka na at baka parating na sila." Paalala nito sa akin.
Tumango na lang ako at muling bumalik sa puwesto ko.
"Girl, may problema ba?" tanong ni Darwin nang mapansin sigurong hindi ako mapalagay.
"Wala naman, ba't mo natanong?" saad ko sabay tumikhim.
"Parang kanina ka pa kasi nag-iisip ng malalim, may sakit ka ba?" nagaalala nitong saad.
"Wala rin, don't worry bakla okay lang talaga ako." Saad ko sabay ngiti.
"Sabi mo 'yan ha? Alam mo ba girl, excited na ako! Ang pogi pa naman ng mga lahi nila Grey tapos dagdag mo pa si Sir Owen." Kinikilig na saad nito.
"Nandiyan na iyong sasakyan! Pumuwesto na kayo," anunsyo ni Grey.
Isa-isa naman kaming pumunta sa harap ng pintuan at doon nagkumpulan. Dala-dala ko na iyong cake, hindi ko alam pero kinakabahan ako and at the same time e excited. Unang lumabas iyong driver nila Grey, at pinagbuksan na si Owen. Napakunot naman ang aking noo nang hindi pa ito bumababa.
Mayamaya pa ay bumaba na ito, kusang kumurba ang ngiti sa aking labi nang tuluyan na siyang masilayan. Mas pumuti ito at mas gumuwapo, nagtaka naman ako nang mapansing parang may inabot siya sa loob ng sasakyan at dahan-dahang nawala ang aking ngiti nang makitang babae iyon. Hindi lang basta babae, sobrang ganda nito at parang modelo na artista ang aura niya.
"Girlfriend niya ba 'yon?" tanong ng aking isip.
Nagpakawala naman ako nang buntong hininga nang sinukbit noong babae ang kamay niya sa braso ni Owen.
"Bagay na bagay sila," saad ni Cindy — isa sa mga kasamahan ko.
Ewan ko ba pero bigla akong napatingin sa suot kong damit at nakumpara sa kasama niya. Habang papalapit sila rito ay hindi ko maiwasang hindi mamangha, para lang silang mga bida sa mga k-drama na nakikita ko. Napangiti na lang rin ako nang makitang sinalubong si Owen ng mommy niya sabay hinagkan ito.
Habang papalapit nang papalapit sila ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko, lalo na noong tumigil na siya sa harapan ko. Saktong paglingon ko sa gawi niya ay nakatingin na ito sa akin, nagsi-tabi iyong iba kong kasamahan at dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
"Sir blow niyo po," saad ni Ms. Hazel sabay sinindihan ang kandilang nakatirik sa cake.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kan'y at ganoon din ito, "Finally Cheska — nagkita ulit tayo." Saad nito sabay hinipan ang kandila.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...