Kabanata 10| Vueno

3.6K 78 0
                                    

The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 10 |Vueno

"Owen Caiden is the name,"

"Anak sa ibang babae,"

"Grey Samson ang kapatid niya,"

Hmm... Habang tumatagal mas marami akong nalalaman tungkol sa Owen na iyon.
Wala naman masyadong espesyal sa kan'ya, iyon nga lang - they have big businessess na karibal ng mga negosyo namin.

Businesses they have:
-Their SB Branch Out in Manila
-Samson Marketing in Quezon City
-Samson Group of Companies in Pampanga
-Their famous donut house in Davao City
-SC Real Estate Company in Cebu
-Monden Banana Plantation in Davao Del Norte
-Glamorous boutique in Quezon City
-Caiden massage and Spa
-Samson's Resort
-His Father invest in Trading.
-Monden Banana distributor in Canada.
-A major shareholder in SB Canada branch.

I hired a private investigator para i-background check si Owen, mabuti na iyong alam ko lahat sa kan'ya para kung may giyera mang dadating alam ko kung paano siya tirahin.

"Siya lang ba nagpapatakbo ng mga ito?" tanong ko sa aking investigator.

"Base sa mga nakalap kong impormasiyon, sa ngayon e dalawa silang nagpapatakbo pero tumutulong pa rin minsan ang Daddy nila sa kanila." Sagot naman nito.

"Iyong kapatid ba niya sa totoong asawa?" paghuhula ko.

"Yes he is, dati hindi raw sila halos magkasundo pero isang araw nagkabati na sila dahil sa babae." Dagdag nito.

Bigla namang tumunog ang aking cellphone, rumehistro ang pangalan ni Jean Delgado isa sa mga galamay kong nagt-trabaho sa kompanya ni Owen.

"For a while," saad ko rito sabay nilapit ang cellphone sa aking tenga. "Yes Jean?" sagot ko sa tawag nito.

"Sir tama ka po, nagtanong po siya tungkol sa expenses. Mabuti na lang at handa iyong paliwanag namin, naniwala naman po siya kaya wala na po tayong problema. The $50,000 will be given to you soon." Paninigurado nito.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti, "That's great! What a good news, just tell me if you need back up okay? Someone will save you there, may kakampi ka diyan pero sa ngayon hindi mo muna puwede malaman." Saad ko at binaba na ang tawag. "Easy money," nakangisi kong saad sabay nagkibit balikat.

"Wala na bang ibang information about Owen? Sa ngayon mangalap ka muna, kapag may nalaman ka dumiretso ka agad sa akin. Ipapadala ko sa 'yo itong paunang bayad na $10,000 as soon as possible.'

"Yes sir, thank you." Saad nito at binaba na ang tawag.

Pagkatapos ko itong kausapin ay muli kong binasa ang impormasiyon na nakuha nito.

"Ang dami pala talaga nilang negosyo, pasasaan ba't babagsak din ang mga 'to." Saad ko sabay napangisi.

Naisipan kong mag-celebrate kaya agad kong tinawagan ang ang-iisang pinakamamahal kong babae. Napapakunot ang aking noo nang hindi niya na naman ito sinasagot, ibababa ko na sana nang sagutin niya na ito.

"Yes?" maiksing sagot nito.

"Let's celebrate! Nasan ka? I'll pick you," saad ko habang nakangiti ng malaki.

"I'm sorry may gagawin ako ngayon, maybe next time?" nagaalangang sagot nito.

"Ano bang gagawin mo? I can wait, gusto ko lang talaga mag-celebrate." Pamimilit ko rito.

"Cloud please, ginagawa ko naman 'to para sa 'yo e. I'm making my move, kaya next time na lang." Naiinis ng sagot nito.

"Kapag talaga si Owen, ang bilis-bilis mo. Ayaw ko magselos Sweetie, sana alam mo pa rim ang limitasiyon mo." Seryoso ng saad ko rito.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon