The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 2 | Searching
Napapakunot na lang ang aking noo sa ibang applicants na na-interview ko na, iyong iba kasi e dinadaan sa pag-seduce na akala ba nila'y makukuha nila ako sa pamamgitan ng pagpapakita ng cleavage nila. This is not new to me, may mga applicants talaga na ganito kaya hindi na ako magugulat. Iyong iba naman e hita ang pinangangalandakan nila na akala ba nila ay kay kinis nila.
Hiniwalay ko iyong mga maayos sumagot doon sa mga puro ganda lang. Sorry for the words pero may mga tao talagang ganoon.
Then there this girl na medyo nerdy iyong aura niya pero lutaw iyong ka-sexyhan niya.
"Good morning Sir," bati nito sa akin.
"Good morning, take your sit." Sagot ko habang binabasa ang resumé nito. "Oh! Before I'll start, I want to introduce myself first — I am Owen Caiden the CEO of Monden Banana Distributor. How about you?"
"I am Reesha Villanueva Sir, a marketing graduate and currently looking for a job." Sagot naman nito.
"Hmm, you are filipina. Ilang taon ka na rito sa canada?" pagsisimula ko ng pagtatanong.
"Three years po Sir," sagot naman nito.
"Matagal-tagal na pala, so sa loob ba ng tatlong taon na 'yan e may mga working experience ka na?" tanong ko para makasigurado na hindi lang gawa-gawa niya ang mga experience niyang nakalagay sa resumé.
"Yes po, I have two working experiences na po while I am staying here. My first job was secretary at Apolló Corporation while my previous job was marketing head at Golden Tiger Company." Sagot naman nito.
"Good, I am so glad for you na naging marketing head ka while you are here in states. You have a good resumé, we will just call you once you are hired. Okay? So keep your line open." Bilin ko rito sabay in-offer ang palad ko para makipag-kamay.
Ngumiti naman ito ng pagkalaki-laki sabay inabot ang aking kamay, "Thank you so much Sir!" sagot nito kaya nginitian ko lang ito.
"Reesha Villanueva, hmm she's interesting." Saad ng isip ko kaya mas pin-riority ko iyong application niya.
Out of thirty applicants, tanging lima lang iyong nag-exceed sa interview kaya sila iyong napili kong magp-proceed sa final level — the assessment.
Medyo maaga kong natapos iyong interview at saktong dumating na iyong pina-order kong kape at pagkain sa aking secretary.
Hindi ko mapigilang maalala ang coffee shop ko sa Pinas, I miss working there. Pati iyong mga tao ko doon, I miss them all. Tapos bigla na namang pumasok sa isip ko si Sachi.
"Goodness Owen! Kasal na sila ng kapatid mo kaya maghunos dili ka." Saway ko sa aking sarili habang nakapikit at umiiling.
"Sir okay lang po kayo?" tanong sa akin ni Lirah, secretary ko.
"Y-Yes, I am fine." Sagot ko sabay simsim sa aking kape. "Kumain ka na rin," saad ko rito.
"Yes po," sagot nito at lumabas na.
Napabuntong hininga na lang ako, kailangan ko na talaga 'to malampasan — kailangan ko na tuluyang makalimutan si Sachi. Okay na kami ni Grey kaya dapat hindi ako gagawa ng rason para magkagalit na naman kami.
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko, nagulat pa ako nang pangalan ni Grey ang rumehistro. Agad ko iyong sinagot at bumungad sa akin ang mukha ni Grey na nakangiti.
"Hey man! Kamusta ka diyan?" tanong nito sa akin.
"Yo! Long time no talk, I am fine here. Kayo diyan?" kamusta ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...