Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.)
Kabanata 34| Another traitor
Habang pinagmamasdan ko si Cheska na ginagamot ng mga doctor at nurse ay parang may mga kabayong nag-uunahang lumabas mula sa aking dibdib. Tumigil na ang panginginig nito at pagdudugo ng ilong pero wala na naman itong malay. The doctor informed us na kailangan nila mag-conduct ng test to find out what happened to Cheska, wala naman daw itong sakit kaya nagulat sila nang bigla itong mag bleeding at seizure.
Tinawagan ko na sila Sachi para ma-inform din sila, sinabi ko rin na huwag na lang muna sila pumunta rito at ako na ang bahala kay Cheska. Nakakuha na sila ng dugo nito para i-test, I told them to iform me immediately kung ano ang result. Nakatulala lang ako sa labas ng ICU habang hinihintay ang result ni Cheska, nakaramdam ako ng antok dahil wala pa akong pahinga simula noong makarating ako galing Canada. Pumasok ulit ako sa loob at tumabi kay Cheska, mahimbing itong natutulog kaya pinatong ko na rin iyong ulo ko sa gilid ng kama niya.
"Pahinga lang ako saglit," saad ng aking isip.
Akala ko ilang minuto lang ako nakatulog, nagising na lang ako nang marinig ang boses ng nurse na tinatawag niya pala ako.
"Sir, nandiyan po si Sir Grey sa labas hinihintay kayo. Inutusan niya po akong gisingin kayo para lumabas daw muna saglit," saad sa akin noong nurse.
Tinanguan ko na lang ito at nilingon ang orasan, "Hapon na pala?" saad ko sa aking sarili. Tinignan ko naman si Cheska, tumayo ako sabay ginawaran ito ng halik at tuluyan ng lumabas.
Napataas ang dalawa kong kilay nang makitang nandoon si Grey, may dala itong take out coffee mula sa shop ko at pack lunch.
"What brings you here?" tanong ko rito sabay nag-unat.
"Alam ko wala ka pang kain kaya dinalhan na kita nito, kain ka muna." Sagot nito sabay inabot sa akin ang dala nito.
"Wow, from Grey Samson?" pang-aasar ko rito.
"Yes, para sa kapatid kong si Owen Caiden." Hindi pagpapatalo nitong hirit.
"Baliw, pero salamat! Hindi ko kasi maiwan si Cheska rito, mahirap na baka may pumasok na kalaban." Sagot ko naman dito.
"Oo nga pala, tapos ko ng na-report si Cloud sa police station. Na-banned na rin ito sa lahat ng aiport, hindi na siya puwedeng makalabas ng Pilipinas. Naglabas na rin kami ng pabuya sa mga makakahuli kina Jean ba iyon? Iyong mga kasabwat ni Cloud. Pasasaan ba't sa bilangguan din ang bagsak nila." Balita nito sa akin.
Sumimsim ako sa dala nito kape sabay tinanguan ito, "Salamat sa tulong niyo Grey." Saad ko rito.
"Sino pa bang magtutulungan? Pamilya tayo Owen kaya kami ang dadamay sa 'yo sa ganitong panahon." Sagot naman nito. "Sige na, kain ka na muna bago ka bumalik sa loob. Baka mangayayat ka niyan, sige ka hindi na ikaw ang pipiliin ni Cheska pagka-gising niya." Pang-aasar pa nito sabay tawa.
"Kutusan kita diyan e," natatawa na ring saad ko sabay umupo at kinain ang dala nito. Habang kumakain ako ay napag-usapan namin ang negosyo naming nasunog, nabigyan na raw ni Daddy ang mga trabahador namin ng ayuda at kasalukuyan na itong pinapa-ayos para muling magbukas. Nakapagbigay na rin daw si Daddy ng statement sa board na kagagawan iyon ng mga Vueno lalo na iyong pagsabotahe sa produkto namin.
"Maiba nga tayo Owen, hindi ka naman gan'yan dati e. Last time na nakita kitang nagkakagan'yan noong may gusto ka kay Sachi at halos hindi mo ipa-ubaya sa akin. May gusto ka ba kay Cheska?" diretsong tanong nito.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...