Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.)
Kabanata 37 | Bomb
Pagmulat ng mata ko ay napa-atras ako nang makitang kakalabitin niya na ang hawak niyang baril. Gustong-gusto ko na talaga siya sugurin pero hindi ko magawa, kaya ko sana siya kung mano-manong labanan. Ang pagkakamali ko lang, tinanggal ko kanina ang bulletproof gear na binigay sa akin kanina, masyado akong naging kampante na hind kami magkakaharap ni Cloud.
"Paano ba 'yan Owen? Isang kalabit ko lang dito, basag na ulo mo. Sayang 'di ka na makakapag-paalam sa mga minamahal mo." Nakangisi nitong saad.
"Kahit pa patayin mo ako rito Cloud walang magbabago, isa ka pa ring talunan! Ni hindi mo nga magawang lumaban ng patas, napaka-dumi mo maglaro." Sagot ko rito.
"Shut up! You don't know me, Owen." Saad nito.
"Really? Siguro hindi ka mahal ng mga magulang mo kaya nagawa mo lahat ng 'to, kasi kung mahal ka nila baka napigilan ka pa nila. Nasaan na sila? Wala kasi hindi ka nila mahal!" mariin na saad ko rito.
"That's the reason why I hate you and your family, nasa inyo na lahat. Success and fame, anong natira sa amin? Wala! My father used to compare me to you, sa tuwing nababalita ka o nalalagay sa newspaper pakiramdam ko lagi akong talunan. Siguro kapag nawala ka talaga sa mundo, doon na ako makakahanap ng peace." Sagot nito, punong-puno ng galit ang mata nito.
Napailing na lang ako, ganito rin naman iyong issue ni Grey sa akin dati e. Ayaw na ayaw niya sa akin kasi lagi kaming pinagkukumpara.
"Alam mo nakakatawa ka, ni hindi ko nga kilala iyong family mo personally. Sana nagsumikap ka para makita mo rin iyong success na sinasabi mo. Hindi iyong sisirain mo kami para umangat kayo!" bulyaw ko rito.
"Wala na tsaka wala na ring tamang panahon diyan, huwag ka magalala ha? Kapag nawala ka, maybe I can be Cheska's man. Sayang nga e, sinubukan ko naman siyang akitin noong nasa kamay ko sila ni Reesha kaya lang matapang e. Ayaw niya kumagat, hindi kagaya ni Reesha na lapagan mo lang ng pera magkukumahog ng makuha iyon." Nakangisi nitong saad.
Nag-init ang aking dugo nang marinig ang sinabi nito, "Seriously Cloud? Nakakahiya ka naman, kung ako magiging magulang mo hindi talaga ako magiging proud sa mga ginagawa mo. Sinubukan mo talaga si Cheska? Ibahin mo siya kay Reesha, si Cheska may paninindigan. Tsaka wake up, huwag mo ng dinadamay si Reesha dito dahil wala na siya and she deserves peace."
"Wow! Iba nga naman ang isang Owen 'no? Sagabal ka talaga sa buhay ko, say your last words mr. Caiden before i'll pull the trigger of this gun." Nakangisi nitong saad.
"Last word gusto mo? Okay, kahit mamatay ako ngayon dito at ikaw pa ang makapatay sa akin walang magbabago. Makikilala ka ng mundo dahil sa ginawa mo. Biruin mo iyon? Iyong pangarap mong malagay sa healdines ng news mangyayari na, iyon nga lang hindi dahil pumatok ang negosyo niyo kung 'di dahil pinatay mo ang isa sa mga successful na anak ni Mr. Samson. Nakakahiya naman iyon sa part ng magulang mo, malalagay din sila sa newspaper dahil naging pabaya silang magulang. Great! Matutupad na talaga ang pangarap mo." Sarkastikong sagot ko rito. Napansin ko namang kumunot ang noo nito at naikuyom nito ang kan'yang kaliwang kamay.
"Hinahamon mo talaga ako ha? Well, this is what you deserve." Saad nito sabay kalabit sa baril at kasabay ng malakas na putok nito ay ang pagtama ng bala sa aking balikat. Napapikit ako sa sakit at tuluyang natumba sa lupa, pagmulat ng mata ko ay sumalubong sa akin ang tanawin ng mga ulap. I don't know why but I saw Cheska's face there, smiling.
Sunod-sunod na naman na putok ang narinig ko, muli akong napapikit at handa ng saluhin ang mga balang tatama sa akin. Ilang minuto akong nag-hintay pero walang tumama sa akin, kaya dahan-dahan kong nilingon ang kinaroroonan ni Cloud. Napahawak ako sa aking balikat sabay umupo, napaawang ang aking bibig nang makitang napaluhod ito sa lupa at may dugong lumalabas sa bibig niya. Paglingon ko sa likuran nito nakita ko ang isa sa mga kasamahan namin kanina na nakatutok ang baril kay Cloud. Tuluyan na itong natumba sa lupa, tumayo na rin ako habang naka-hawak pa rin sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...