Kabanata 40 | Night with You

5.2K 93 3
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 40 | Night with You

Hindi ko alam kung anong ganap mamaya, bigla na lang kasi dumating si Sachi sa bahay at may dalang dami at kailangan ko raw iyon suotin. Kinukulit ko kung anong meron pero ayaw talaga magsalita kaya hinayaan ko na lang ito na gawin ang mga gusto niya para sa akin. Napakaganda ng dress na binigay nito sa akin, ayaw ko sana suotin kasi sayang pero nagpumilit itong gamitin ko raw talaga. Napapansin ko ang mga ngitian nila ni Grey, halatang may pinaplano talaga ang mga ito. Ilang oras din silang namalagi sa bahay, mabilis lang kasi nila akong na-ayusan dahil hindi naman ganoon ka-kapal ang make up na nilagay sa akin ni Sachi. Nadulas ito kanina habang nag-uusap kami na galing ky Owen iyong damit na pinasuot niya sa akin.

Mayamaya pa ay lumabas si Cholo dahil napansin niyang may dumating daw, ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Nang makapasok na sila ay nakita kong si Owen pala ito, hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin dito kasi bagay na bagay din sa kan'ya ang suot niya. Matapos namin magpaalam kina Mama, nauna na kaming umalis ni Owen. Doon pa ako nagka-ideya kung saan kami pupunta nang mapansin ang daan na dinadaanan namin.

Nasurpresa talaga ako lalo na noong tinanggal na ni Owen ang takip sa aking mata, ang galing ng ginawa nila doon. Napaka-ganda at sobrang nakakagaan sa dibdib. Mayamaya pa ay hinawakan nito ang kamay ko at naglakad kami papunta sa isang sasakyan na nandoon. Hindi lang siya basta-bastang sasakyan na naka-park doon, may mga pagkain na nakalagay doon at kinuha naman ni Owen iyong isang box. Buong ingat niya iyong inangat sabay tumingin sa akin ng nakangiti.

"Pikit mo muna mata mo, kapag sinabi kong okay na tsaka mo na buksan." Saad nito sa akin. Tinanguan ko naman ito sabay nginitian din, pinikit ko na ang aking mata at mayamaya pa ay nakarinig ako ng kaluskos na parang may nilalabas mula doon sa box.

"Open your eyes now," saad nito at dahan-dahan ko namang binuksan ang aking mata.

Napahawak na lang ako sa aking bibig sa sobrang gulat lalo na noong mabasa ko ang nakasulat doon, napanguso na lang ako sabay napatingin kay Owen. Mas lalong lumapad ang aking ngiti nang mapansing namumula ang pisngi nito.

"Cheska, will you be my girlfriend?" tanong nito sa akin.

Lumapit naman ako dito sabay hinawakan ang pisngi nito, "Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko sa kan'ya.

"Oo, hindi mo ba nagustuhan?" nagaalalang tanong nito.

Umiling ako sabay nginitian ito, "Gustong-gusto Owen, tsaka ikaw pa ba? Owen, oo! Simula sa araw na 'to, girlfriend mo na ako at boyfriend na kita." Masayang sagot ko rito sabay dinampian ng halik ang labi nito. Niyakap niya naman ako gamit ang kabila niyang kamay sabay hinalikan ang aking noo.

"Sobrang saya ko ngayon Cheska, salamat. Akala ko talaga hindi mo ako sasagutin e," sagot nito habang yakap-yakap ako.

"Aaminin ko iyong totoo, sa una nagaalangan ako kasi alam mo naman 'di ba? Nahihiya ako kasi ang layo talaga ng agwat ng buhay natin e, tapos heto ako pa iyong babae na minahal mo." Pagsasabi ko rito ng totoo.

"Wala namang imposible 'di ba? Tignan mo nga sila Grey at Sachi oh. Masaya sila sa pamilya nilang nabuo, alam ko magiging masaya rin tayo. Kung magkakaroon man ng problema, sabay nating haharapin. Hinding-hindi kita hahayaang mag-isa." Paninigurado nito sa akin.

Tinanguan ko naman ito at napa-pikit nang halikan niya ang noo ko. Nilapag nito ang cake sa likod ng sasayan kung saan nandoon din ang ibang pagkain na nakalagay pa sa mga lalagyan na transparent at iyong pizza naman ay nasa loob pa ng box.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon