The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 6 | New faces
Pagkatapos naming kumain ni Reesha inalok ko itong ihahatid ko siya pero tumanggi ito dahil nakakahiya na raw, hindi na rin ako nagpumilit dahil papasok pa ako sa office.
Sec. Lirah Cardinal
"Good morning Sir! Nakahanda na po iyong mga documents na inutos niyo sa akin, nasa table niyo na po lahat. Sila po iyong mga sinabi mo na qualified sa mga vacant position."Sa lahat ng mga officer na pinalitan ko, hindi ako nagpalit ng secretary — kahit noong si Dad pa ang nandito, si Lirah na talaga ang Secretary at siya ang tumimbre sa amin na para bang may kalokohan ng nagaganap sa loob ng kompanya.
"Thanks Li, I'm on my way there."
I've send it via voice message, nagmamaneho na kasi ako kaya hindi na ako nag-abala pang tumigil para mag-type ng reply.
Pinadala ko lahat ng pagkain na natira kay Reesha, totoo naman kasi din iyong sinabi ko na walang kakain noon doon kaya sayang lang din. Bigla ako namang naapakan ang preno nang maalala si Sachi kay Reesha...
"Bakit parang déjà vu naman 'to, pero this time kay Reesha na... Ngayon ko lang din napagtanto, I also saved Sachi that night as well as Reesha. Hmm, ano ba 'tong iniisip ko?" saad ko sabay iling at muli ng nagmaneho. "Kapag talaga nalaman ni Grey na minsan sumasagi pa rin sa isip ko si Sachi, baka magalit na naman iyon sa akin."
Grey S.
"Sup man? I am so busy this week, ngayon lang kita na-inform na we hired Darwin and Cheska. You know them right? Sachi's friend, I wanted to help them kaya kinuha ko sila para magtrabaho sa coffee shop mo."
Matapos ko iyong mabasa ay tinabi ko na muna ang sasakyan ko sa daan at agad na tinawagan si Grey.
"Yo!" bati nito sa akin afer he answers it.
"About Darwin and Cheska? It's fine, just inform me if my coffee shop needs anything 'kay?" Saad ko rito.
"No worries, sobrang hands on ni Sachi sa coffee shop. Alam mo naman 'yon? Sobrang hilig sa kape, we even hired a babysitter para matulungan siyang magbantay kay Gavin and Chester."
"Wow, pamilyadong-pamilyado na a? Sige Grey, tell Sachi thank you. Sobrang busy ko rin kasi rito e, ngayon ko pa e-evaluate ulit iyong mga qualified applicants. Mahirap na kung magtitiwala agad, ang daming nakamkam noong dati nating finance head — we can't even find that bastard!" Matapos maalala ang traydor na iyon, biglang kumulo dugo ko. Dad trust them tapos ginago lang nila? Tsk!
"Yes, just tell me too if you need help okay? I am willing to help you naman, hayaan mo — I will make sure na quality banana ang dadating diyan para makabawi agad tayo." Saad ni Grey.
"Sige Grey, need to end this call na. Say my regards to Gavin and Chester, pati na rin kay Mom and Dad." Bilin ko at binaba na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
AcakOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...