Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 14 | Move
Kinabukasan, nagising akong may maraming bulaklak ang aking higaan, sa hagdan at pati na rin sa sala. Punong-puno ito ng mga white roses at tulips.
"I am sorry, please forgive me."
Napailing na lang ako sabay irap nang mabasa ang note na nandoon. I know its him, ganito naman lagi talaga e. Akala niya kaya niya i-daan lahat sa pera at pagbibigay ng luho. Bigla naman akong natigilan, that's the reason why I am doing this — mahal ko siya kaya tinutulungan ko siyang mapabagsak si Owen. Actually, not because of money. I love him that much kaya gagawin ko lahat to show him that I am committed to him no matter what.
Gusto ko sana linisin iyon at itapon lahat pero wala na akong oras, kailangan ko pang pumasok kaya mas pinili ko na lang na maligo at maghanda ng makakain. Matapos kong gawin lahat ng iyon ay naghanda na ako para umalis. Noong tuluyan na akong nakalabas, napa-atras naman ako nang sumalubong sa akin si Owen.
"Good morning, sabay na tayo." Bati nito sa akin.
Nginitian ko na lang ito sabay tumikhim, "Sana hindi ka na lang nag-abala pang daanan ako." Sagot ko rito.
"Okay lang, gusto ko rin naman masiguradong okay ka." Sagot nito sa akin.
"Salamat, tara na?" aya ko at tumango naman ito, nagsimula na kaming maglakad habang wala pang sasakyan na dumadaan.
"Owen, puwede bang pahawak muna nitong bag? Isusuot ko lang 'tong coat ko kasi nanlalamig ako." Suyo ko rito.
"Sure, " sagot nito sabay inabot ang aking bag.
Habang sinusuot ko iyong coat ko ay biglang hinila ni Owen ang braso ko sabay muling binaba ang aking coat at tinaas ang manggas ng damit ko sa may braso.
"Bakit may pasa 'to?" takang tanong nito.
Biglang kumabog ng mabilis ang aking dibdib, hindi niya puwede malaman.
"A-Ah iyan ba? Ano kasi, inaantok pa ako kanina kaya hindi ko namalayan na babangga na pala ako sa pader." Pagrarason ko.
"Sigurado ka? Para kasing hindi ito pasa ng tumama sa pader e," hindi pa rin naniniwalang saad nito kaya binawi ko n iyong braso ko.
"Hindi naman masakit kaya hayaan mo na lang," sagot ko at muling kinuha ang bag ko sa kamay ni Owen.
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga nang mas mauna ako sa kan'yang maglakad.
"Reesha, magkaibigan tayo 'di ba? Huwag ka mahihiyang magsabi sa akin kung may problema ka," pagpapaalala nito sa akin.
"O-Oo naman, huwag ka magalala." Sagog ko rito.
Noong makasakay na kami, mas pinili ko na lang na ipikit ang aking mata at magkunwaring natutulog — alam kong magtatanong ito kaya umiwas na ako at baka ano pang masabi ko. Hindi ko namalayan, tuluyan na pala akong napa-idlip, nagising na lang ako nang maramdamang may gumigising sa akin.
"Hey, nandito na tayo. Okay ka lang ba talaga? Just tell me kung hindi mo kaya, huwag ka na lang muna pumasok." Nagaalalang saaD ni Owen sa ako .
Umayos naman ako ng upo, sabay inayos din ang damit ko.
"Okay lang talaga ako Owen, kaya ko 'to." Paninigurado ko rito.
"Sigurado ka ha? Sige, mauna na ako." Paalam nito sabay kumaway sa akin.
Magbabayad na sana ako sa taxi pero sabi nang driver e nagbayad na raw iyong kasama ko. Natigilan naman ako nang makapa ang cellphone malapit sa inuupuan ko, namilog ang aking mata nang mapagtantong kay Owen iyon.
"Thank you so much, I need to go." Paalam ko sa driver, dali-dali akong naglakad patungo sa elevator at baka maabutan ko pa siya pero hindi na kaya napagdesisyunan ko na lang na ihatid iyon sa office niya. Dumaan muna ako sa department ko bago pumunta sa office ni Owen, wala si Lirah sa labas kaya papasok na lang ako. Nakasiwang ng kaunti ang pintuan ng office ni Owen, kakatok na sana ako nang marinig ang mga sinabi nito.
"Ang aga-aga namang balita niyan! So kailangan ko na mag-book ng ticket pabalik ng Pinas?" galit na saad nito kay Lirah.
"Yes Sir, para rin naman po iyan sa kompanya niyo e. Dumalo na lang po kayo Sir, kayo kasi iyong special guest. Mr. Eduards is one of our majority shareholders kaya importanteng nandoon ka sa event na gagawin niya." Kumbinsi ni Lirah dito.
"Fine, but I'll be bringing Reesha with me."
Napahawak na lang ako sa aking bibig nang marinig ang sinabi nito.
"Sigurado po kayo Sir?" paninigurado ni Lirah.
"Yes," maikling sagot nito.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang kumatok, "Excuse me po." Pareho naman silang natigilan at sabay na napalingon sa akin.
"What are you doing here? Kanina ka pa?" tanong ni Owen sa akin.
"Kakarating ko lang po, ibibigay ko lang po sana iyong phone niyo kasi naiwan sa sasakyan." Sagot ko sabay lahad ng aking kamay na may hawak ng cellphone niya.
"Goodness! Mabuti na lang at nakita mo, thank you Reesha." Pagpapasalamat nito sa akin.
Nginitian ko lang ito sabay tinanguan, "Walang ano man po Sir. Mauna na po ako," paalam ko rito.
CJ and I are not okay, but I really need to tell him about what I've heard. Dali-dali akong naglakad papunta sa banyo at ni-lock iyon, sinigurado kong walang makakarinig na iba at walang ibang taong nandoon.
I dialed his number at agad na tinawagan iyon, wala pang tatlong ring ay agad niya iyong sinagot.
"Honey! How are you? Pasensya na sa nagawa ko kagabi, babawi ako Hon. Tell me if what you want to eat or if may gusto ka ba. Sabihin mo sa akin at ibibigay ko agad." Salubong nito sa tawag ko.
"Owen is planning to go to the Philippines with me, okay lang ba sa 'yo?" malamig na tanong ko rito.
"What? Of course no! Ba't ka sasama sa kan'ya?" sigaw nito mula sa kabilang linya.
"Puwede ba Cloud? Isantabi mo muna iyanh pagseselos mo, hindi iyan makakatulong. Sa kakaselos mo, nakalimutan mo na iyong plano natin against Owen. It would be a great opportunity kung matuloy man na isama niya ako, imagine? Sasabihin niya lahat sa akin kung anong negosyo meron sila at agad ko iyong masasabi sa 'yo. Ayaw mo ba noon?" paliwanag ko rito.
"I want, I am just really paranoid. Pasensya na ulit Ree, balitaan mo lang ako kung matuloy man iyan. Thank you for informing md kahit may nagawa ako sa 'yo." Paghingi nito ng pasensya.
"No worries, partner tayo 'di ba? Kahit pa magkagalit o mag-away tayo, hindi kita iiwan." Sagot ko rito sabay baba sa tawag.
"Reesha?"
Muntik ko pang mabitawan ang aking cellphone nang marinig na may tumawag sa akin.
"L-Lirah, 'di ba magkasama lang kayo ni Sir kanina?" nauutal na saad ko rito, nasa isang cubicle pala siya pero may nakasalpak na air pod sa tenga niya.
"Oo pero tinawag ako ng kalikasan kaya dali-dali akong pumunta rito para maglabas, bakit gulat na gulat ka yata? Hindi ako multo a!" saad nito sabay napa-atras.
Napailing naman ako sabay bahagyang ngumiti, "Nagulat lang ako kasi may ibang tao pa pala diyan."
"Why, may tinatago ka siguro 'no?"
Napaatras naman ako, "Wala!" mariin na saad ko sabay tuluyan na siyang iwan sa banyo.
"Haa!" sigaw ko nang tuluyan na akong makalabas sa banyo.
I hope wala siyang narinig.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...