Kabanata 3 | New Friend

8.3K 157 0
                                    

The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 3 | New Friend

"One margarita please," saad ni Reesha matapos lagukin ang kaka-order niya alng na margarita pero heto siya at parang ginagawang juice lang ang alak.

"Problemado ka ba?" natatawang tanong ko rito.

Ngumiti naman ito sabay humarap sa akin, "No I am not, kailangan ko lang talaga mag-ipon ng sapat na lakas para sa giyerang haharapin ko." Makahulugang sagot nito.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Nothing, huwag mo na iyon isipin." Sagot nito at muli na namang nilagok ang inumin nito.

As what she said, huwag ko na lang daw iyon isipin kaya iyon na lang ang ginawa ko. I can say na mataas ang alcohol tolerance nito, kanina pa kasi ito inom nang inom pero 'di pa rin nalalasing. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kan'ya, matagal-tagal na itong nakatira rito kaya ewan ko ba kung na-a-adopt niya ang charisma ng mga foreigner.

"Baka matunaw ako niyan," nakangisi nitong biro.

Napailing naman ako sabay ngisi, "Kung tititigan ka kasi para ka talagang foreigner, half ka ba?" tanong ko.

"Naku hindi po," nahihiya naman nitong sagot.

Tinanguan ko na lang ito at muling nilagok ang hawak kong alak.

"O-Owen, baka isipin mo na lagi akong umiinom ha? Ngayon lang talaga kasi may pinaghahandaan ako, ano baka kasi isipin mo hindi ako maaasahan na trabahador." Nauutal na saad nito, napakunot naman ang aking noo nang makitang nakayuko ito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ako naman nag-aya sa 'yo kaya don't worry, hayaan mo - kapag tapos na lahat ng evaluation ng papers niyo ay agad kitang babalitaan." Nakangiti kong saad nito.

Humarap naman ito sa akin sabay ngumiti ng bahagya.

"Maraming salamat Owen, ipapakita ko sa iyo na gagawin ko lahat upang 'di ka magsisi kung sakaling pipiliin mo ako."

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"Pasensya na, nadala lang ako." Nahihiyang sagot nito.

Ramdam kong medyo natatamaan na ito kaya in-aya ko na itong umuwi.

"Whoa!"

"Reesha!" dali-daling alalay ko nang muntik na itong matumba, napasubsob ito sa dibdib ko. Hindi ko alam pero napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mamula-mula pa nitong pisngi dahil sa epekto ng alak.

"Hindi pa ako lasing," saad nito habang kumukurap-kurap.

"Lasing ka na e, saan ba ang bahay niyo at ihahatid kita?"

Pero imbes na sagutin ay tuluyan na itong napapikit, wala akong choice kundi kargahin ito na para bang bagong kasal. Kasalanan ko yata kung bakit nalasing 'to e, kung pinigilan ko lang sana 'to uminom ng marami.

"Paano kita ihahatid nito ngayon?" tanong ko rito kahit sigurado naman akong 'di niya na ako naririnig. "Huwag ka magalala, you can trust me - wala akong gagawing masama sa 'yo." Paninigurado ko rito.

Wala akong choice, dadalhin ko siya sa unit ko. May couch naman doon kaya sa couch na ako matutulog at siya naman sa kama, baka kasi isipin niya na pinagsamantalahan ko ang kahinaan niya kapag nagising siya at nakitang magkatabi kami sa higaan.

"Reesha, Reesha!" pag-gising ko rito, pero ayaw talaga kaya back to first plan.

"Wala akong gagawing masama sa 'yo, sana lang huwag mo ako bugbugin bukas." Saad ko habang inaayos ang pagka-karga ko sa kan'ya.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon