Kabanata 20| Seduce

3.1K 51 3
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 20 | Seduce

Napakunot ang aking noo habang nakikinig sa usapan ni Darwin at Cheska, lalo na nang marinig ko ang engineer na saad ni Darwin. Hindi ko mapigilang sundan ng tingin si Cheska habang naglalakad papunt sa bisita niya, mukha pa itong sabik na sabik na makita iyon.

I don't know why I am acting like this, okay naman ako kanina e. Do I have the right to feel this? Ayaw ko sana papasukin iyong bisita niya pero gusto ko rin makita kung sino at ano ang magiging karibal ko.

"Karibal?" tanong ng aking isip.

"I guess guwapo iyong bisita ni Cheska, siguro bagay sila." Saad ni Reesha habang sumisimsim ng kape.

"Tama po kayo ma'am! Ang pogi po ni engineer, pero ewan ko lang po sa kaibigan kong iyan. Wala naman po iyang panahon sa mga gan'yan." Singit naman ni Darwin.

With that, nakahinga ako ng kaunti. Baka kaibigan lang talaga iyon ni Cheska. Naubos ko na iyong kape at pagkain ko pero hindi pa rin nakakabalik si Cheska kaya nagpaalam na muna ako kay Reesha.

"Excuse me for a while," paalam ko rito.

"Where are you going?" tanong nito.

"May titignan lang sa labas, i'll be back." Sagot ko at naglakad na papunta sa may pintuan.

I clenched my jaw the moment I saw them, lalo na noong mapansin kong naka-akbay iyong lalaki kay Cheska. Kasama pa talaga nila si Sachi? Mabuti na rin iyong pumasok sila para nakikita ko lang ginagawa nila. Mas lalong naningkit ang aking mata nang marinig na pinagluto pala noong lalaki si Cheska, pasalamat siya at nasa loob pa ng maleta iyong dala kong pasalubong for Cheska.

Halos hindi maalis ang tingin ko sa kinaroroonan noong lalaki, nakatingin pa rin kasi ito kay Cheska kahit nakaalis na ito. I waited for a while, hindi ko mahagilap si Reesha. Mayamaya pa ay bumalik ito at parang matamlay, masakit daw ang ulo nito at gusto na umuwi kaya pinaupo ko muna ito para kunan ng tubig.

"Darwin! Pahingi naman ng tubig oh, pakibigay na rin kay Reesha." Utos ko kay Darwin nang makita ito.

"Sige po Sir," sagot nito.

"Nakita mo ba si Cheska?" tanong ko.

"Si Cheska po? Nakita ko kanina pumasok ng comfort room." Sagot naman nito.

"Sige, thank you!" Sagot ko at naglakad papunta sa labas ng comfort room.

Pero nagulat na lang ako nang makita siyang nakaupo sa sahig ng ladies comfort room habang yakap-yakap ang sarili niya at umiiyak. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ito at umupo sa harapan niya.

"Cheska! Cheska anong nangyari?" nagaalalang tanong ko.

"Huwag! Layuan mo ako, huwag na huwag mo akong lalapitan." Umiiyak na sigaw nito.

"Ano bang nangyari? Ako 'to si Owen, wala naman akong ginawa sa 'yo ah." Sagot ko rito.

Pero imbes na sumagot ay mas lalo itong umiyak, "S-Sorry po n-nadulas lang po ako." Nauutal nitong sagot at bumuwelo na para makatayo, agad ko naman itong inalalayan pero tinulak niya lang ako.

I don't know why she's doing this...

"What's wrong?" tanong ko.

"Huwag niyo po akong lapitan o kausapin, nagt-trabaho po ako ng maayos. Iyon lang po sana ang pakiusap ko, huwag mo ako lapitan." Humihikbing saad nito.

I tried to hold her hand pero hinila niya lang ito, "Sabi ng huwag mo ako hawakan e!" sigaw nito.

"Cheska?" pareho kaming napalingon ni Cheska sa tumawag sa kan'ya. "Hayop ka! Anong ginawa mo sa kan'ya?" galit na galit na saad noong bisita ni Cheska at sinugod ako sabay kinuwelyuhan at diniin sa pader.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon