The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 4 | What the —?
"Ouch!" nakapikit na saad ko habang hinihilot ang aking sentido.
Ano bang ginawa ko kagabi at para bang nag-aaway ang kulot at kidlat sa loob ng ulo ko? Humikab muna ako bago tuluyang bumangon, bigla naman akong natigilan nang mapansing madilim ang paligid.
"What the —? T-teka, bakit amoy lalaki ang silid na 'to?" kinakabahang saad ko, dali-dali ko namang tinignan kung may damit pa ba ako. Muli na naman akong natigilan nang mapansing hindi ko na damit ang suot ko pati na rin ang boxer.
"Ahhh!" sigaw ko at napagtantong may suot naman akong panloob.
"Teka nga, bakit ba ang paranoid ko? Argh! I forgot what happene last night," nakakunot noong saad ko habang sinasabunutan ang sarili ko.
May narinig akong footsteps kaya napaatras ako at tinalukbong ang kumot, kinakabahan ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko — bakit ang bango naman nito? Sobrang masculine talaga ang amoy at aura ng silid na 'to.
Namilog naman ang aking mata nang dahan-dahan na bumukas ang pinto, hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim sa loob ng kuwarto pero sigurado ako na lalaki iyon. He is wearing a black hoodie jacket, bukas iyong zipper sa harapan ng jacket niya kaya kitang-kita ang panloob nitong kulay white na sando. Hapit na hapit iyon sa katawan niya, lutaw na lutaw ang purmado nitong katawan, naka jogger pants naman ito sa pangibaba. Kung hindi sana ako nasa state of shock ngayon e baka nilapitan ko na ito at nagpakilala. Chos! May bitbit itong tray na may tasa, palagay ko e kape iyon o baka tea.
"Good morning, gising ka na pala." Bati nito sa akin.
Pamilyar iyong boses niya, saan ko nga iyon narinig?
"Better to drink this tea, I bought this earlier sa market. Sabi noong nagtitinda, maganda daw sa mga may hangover kaya ito na lang binili ko." Saad nito sabay nilapag ang dala niya sa side table.
Napatingin naman ito sa direksiyon ko kaya napasinghap ako at muling napaatras sabay hila sa kumot.
I saw it, he smirked!
Naglakad naman ito sa mini sala set na nandoon sa loob ng silid sabay kumuna ng remote, napaawang naman ang aking bibig nang mapansin na iyon ang ginamit niyang switch para i-on ang ilaw. Napapikit ako sa sobrang liwanag, dahan-dahan ko namang minulat ang aking mata at mas ikinagulat ko ang aking nakita...
Mr. Owen Caiden!
Ngumiti ito sa akin, "You look terrified, don't worry dahil wala akong ginawang masama sa iyo." Paninigurado nito.
Napahilamos ako sa sarili kong palad, "B-Bakit iba na iyong suot ko?" tanong ko rito.
"Wala kang maala?" nakangisi nitong tanong, kanina pa ito ngiti nang ngiti a. Kung 'di ko lang 'to magiging boss baka kanina ko pa 'to binara.
"May nangyari ba sa atin?" kinakabahang tanong ko.
Bigla namang sumeryoso ang mukha nito, napaawang ang aking bibig nang tumango ito.
"No!" sigaw ko at pilit na inaalala ang nangyari. "Ahh! I can't remember anything," muling sigaw ko.
Napakunot ang aking noo sabay naningkit ang aking mata nang makitang bumuhakhak ito sa pagtawa.
"Pinagloloko mo 'ko!" maktol ko rito.
"I just can't help my self from laughing, you and your reaction is quite funny. As what I've told you earlier, wala akong ginawang masama. It's just that — may babae lang na sinukahan ako dahil sa sobrang kalasingan, ihahatid ko sana sa kanila pero ayaw gumising kaya inuwi ko na lang dito sa unit ko." Paliwanag naman nito.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...