Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.)
Kabanata 29 | Anger
Biglang lumakas at bumilis ang kabog ng dibdib ko nang dahan-dahang nilalapit ni Owen ang mukha niya sa mukha ko. May parte sa akin na nagsasabing itulak siya pero mas nanaig ang kagustuhan kong mangyari ang binabalak niya. Parang may nagdiriwang sa loob ng puso ko nang tuluyan ng maglapat ang aming mga labi.
All this time, tinago ko lang iyong totoo kong naararamdaman sa kan'ya. I can clearly recall those nights na nagpapalitan kami ng mensahe sa email, pakiramdam ko isa ako sa mga masuwerteng babae dahil nakakausap ko ang isang Owen Caiden. Walang mapaglagyan ang tuwa ko noong araw na binigay niya sa akin ang mga pasalubong niya na galing Canada, kasi hindi niya ako nakalimutan at naaalala niya pala ako.
Kaunting paghanga lang naman iyong nararamdaman ko noon kay Owen e, sino ba namang hindi makakapansin sa angkin niyang katangian? Unang kita mo pa lang sa kan'ya tiyak na mapapatitig ka. Wala na sana iyon e, kakalimutan ko na sana talaga iyong kaunti kong nararamdaman para sa kan'ya kasi bigla akong nanliit noong makita kong magkasama sila ni Reesha. Ano lang ba ako kung ikukumpara ako sa kan'ya? Ni wala nga ako sa kalingkingan nang babaeng iyon e.
Pero mahirap kung ang feelings na talaga pipigilan e, kapag tinatago mo mas lalong lumalaki at lumalalim. Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Reesha hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit at selos. Inggit na sana ako na lang iyong nakakasama niya at nakakausap, selos kasi alam kong sobrang layo ng agwat namin ng estado sa buhay.
Sa loob ng isang linggo na wala na ako sa puder nila Owen, doon ko napatunayan na may nararamdaman na ako para sa kan'ya. Babae kasi ako e, ramdam ko kapag gumagawa ng paraan ang isang tao para makausap ka at nararamdaman ko iyon kay Owen. Ayaw ko lang maging marupok at sunggaban iyong pinapakita niya baka kasi isipin niyang nagugustuhan ko siya dahil lang sa yaman na meron ang pamilya niya. Labis ang pangungulila ko sa loob ng isang linggo na iyon, kaya mas tinuon ko ang sarili ko sa pagt-trabaho para 'di ko siya gaano maisip.
Noong sinabi niya kaninang namiss niya ako? Hindi lang halata pero masaya ako na marinig iyon, lalo na noong sabihin niyang lagi niya akong hinihintay.
Hindi gumagalaw ang aming mga labi, nakalapat lang iyong labi niya sa labi ko habang hawak-hawak niya ang magkabila kong pisngi. Dahan-dahan naman siyang lumayo sabay hinagkan ang aking noo kaya minulat ko ang aking mata, nakangiti ito habang nakatitig sa akin.
"Pasensya ka na ha? Hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan ka, sobra lang talaga kitang namiss." Nahihiyang saad nito, naramdaman ko na lang din na parehong biglang uminit ang aking pisngi.
"A-Anong ibig sabihin ng halik na iyon Owen?" nahihiyang tanong ko rito.
"Tatapusin ko lang iyong mga gulo na ginawa nila Reesha, babawi lang muna ako sa pamilya ko dahil sa kapalpakan ko. Pagkatapos ng lahag ng iyon, babalikan kita. Sana hintayin mo ako," seryosong saad nito.
"Naiintindihan ko, huwag ka magalala Owen. Handa akong maghintay sa 'yo, kahit gaano pa iyan katagal." nakangiti kong sagot dito.
"Salamat Cheska," sagot nito sabay niyakap ako.
Matapos namin mag-usap ay hinatid niya na ako sa amin, gusto niya sana na bumalik ako sa shop pero sabi ko na hindi ko puwede iwan basta-basta ang trabaho ko ngayon. Naintindihan naman niya kaya hindi niya na ako pinilit.
Kanina pa ako nakahiga sa higaan ko pero hindi pa rin ako nakakatulog, naaalala ko pa rin iyong nangyari kanina. Hindi pa rin ako makapaniwalang hinalikan niya ako. Hawak-hawak ko pa rin ang aking labi habang paikot-ikot sa aking hinihigaan.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...