Kabanata 39 | Answer

3.4K 62 4
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

(Source: Pinterest | The photos is not mine, credits to the rightful owner.)

Kabanata 39 | Answer

I am so glad, after eight months everything is fine again. Iyong mga natigil pansamantala naming negosyo ay nakakapag-operate na ulit. Iyong mga tao namin na nawalan ng trabaho nakabalik na ulit, iyong kompanya naman namin sa Canada e pina-hawak na ni Daddy sa Tito ko. Na-ayos ko na lahat, maging si Cloud ay nakakulong na rin pati mga kasabwat niya. Ang kulang na lang, iyong pangako ko kay Cheska eight months ago.

Kahapon ko sana siya susurpresahin pero hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Lumitaw lang naman si Murphy na kinagulat ko talaga at kina-init ng ulo ko noong makitang magka-yakap pa sila. Sarap sana bugbugin ng lalaking iyon e, dahil sa ginawa niya kay Cheska pero 'di ko nagawa kasi nandoon si Cheska at baka ano pa mangyari sa kan'ya.

"Hala ang ganda naman po," saad ni Hazel habang inaayos ko iyong disenyo ng cake. Heart shaped ito at cheesecake ang inner part nito. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan habang ginagawa ko na iyong pagsuslat doon.

"Will you be my girl?"


Matapos kong isulat ito ay napangiti ako sabay napabuga ng hangin sa sobrang kaba. "Bakit ba ako kinakabahan? Nasabi niya na nga ang magic word kahapon e." Pagpapakalma ko sa aking sarili.

"Sir kalma lang po, napaghahalataan kayong tense na tense e." Pang-aasar sa akin ni Hazel.

"Kasi baka 'di ako sagutin," natatawang sagot ko.

"Ikaw pa ba? Sigurado po ako Sir, sasagutin kayo ni Cheska." Paninigurado nito.

Mayamaya pa ay nag-send sa akin ng picture si Sachi, napangiti naman ako nang makitang maayos na ang venue. Kasama niya doon ngayon sina Darwin, Owen at Lance to make sure na maganda ang kalalabasan doon. Napili kong sa seawall tanungin si Cheska kasi alam ko na isa ito sa mga lugar na nakakapag-pagaan ng loob niya. Ilang beses na rin kami nakapunta doon everytime we need to talk or we need some fresh air. Doon pa nga nangyari iyong first kiss namin e, hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

Binilhan ko rin ng summer dress si Cheska para magamit niya mamaya, bohemian theme ang ganap namin mamaya nito. I can't wait to see her. Si Sachi ang inutusan ko na ibigay iyon sa kan'ya mamaya at ako na ang bahalang magsundo sa kan'ya mamaya. Si Lance naman todo effort para raw makabawi. Napapansin ko na para itong kabute na bigla-bigla na lang sumusulpot, still I am thankful to him kasi niligtas niya si Cheska noon. Gusto ko sana ng mga bonggang pagkain para mamaya, kaya lang napag-alaman ko na napaka-simple lang ng mga paborito ni Cheska kaya mas pinili ko na lang na iyon ang magiging pagkain mamaya para mas ma-enjoy niya ito. Matapos kong gawin anh cake ay tinawagan ko naman iyong gagawa ng bouquet, handa na raw ang mga bulaklak at aayusin na nila ito mayamaya. I make sure na everything will be perfect tonight. Kinuha ko naman iyong lalagyan ng necklace na galing sa bulsa ko sabay binuksan ito, may pendant ito na alon kasi alam ko kung gaano ka gusto ni Cheska ang dagat. It was a silver necklace at nakakasigurado akong bagay na bagay ito sa kan'ya.

 It was a silver necklace at nakakasigurado akong bagay na bagay ito sa kan'ya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon