The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 7 | Reesha's Duty
Napakagat ako sa pangibaba kong labi nang marinig na sumigaw si Owen, galit na galit ito dahil sa binalita sa kan'ya ng secretary niya. Narinig ko namang sumara ang pinto kaya siguro wala ng tao, nahulog kasi iyong ballpen ko kaya dali-dali ko iyong pinulot. Dahan-dahan naman akong tumayo at namilog ang aking mata nang makita si Owen na nakakuyom ang kamao habang nakatiim bagang.
"Bakit nandito ka pa? Ikaw ba ha?" sigaw nito nang makitang nandoon pa ko.
Biglang nangilid ang luha ko, pinagbibintangan niya ba ako?
"Hindi, nahulog kasi itong ballpen ko kaya pinulot ko pa kaya hindi ako nakalabas agad." Sagot ko rito.
"Did you heard her?" diretsong tanong nito.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Don't mind it, I will find ways to find out kung sino na namang anay sa kompanyang 'to. You can leave now," malamig na saad nito.
"Sir hindi ko talaga sinasadya, hindi ko kasi alam na mag-uusap pala kayo ni Ms. Lirah. Sana mas binilisan ko iyong kilos ko para hindi iyon marinig." Paghingi ko ng tawad dito.
"Pasensya na kung nasigawan kita, it's fine. Nagulat lang din ako kasi may tao pa pala diyan. Baka kasi isipin mo naging pabaya ako kaya nasulot na naman ng kalaban ang investor ng kompanya sana." Sagot nito.
"Okay lang po, mauna na ako." Sagot ko naman sabay tumalikod.
"Teka," agad naman akong natigilan nang hawakan ni Owen ang braso ko. Nilingon ko ito, "I am really sorry." Muling saad nito.
Nginitian ko ito sabay tumango, "Sir okay lang po talaga." Paninigurado ko rito.Pagkatapos nang usapan naming iyon ay aalis na sana ako nang tawagin ako ni Ms. Lirah at binigay sa akin ang requirements. Wala rin naman akong gagawin kaya nakapagdesisyon na lang ako na ihanda iyong mga requirements ko para mapasa ko na lahat bukas.
Mayamaya pa ay biglang tumunog ang aking cellphone, rumehistro ang pangalan ni CJ — hinayaan ko lang iyon sabay binalik sa aking bulsa.
"Reesha,"
"Ahhh!" napasigaw ko sa gulat nang bigla itong lumitaw sa harapan ko, nakalagay ang cellphone nito sa tenga niya at dahan-dahang binababa nang mapansing hindi ko sinasagot ang tawag niya. "Papatayin mo ba ako sa gulat Ceej?" singhal ko rito habang hawak-hawak ang aking dibdib.
"Iniiwasan mo ba ako? You are not answering my calls, you are not even replying on my messages. What the hell is your problem?" sigaw nito sa akin.
Napalunok ako ng sarili kong laway nang makitang nanggagalaiti ito.
"W-Wala, ano busy lang kaya hindi ko napapansin. Naghahanap ako ng trabaho 'di ba? Pasensya na," sagot ko naman dito.
"You are lying, pinagloloko mo yata ako e. Reesha, humanda ka sa akin kapag nalaman kong may ginagawa kang kalokohan." Pagbabanta nito.
"As if I have a time na gumawa ng kalokohan right?" pambabara ko rito.
"Shut up! Lets go, let's have some tea." Aya nito sabay hila sa akin.
"Ceej naman, may lakad ako. Hindi kita masasamahan," tanggi ko sa alok nito sabay hila ng braso ko.
"Seriously Reesha, kailan mo pa ako natutuhang tanggihan?" seryosong saad nito.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ito sinagot.
"Ceej, I need this job. Ikaw may trabaho ka na, kailangan ko ng trabaho para mabuhay. Puwede ba? Stop your nonsense shit."
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...