Kabanata 27| Revealed

3K 92 4
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 27 | Revealed

Hindi ako nakatulog ng gabing 'yon, nauna akong nakauwi kay Reesha sa bahay. Gising pa si Grey nang makarating ako kaya nagtanong ito kung bakit hindi kami magkasama ni Reesha pero hindi ko iyon sinagot at dumiretso sa mini-bar namin doon sa bahay at nagbukas ng alak. Tinawagan ko na rin si Reesha na nauna na ako at ipapasundo ko na lang siya kay Manong. Nagtanong pa ito kung bakit ko raw siya iniwan e siya nga itong 'di ma-contact kanina. Nakakalahati na ako sa iniinom ko nang biglang may malakas na binagsak sa mesa ng mini-bar.

"Bakit mo ako iniwan doon? Jusko naman Owen, wala akong kakilala doon tapos iniwan mo lang ako ng ganoon!" bulyaw nito sa akin.

Tinignan ko ito ng mataman sabay napailing at mapang-asar na napangiti, "Wala nga ba?" tanong ko rito.

Napakunot naman ang noo nito na para bang may pinagtatakpan, "Wala! Nagulat na lang ako pagbalik ko wala ka na roon pati na rin sina Cheska." Sigaw nito.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo, tulog na iyong iba kaya huwag ka mambulabog." Saway ko sabay nilagok ang laman ng baso ko.

"Bakit ka umalis? Sumama ka na naman siguro kay Cheska," pandi-diin nito sa akin.

"Paano kung oo, may magagawa ka ba?" diretsong sagot ko.

Natigilan naman ito sabay nangilid ang luha habang kuyom ang kan'yang, "Wala akong kilala sa event na 'yon Owen tapos iniwan mo lang ako? Anong klaseng tao ka!"

"Shut the fuck up Reesha!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan na rin ito. "I was calling you earlier for many fucking times but your line is busy! Paalam mo kanina pupunta ka lang comfort room, pero bakit ang tagal mong bumalik?" Mariin na saad ko rito.

"I-I was lost, bigla kong nakalimutan ang daan pabalik sa event." Nauutal na sagot nito.

"Really?" hindi pa rin ako naniniwala sa paliwanag nito. "I am one call away Reesha pero bakit hindi man lang pumasok sa isip mo na tawagan ako?" tanong ko rito.

"Kasi— I don't know, nawala sa isip ko iyon kanina kasi kinakabahan na ako." Sagot naman nito.

"Whatever, magpalit ka na doon para makapagpahinga ka na." Saad ko at muling sinalinan ang baso ko ng alak.

"Are you mad?" mahinanon na nitong tanong.

"Yes," maikling sagot ko sabay muling nilagok ang laman ng baso ko.

Napapikit naman ako nang maramdamang niyakap ako ni Reesha mula sa likuran, pinatong nito ang mukha niya sa likuran ko. "I am really sorry kung ako ang rason na uminit ang ulo mo ngayon." Bulong nito sa akin. Tinanggal ko naman iyong kamay niyang nakapulupot sa akin sabay humarap sa kan'ya, umakma pa itong hahalikan ako pero agad akong nakaiwas.

"Bakit mo sinaktan si Cheska?" diretsong tanong ko rito.

Natawa naman ito sabay napa-atras ng bahagya, "Sinaktan? At talagang gumagawa ng kuwento ang babaeng 'yan," saad nito habang umiiling.

"Puwede ba Reesha? Pinatignan ko kay Hazel iyong cctv camera malapit sa comfort room ng babae, mapapansin doon na ikaw ang huling pumasok doon habang hindi pa nakakalabas si Cheska. I saw how you smile na para bang nakagawa ka ng masamang plano noong makalabas ka na. Why did you do that?" seryosong tanong ko rito.

"Hindi ko nga iyon ginawa!" mariin na sagot nito.

"Hindi? Reesha naman, sabihin mo lang sa akin iyon totoo iyon lang! Ang dami mo naman yatang tinatago, may hindi pa ba ako nalalaman na ginagawa mo behind my back?" tanong ko rito.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon