Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.)
Kabanata 26 | Saved
"Ihahatid na kita sa inyo," saad nito matapos namin mag-usap.
"Huwag na, tatawagan ko na lang si Murphy." Sagot ko rito.
"I insist, ako na maghahatid sa 'yo. I wanted to make sure na safe kang makauwi. Cheska, iyong tungkol sa sinabi mo kanina na aalis ka? Huwag na, I know you need work and money." Seryosong saad nito.
Nginitian ko lang ito at hinayaan na lang siyang ihatid ako. Hindi ko na lang sinagot iyong mga huli niyang sinabi. Habang nasa loob kami ng taxi walang imikan na nangyari, siguro napagod din ako kaka-iyak tapos wala lang pala. Noong makarating na kami, ako na sana magbabayad pero nauna mag-abot si Owen kaya tinago ko na lang iyong akin. Inalalayan niya akong makababa sa taxi at hinatid na sa gate namin.
"Paano ba 'yan, mauna na ako. Ingat ka lagi Cheska," paalam at bilin nito sa akin.
"Ikaw rin, ingat ka sa pag-uwi mo. Salamat nga pala sa paghatid sa akin, hanggang sa muli Owen. Maraming salamat," paalam ko rito sabay nginitian ito. Napansin kong napakunot ang noo nito kaya tumalikod na ako para pumasok. Hindi ko ito nilingon hanggang sa makarating ako sa pintuan, final na iyong desisyon ko- aalis na ako sa trabaho ko.
Tulog na sila Mama at Cholo kaya dumiretso na lang ako sa aking silid. Nagulat pa akong nang dumako ang aking paningin sa salamin at nakita ang coat ni Owen na nakapatong pa rin sa akin.
"Oo nga pala! Nakalimutan konh isauli kanina, lalabhan ko na lang 'to bago ibalik sa kan'ya." Saad ko at binura na ang aking make up at nagbihis na ng pantulog.
Mayamaya pa ay tumunog ang akimg cellphone, tumatawag si Murphy...
"Hello?" sagot ko sa tawag nito.
"Cheska," mahinang saad nito.
"I'm sorry, pasensya na talaga kung nawala ako sa paningin mo kanina." Saad ko sabay napakagat sa pangibaba kong labi.
"Saan ka ba kasi pumunta? Sobra akong nagalala, nakauwi ka na ba?" malungkot ang boses nito.
"Oo nakauwi na ako, hinatid ako ni Owen. Hayaan mo, ipapaliwanag ko sa 'yo lahat kapag nagkita na tayo." Sagot ko naman.
"Okay ka lang ba? Actually hahanapin pa sana talaga kita kanina kaya lang 'di ako makaalis sa event kasi event iyon ni uncle at sobrang kailanganan ang presence ko roon." Paliwanag nito.
Napangiti naman ako ng bahagya, "Okay lang! Ikaw talaga, alam kong pagod ka na. Magpahinga ka na ha? Matutulog na rin ako. Good night Murphy," saad ko rito.
"I'm on my way home pa, oo matutulog na rin ako pagka-uwi ko. Good night!" sagot nito at binaba na ang tawag.
Bago ako matulog ay nag-text muna ako sa mga katrabaho ko dati kung may alam silang hiring na puwede ko apply-an. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihan ko si Sachi pero baka magalala iyon lalo na si Darwin. Ayaw ko namang umalis siya doon dahil aalis din ako.
Hindi ko namalayan na sa kakaisip ko e nakatulog na pala ako, naalimpungatan na lang ako nang biglang pumasok sa isip ko lahat ng sinabi noong lalaki maliban na lang sa pangalan niya dahil nawalan na ako ng malay. Napabalikwas ako ng bangon sabay umupo.
"Ibig sabihin kaibigan siya nila Owen, posible kasi iyon ang sinabi niya." Saad ko sa aking sarili.
Pero napabuntong hininga na lang ako, para saan pa na sasabihin ko 'to sa kan'ya? Sigurado namang hindi iyon maniniwala.
Dahil nahirapan ako sa pagbalik sa pagtulog ay tinignan ko muli ang aking cellphone. Nagdiwang naman ang aking puso nang makita ang reply ni Cherry sa akin, bukas daw ay kailangan ng extra waitress ang kainan na pinagt-trabahuan niya at nasabi niya na sa amo niyang i-rerekomenda niya raw ako kaya kailangan ko pumasok bukas. Tumawag din pala ito pero 'di ko nasagot. Ti-next niya sa akin iyong mga information, urgent siguro talaga ito kasi sa text niya na pinaliwanag lahat. Mabuti na lang at walang uniform kaya 'di ako mahihirapan nito.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...