Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.)
Kabanata 28| Home
Naglibot-libot ako sa daan malapit sa bahay nila Cheska, I need to say sorry for not believing her. All this time siya pala nagsasabi ng totoo at hindi si Reesha, ngayon ko lang napagtanto lahat na kaya ako kumuha ng mga bagong trabahador para mawala na iyong traydor not knowing na may traydor pala akong na-hired.
"Ahhh!" sigaw ko habang pinaghahampas ang manibela ng aking sasakyan. Palpak talaga ako kahit saan ako ilagay, wala ng bago roon. Natigilan naman ako nang mahagip ng aking paningin si Cheska, nasa labas siya ng isang banana plantation. Sinubukan kong i-search kung kanino ang banana plantation na iyon at napag-alaman kong Vueno ang may-ari noon. Nagkakagulo sila doon sa labas biglang uminit ang ulo ko nang makitang tinulak noong guard si Cheska dahilan para bumagsak ito sa lupa. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kanila, sisipain niya pa sana si Cheska mabuti na lang at naging mabilis ako at agad na nabigwasan ang mukha nito.
Sinigurado kong malakas iyon para 'di agad ito makatayo, para naman itong nangatog nang makita ako sabay kumaripas ng takbo. Lumingon ako kay Cheska, yakap-yakap pa rin nito ang matandang babae na sa palagay ko ay Mama niya.
"Owen?" takang saad nito.
Nilapitan ko ito sabay inalalayan na makatayo iyong kasama niyang matanda, siya naman iyong sunod kong tinulungan.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sabay tinulungan itong pagpagan ang sarili niya.
"Oo,salamat!" sagot nito.
"We need to talk," seryosong saad ko rito.
"Ihahatid ko na muna si Mama at Cholo sa bahay," sagot nito sabay hinarap ang Mama niya at pinahiran ang luha nito at inayos ang buhok. "Huwag ka na malungkot ma ha? Dodoblehin ko pa ang trabaho ko para matulungan kayo, huwag ka na malungkot Ma."
Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan sila, dahil sa akin nadamay pa sa galit nina Reesha at Cloud iyong inosenteng ina ni Cheska.
"Huwag po kayo magalala Tita, tutulungan ko po si Cheska." Saad ko sa Mama nito.
Humarap nama sa akin si Cheska sabay kumunot ang noo, "Hindi." Saad nito.
"Ipapaliwanag ko sa 'yo lahat kapag nakapag-usap na tayo, ihahatid ko na kayo sa bahay niyo at hihintayin na rin kita para diretso na tayo." Ani ko.
Huminga na lang ito ng malalim at sumunod na sa akin papunta sa aking sasakyan, naging tahimik lang ang biyahe namin. Hindi ko mapigilang mapatingin sa salamin at nakikita doon na yakap-yakap ni Cheska at Cholo ang Mama nila.
"Teka! Hindi ito iyong daan papunta sa amin," saad ni Cheska nang mapansing nag-iba ako ng daan.
"Huwag ka magalala, daan lang muna tayo sa drive thru para hindi na kailangan magluto iyong mama mo at makapagpahinga na lang siya mamaya." Sagot ko rito.
"Ako na lang magluluto, kailangan na kasi namin magtipid simula ngayon." Tanggi nito.
"Wala naman akong sinabi na ikaw magbabayad e, hayaan mong ako na magbabayad para rin makabawi ako sa 'yo." Sagot ko naman dito.
"Napakabuti mo naman iho, kaibigan ka ba ng anak ko?" tanong ng Mama ni Cheska sa akin.
"Hindi Ma, boss ko siya sa pinagt-trabahuhan ko rati." Singit naman ni Cheska.
I knew it, galit 'to sa akin.
"Pero salamat iho ha? Baka kung 'di ka dumating kanina baka nasaktan ng tuluyan noong lalaki ang Cheska ko." Pagpapasalamat nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...