Kabanata 32 | Death

3K 85 4
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 32 | Death

Halos walang mapaglagyan ang aking kaba nang tumawag sa akin si Darwin kanina, nasa hospital daw sila nina Sachi kasama ang Mama ni Cheska at kapatid nito. Kritikal daw ang lagay ni Cheska at hanggang ngayon e wala pa ring malay, nasa operating room pa rin ito hanggang ngayon dahil tinatanggal pa ang mga bala sa ng baril sa katawan niya. Hindi ko lubos maisip kung paano umabot sa ganito, nakuwento na sa akin ni Cheska ang ginawa noong Reesha kay Owen. Ngayon e wala pa kaming ideya kung sino ang bumaril sa kan'ya dahil pareho raw silang natagpuan sa abandonadong building na walang malay at parehong may tama ng bala. Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan papuntang hospital, halos paliparin ko na 'to sa sobrang kaba. Madaling araw pa ngayon kaya wala masyadong sasakyan at wala pang traffic.

Nang makita ko na ang hospital na sinabi sa akin ni Darwin ay agad kong tinungo ang parking lot para doon i-park ang sasakyan ko. Hindi pamilyar sa akin ang hospital na 'to kaya pumunta na muna ako sa nurse station para magtanong kung asan banda ang operating room. Nasa second floor daw iyon kaya sumakay na agad ako ng elevator. Mabibigat na hininga ang aking pinapakawalan, sana maging okay si Cheska. Sana walang mangyaring masama sa kan'ya. Bigla tuloy akong kinabahan noong makita silang lahat sa labas ng operating room, umiiyak si Sachi pati na rin iyong mama at kapatid ni Cheska.

"Murphy!" mahinang tawag sa akin ni Darwin.

Agad ko naman itong nilapitan, "Kamusta si Cheska?" tanong ko rito.

"Saktong-sakto lang iyong dating mo, kakalabas lang kanina noong doctor na nag-opera sa kan'ya, tapos na raw ang operasyon at mayamaya pa ililipat na siya sa ICU." Paliwanag nito sa akin. Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito.

"ICU?" tanong ko rito.

"Nasa panganib pa rin daw kasi si Cheska, halos maubusan na siya ng dugo noong madala siya rito sa hospital at halos wala ng hininga. Kailangan niya masalinan pa ng dugo, at kailangan siya kabitan ng oxygen." Dagdag naman nito.

Napailing na lang ako sabay nasapo ang aking noo.

"Iyong Reesha, asan siya at kamusta siya?" tanong ko kay Darwin.

"Kung nasa kritikal si Cheska, mas malala si Reesha. Nasa operating room pa rin siya at kasalukuyang sinasalba. Mas marami raw kasi itong tama kesa kay Cheska." Sagot nito.

Umupo na lang muna ako sa tabi ni Cholo, nakasandal ito sa Mama niya habang pinapakalma ito.

"Tita, gagaling po si Cheska. Huwag po kayo magalala, matapang iyon e." Pagpapalakas ko rin sa loob nito.

"Ang bigat-bigat kasi sa loob ko iho, wala naman akong maisip na may kaaway si Cheska at nagawa ito sa kan'ya. Mabuting tao ang anak ko," umiiyak pa rin na saad nito.

"Kuya Murphy, gigising naman si ate 'di ba?" tanong sa akin ni Cholo.

"Oo naman, hindi iyon papayag na hindi niya kayo makita." Nakangiti ko namang sagot dito.

"Cholo, Auntie huwag na po kayo magalala sa babayarin sa hospital. Sabi ni Grey po na siya na bahalang magbayad sa hospital bill." Saad ni Sachi sa Mama ni Cheska.

"Bakit naman Che? Nakakahiya, hahanap na lang kami ni Cholo ng paraan para maabayaran ang araw-araw na pananatili ni Cheska rito." Tanggi nito.

"Hayaan mo ng sila Grey magbayad Auntie, gusto nila makatulong kay Cheska. Ayaw pa naman ni Cheska na mapagod ka at magalala kaya tutulong po kami," pagpapa-intindi ni Sachi rito.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon