Kabanata 12| Guilt

3K 66 2
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 12|Guilt

Tumayo ako sabay tumingin kay Owen, tumikhim muna ako bago sumagot.

"N-Nangangamoy ba? B-Baka sa air freshener lang na ginamit ko, nangangamoy kasi ng manok kaya nag-spray ako." Pagrarason ko rito.

"Baka nga, heto lalagay ko muna sa ref." Saad nito sabay tinaas ang dala nitong alak.

"Sure," sagot ko naman at kumuha ng ibang sandok.

"Halika Owen, tikman mo 'tong niluto ko." Saad ko rito sabay ginamit iyong kutsara para ipatikim sa kan'ya ang mga niluto ko.

"Ang bango naman!" masayang saad nito habang isa-isang ina-amoy ang mga luto ko. Nauna na kami sa adobong manok, kumuha ako ng maliit na sabaw noon sabay nilapit ang kutsara sa bibig ni Owen. Ayaw pa sana niyang buksan ang bibig niya dahil nahihiya ito pero nginitian ko lang.

"Ang sarap naman, ang galing-galing!" tuwang-tuwa nitong saad habang pumapalakpak. Napailing na lang ako at natawa na rin, para kasi itong bata.

"Heto, sigurado ako na mas masarap 'to!" saad ko at kumuha naman sa caldereta. Hinipan ko muna iyon sabay sinubo muli kay Owen.

"Grabe, mapaparami talaga iyong kain ko ngayon. Bakit ang galing mo magluto?" saad nito.

"Wala, nood-nood lang ng video tungkol sa cooking lesson at sinusubukan ko." Sagot ko naman dito, where in fact — pumasok talaga ako sa cooking school para lang matuto magluto. Si Cj ang gumastos noon lahat, he wanted me to cook his food always. "Last, ang tinola!" saad ko at muling kumuha ng maliit na sabaw at sinubo ulit kay Owen.

"I can't stop my self, gusto ko na kumain." Natatawa nitong saad matapos matikman lahat ng niluto ko.

"Umupo ka na, ilalabas ko lang iyong lasagna." Saad ko rito at nilabas na ang lasagna mula sa oven.

"Gusto mo ba tikman?" tanong nito na nasa likuran ko na pala.

"Oo pero mamaya na lang siguro," sagot ko naman.

"Asus kahit ngayon na," sagot nito at kumuha ng tinidor. Kumuha siya ng maliit na parte sabay hinipan iyon, dahan-dahan niya iyong nilalapit sa bibig ko.

I have no choice, I opened my mouth at nilasap ang ginawa nito.

"Ang sarap, walang halong echos masarap." Tumatangong saad ko. Nagulat naman ako nang bigla niyang sinubo ang ginamit niyang tinidor sa akin.

Ngumisi ito, "Ang sarap nga."

"Hala! Bakit mo ginawa iyon?" nahihiyang saad ko, ramdam ko ang biglang pamumula ng pisngi ko.

"Sayang e, may natira pa." Nakangiti nitong saad at siya na ang nagdala sa lasagna doon sa mesa.

Napahilamos na lang ako sa sarili kong kamay at sumunod na rito.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang kumakain kami, nagiging magaan na kasi ang pakiramdam nito kapag kasama ako. Akala ko mahihirapan akong pakisamahan ito pero hindi pala, he is a soft hearted man. Baka kung hindi pa ako muntik ma-nakawan e baka hindi pa talaga ganito ang closeness namin.

"Nginingiti-ngiti mo?" takang tanong nito nang mapansing nakangiti ako.

Umiling lang ako sabay mas lumapad ang aking ngiti, "Masaya lang talaga ako na naging kaibigan kita." Sagot ko rito.

"Mas sasaya ka pa kapag naging akin ka na ," biro nito sabay tawa.

Bigla naman akong natahimik sabay natawa na rin, hindi ko rin in-expect na magj-joke siya ng ganoon.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon