Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 19 | Banta
I'm stuck between excited and worried, excited na aalis kami ni Owen papuntang Pilipinas and worried kasi alam kong hindi papayag si CJ. Hindi pa kami ganoon ka okay dahil sa nangyari last time pero kailangan ko muna ibaba iyong pride ko sa ngayon kasi magpapaalam ako sa kan'ya. Dumaan ako sa supermarket para mamili ng mga kakailanganin ko, magluluto ako ng dinner for him. Beef broccoli is one his favorite kaya iyon ang lulutuin ko, pati na rin beef steak.
Matapos kong mamili ay dumiretso na ako sa bahay niya, kilala na ako ng mga katulong niya kaya welcome na ako doon at nagagawa ko lahat ng gusto ko gawin lalo na sa pagluluto. Mamaya pa iyon uuwi kaya agad na akong nagluto para wala ng oras na masayang. Hababg abala ako sa pagluluto ay hindi ko namalayang nakauwi na pala siya. Dumiretso ito sa kusina sabay pinulupot ang dalawa niyang braso sa aking bewang, pinatong nito ang kan'yang noo sa aking balikat sabay hinalikan ang aking leeg.
"Sobrang saya ko, akala ko kung sinong nagluluto dito ikaw pala. My heart is so happy, seeing you visiting and cooking for me again." Bulong nito sa akin.
Humarap ako sa kan'ya sabay hinaplos ang pisngi nito at dinampian ng halik ang kan'yang labi. Dampi lang sana iyon pero hinila nito ang aking bewang para mas palalimin ang aming halikan.
"Hey, baka masunog iyong niluluto ko." Saway ko rito nang mapansing halos ayaw niya na akong tigilan.
"I just missed you so much, I want you now." Saad nito habang pinapaliguan ako ng halik.
"Cloud please, alam kong gutom ka kaya tatapusin ko na lang muna 'to. We can do it naman later, okay?" saad ko rito.
Naramdaman ko namang tumigil ito sabay humarap sa akin, hinaplos nito ang aking pisngi sabay hinalikan ang aking noo.
"I can wait, akyat lang muna ako sa kuwarto ko para makapagbihis ha? Dito ka na lang matulog mamaya." Saad nito.
"Yeah, dito ako matutulog. Pahinga ka na muna, ako na mismo tatawag sa 'yo mamaya kapag handa na lahat." Ani ko rito.
"Okay darling, cook well and take care." Saad nito at tuluyan ng lumabas ng kitchen.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang umalis na ito, mabuti na lang at napigilan niya pa ang damdamin niya. Kailangan ko pa siya makausap tungkol sa pag-alis ko kaya mahirap kung ako makakasira ng mood niya.
After preparing everything pumunta na ako sa kuwarto niya para tawagin siya.
"Cloud, table is ready. Halika na," saad ko habang kumakatok.
"Wait for a while honey," sagot naman nito.
Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto sabay lumabas na rin si Cloud.
"Bakit parang ang saya-saya mo yata?" takang tanong ko rito, kanina pa kasi itong ngiti nang ngiti.
"Masaya ako kasi nandito ka, sobra kaya kitang na-miss. Akala ko hindi mo pa ako mapapatawad e," saad nito sabay napawi ang ngiti.
"Ikaw pa? Alam mo namang hindi kita matitiis, kaya heto ako ngayon." Sagot ko naman dito.
"Thank you! Tara na sa baba, excited na akong kumain kasi luto mo." Ani nito sabay hawak sa aking kamay at inalalayan na akong makababa. "May binili akong wine, inumin natin iyon ngayon." Saad nito habang naglalakad kami.
"Sure," sagot ko naman dito.
Bigla akong nanibago kay Cloud, kapag kasi nagkikita kami e lagi tinatanong niya sa akin e kamusta pinapagawa niya o kaya nagawa ko na ba 'to, nagawa ko na ba 'yon. Ngayon ibang-iba, nagkukuwentuhan lang kami at kinakamusta niya ako. Iyong mga bilin niya raw e huwag ko kalimutan at mag-iingat daw ako lagi. Matapos naming kumain e magliligpit na sana ako pero tinawag niya iyong katulong niya para siya na raw gumawa noon. Dinala nito sa taas ang wine na sinasabi niya at dala ko naman ang wine glass.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
AléatoireOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...