The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 9|Email
"I made it," nakangisi kong saad kay Lirah.
Hindi na tumuloy si Mr. Zxu sa pag-invest sa kabilang kompanya, na-guilty siguro dahil sa mga sinabi ko. Pagkatapos ng usapan naminn na iyon, tumawag pa siya sa akin kinagabihan na nakausap na raw niya ang Vueno Company at nasabing hindi na siya tutuloy sa pag-invest sa kanila.Tama nga ako, nilason nila ang utak ni Mr. Zxu at kung ano-ano ang pingasasabi tungkol sa amin na hindi naman totoo. Sinumbong niya sa akin lahat ng sinabi ni Mr. Vueno, sa ngayon papalampasin ko 'to dahil unang beses nila akong binangga. Kapag nalaman kung inulit nila 'to makikita na talaga nila kung paano ako magalit.
"Congratulations Sir! Manang-mana ka po talaga sa Daddy mo, napaka-business minded na tao at sobrang pinapahalagahan ang mga bagay-bagay." Nakangiting saad sa akin ni Lirah.
Isang linggo na ang nakakalipas simula noong matapos ang deal ko with Mr. Zxu, kinabukasan din noon ay binigay niya na sa akin ang investment at isa siya sa mga majority shareholder ng Monden Banana Distributor.
Naalala ko tuloy iyong usapan namin ni Reesha pagkatapos namin mag-usap ni Mr. Zxu.
"Nakuha mo na si Mr. Zxu?" tanong nito sa akin.
"Oo ako pa? Walang makakahindi sa akin Reesha, kapag gusto ko e ginagawan ko talaga ng paraan lalo na kung masyado itong importante." Sagot ko naman dito.
"Excited na po akong makatrabaho ka Sir," tuwang-tuwa nitong saad.
"Sir na naman, nasa labas na tayo ng trabaho kaya puwede mo na akong tawaging Owen." Pagpapaalala ko sa kan'ya.
"Pasensya na, sa nakita ko kasi kanina nadala ako at akala ko nasa trabaho pa tayo." Saad nito.
"Sir?"
Bumalik na ako sa aking sarili nang bigla akong tawagin ni Lirah.
"Ano iyon?" tanong ko rito.
"May mga papipirmahan po sana ako, galing po 'to sa iba't ibang department. Double check niyo na lang po," saad nito sabay abot sa akin ng mga papeles.
Una kong nakita ang sa budget and finance department, "Oo nga pala! Muntik ko pang makalimutan na may shipment na mang-gagaling sa Pinas papunta rito, mabuti na lang napasa na nila 'to." Saad ko habang binabasa ang papeles na galing sa BAF.
"Iyong sa marketing po Sir may order din po from Australia, one hundred box of banana na ipapa-ship by monday." Saad ni Lirah.
"Okay copy, kailangan ko talaga 'to ma-check para may approval na galing sa akin at ma-inform ko na si Grey at mahanda ang mga reservation." Sagot ko rito.
Nagpaalam na muna si Lirah na lalabas at tawagin ko na lang siya kung may kailangan ako, nagsimula na ako basahin isa-isa ang mga papers na dala ni Lirah kanina.
"So may anim na shipments for next week? Isa na doon ang Australia at ang limang bansa ay ang Japan, Korea, Toronto, Ontario, Chicago. As soon as possible kailangan ko na ma-inform si Grey about this." Bigla naman akong natigilan nang makita ang financial statement na galing sa BAF.
"$100,000 expenses?" takang saad ko. "Ang laki naman yata nito? Tsaka bagong financial statement 'to e." Saad ko at muling sinuri ang expenses. Agad ko namang pinindot ang red button para malaman ni Lirah na kailangan ko siya sa loob. Mayamaya pa ay pumasok din ito agad.
"Sir bakit po?" tanong nito.
"Please call the budget and finance department now, kailangan ko makausap ang head nila." Seryosong saad ko rito.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
AléatoireOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...