Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.)
Kabanata 41 | Wakas
Ang sarap sa pakiramdam na araw-araw inspired ka ng bumangon, magtrabaho at makita si Cheska. Ngayon masasabi ko talaga na okay na lahat, ilang buwan na rin ang nakakalipas simula noong naging kami ni Cheska. Nakaka-relate na ako sa usapan nila Sachi at Grey, pero hindi pa sa lahat at makakahintay naman ako dahil dadating din ako doon. Si Lance bigla na namang nawala, papasalamatan ko pa sana siya sa tulong na nagawa niya pero hindi ko na naman ma-contact. Sabi naman ni Grey hayaan ko na lang daw dahil susulpot naman daw iyon kung kailan niya gusto.
Christmas came, napagdesisyunan namin na sa resort namin mag-celebrate ng christmas at new year. Kasama ko ngayon ang buong pamilya ko, si Cheska naman kasama iyong Mama at Kapatid niya. Kahapon nandito rin ang buong staff ng coffe shop kasi dito kami nag-celebrate ng christmas party namin. Ngayon naman ay pamilya ko, pamilya ni Cheska at pamilya ni Sachi na lang ang naiwan. Kaming lahat ay nag-leave na muna sa trabaho para makapag-enjoy sa bakasyon namin dito. Sasalubungin namin ang pasko mamaya, halos abala na ang lahat sa paghahanda at sina Grey naman ay nag-iihaw sa tabi ng dagat.
Habang naglalakad ako papunta sa cottage na gagawin naming tambayan ay palinga-linga ako dahil 'di ko makita si Cheska. Nandoon naman na ang lahat maliban na lang sa kan'ya.
"Tita si Cheska po?" tanong ko sa Mama nito nang malapitan ko ito.
"Nandoon pa sa silid Owen, aba'y nahihiya lumabas dahil 'di daw siya sanay mag-two piece." Natatawa nitong sagot.
"Sunduin mo na lang Kuya, wala yata talaga iyong balak na lumabas e." Nakangisi namang saad ni Cholo.
"Cheska talaga," nakangiti ko na lang saad at nagpaalam sa kanila na pupuntahan ko na muna si Cheska.
Habang naglalakad ay napapatingin ako sa mga salamin na nadadaanan ko, sinisigurado ko lang na guwapo ako kapag humarap ako kay Cheska. Natawa na lang ako dahil sa kaka-isip ko kay Cheska ay nalagpasan ko na pala ang silid nito kaya bumalik ulit ako. Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago tuluyang kumatok.
"Sino iyan? Sandali lang," saad nito
Mayamaya pa ay bumukas na ito at niluwa nito si Cheska, napa-awang ang aking bibig nang makita ito.
(Source: Google | ctto of this photo. For illustration purpose only.)
"Girlfriend ko na ba talaga 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Owen! Pangit ba?" nahihiya nitong tanong. "Si Sachi at Darwin lang naman nagpumilit sa akin na suotin 'to e. Kung ayaw mo magpapalit na lang ako." Saad nito sabay talikod, mabuti na lang at nahawakan ko ang kamay nito at napigilan.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...