Kabanata 30| Gone wrong

2.8K 73 5
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 30 | Gone wrong

"Bumagsak ang sales nila Owen sa saging, nagsara ang resort nila pati na rin ang banana plantation. Ubos ang funds ng kompanya nila sa Canada at iyong iba nilang investors ay nagb-back out na. See Reesha? Nagiging successful na iyong mga plano, wala kang kailangan ipagalala dahil kukuha tayo ng magaling na lawyer para sa atin." Saad ni Cloud matapos sumimsim ng kape. Laman din sila ng balita dahil sa sunod-sunod na nangyari sa mga negosyo nila.

Napahilot na lang ako sa sentido ko habang naaalala ang paulit-ulit na pagtataboy sa akin ni Owen. Para tuloy akong nakonsensya sa nagawa namin, nakita ko kasi kung gaano kabuti ang pamilya ni Owen. Nagawa pa nga ako ipagtanggol ni Sachi noong galit na galit si Owen sa akin, hindi ako pinalayas ng mga magulang ni Owen pero kahit na makapal ang mukha ko e may hiya pa rin ako kaya ako na ang nagkusang umalis sa bahay nila. Ayaw ko rin na makulong kaya naisip ko na mas madali akong mahuli kung nasa puder pa rin nila ako.

Nakita ko kung gaano ka galit si Owen nang muntik na masagasaan si Cheska, simula pa lang e alam ko na. Simula noong araw na nabanggit niya ang pangalan na Cheska alam kong parang may kakaiba na sa mga ngiti niya.

"Gusto kong mawala sa landas natin si Cheska," biglang saad ko sa kawalan.

"You want me to kill her?" takang tanong ni Cloud.

"That's the only thing na mas masasaktan natin si Owen, hinding-hindi niya tayo makakalimutan kapag nangyari iyon." Sagot ko rito.

"They are noy even in a relationship, so I think that girl is just nothing to him." Cloud insisted.

Umiling ako sabay humarap dito, "Importante si Cheska kay Owen, Cloud nagawa ko naman iyong mga pinagawa mo sa akin e. Sana this time pagbigyan mo naman ako, ito lang iyong bagay na gusto kong gawin mo for me." Saad ko rito.

Nagpakawala ito ng malalim na hininga sabay hinawakan ang kamay ko, "Fine. I'll hire a gunman, I will make sure na mawawala sa landas mo ang Cheska na iyon." Sagot nito sabay hinalikan ang aking labi.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi nito, one of this days... Mawawala na ang Cheska na iyon.

Julie ann and Joan already leave Owen's Company, matapos namin makuha ang mga fund nila ay umalis na sila at nagpakalayo-layo. Tatapusin pa sana namin iyong Lirah e, kaya lang nakatunog siguro kaya um-eskapo na ng tuluyan kaya 'di na rin namin hinanap.

Nakapag-book na ng flight si Cloud papuntang Europe, doon na kami mamamalagi dahil kailangan na namin makaalis agad sa Pilipinas. Mamayang gabi ko gagawin ang plano kay Cheska, kung 'di man iyon magawa agad ni Cloud e ako mismo ang gagawa noon. Naligo na muna ako para mahimasmasan at nagbihis na pagkatapos, umalis si Cloud saglit dahil bibili raw ng pagkain sa labas. Mayamaya pa ay nagulat na lang ako nang kumalabog bigla ang pintuan at bumungad sa akin ang galit na galit na si Cloud. Binagsak nito sa sahig ang dala niya sabay lumapit sa akin at hinawakan ng mariin ang magkabila kong balikat.

"Cj, ano bang problema mo?" takang tanong ko rito sabay napa-aray dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa akin.

"Walang hiya ka Reesha! Matagal mo na pala akong ginagago, kailan mo plano sabihin sa akin na nahuhulog ka na pala sa Owen na iyon?" Nanggigigil na tanong nito sa akin.

"Cloud please, nasasaktan ako." Naiiyak ng saad ko rito. "Ahhh!" sigaw ko nang sinampal niya ako ng napakalakas. Mag-asawang sampal ang natanggap ko, malakas iyon kaya nalasahan ko ang dugo sa aking labi.

"Kaya pala gustong-gusto mo ipapatay sa akin si Cheska kasi nagseselos ka sa kanila? Reesha! Ako iyong laging nandito simula pa lang, kahit noong walang-wala ka pa nandito na ako para sa 'yo. Ang kapal ng mukha mo para mahulog sa Owen na iyon!" bulyaw nito sa akin.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon