The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaperKabanata 5 | New work
"Cheska totoo ba talaga 'to? Hindi pa rin ako makapaniwala!"
Naniningkit na lang ang mata ko sa pinagsasabi ni Darwin, ilang beses niya na kasi itong inuulit dahil hindi raw siya makapaniwala na hindi na kami sa bar ni Mother mag-t-trabaho.
"Kagabi ka pa Darwin! Kung nandito lang si Sachi, baka kanina ka pa noon nabatukan." Saway ko rito habang tinatali ang aking buhok.
"Biruin mo iyon? Pa-serve-serve lang tayo ng mga alak dati sa bar, tapos naglilinis pa tapos ngayon sa isang sikat na coffee shop na tayo mag-t-trabaho." Tuwang-tuwa nitong saad.
"Nahihiya nga ako e, baka inalok lang tayo ng trabaho ni Grey kasi asawa niya iyong kaibigan natin." Seryosong saad ko.
"Alam mo Cheska, ang nega mo! If I know, baka nakiusap rin si Sachi na kunin tayo para magtrabaho sa kanila. Alam ni Sachi kung gaano ka delikado ang magtrabaho sa bar kaya siguro gusto niya panatag siya na lagi tayong safe sa working place natin." Paliwanag nito.
"May point ka nga naman, alam natin lahat kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Sachi noong sa bar siya nag-t-trabaho." Sang-ayon ko rito.
"Oh siya, bilisan mo na riyan at baka mahuli pa tayo! First day of duty natin kaya dapat maaga tayo." Excited na naman nitong saad.
"Maiba nga pala tayo, hindi ba si Owen ang may-ari noong coffee shop? Ano, baka hindi niya alam na kinuha tayo ni Grey para magtrabaho doon." Saad ko at sinukbit na ang bag ko.
"Kailangan mo pa ba problemahin iyon? Cheska naman, ang isipin mo na lang e kailangan natin ng trabaho. Si Auntie, kailangan niya ng tulong mo para sa mga gamot niya at si Cholo para sa pag-aaral niya. Sila ang isipin mo Cheska," seryoso ng saad ni Darwin.
"Oo na! Naisip ko lang kasi si Owen," sagot ko naman dito.
"Asus, kung makapagsalita akala mo'y close e. Close kayo? Close?" pang-aasar sa akin ni Darwin.
"Hindi, pero nakilala ko na siya." Sagot ko naman.
"Nakilala lang, kung ako sa 'yo Cheska e huwag mo na iyon asahan. Nasa ibang bansa iyon 'di ba? Maraming magagandang babae doon na pasok na pasok sa standard niya."
Hindi na ako nakapagpigil at pinaghahampas ko na si Darwin, kung magsalita kasi ito e parang ang liit-liit talaga ng tingin sa akin. Sobrang advance mag-isip e wala pa naman akong sinasabi.
"Aray naman Cheska! Aray!" reklamo nito.
"Ikaw kasi e, grabe ka sa akin!" singhal ko rito.
"Ayaw ko lang na umasa ka girl," diretsong sagot nito.
"Nakakatawa ka! Ano bang asa-asa pinagsasabi mo? Tara na nga lang!" saad ko at ni-lock na ang bahay.
Sumakay na kami ng jeep ni Darwin papunta sa coffee shop, minsan pinapapunta kami ni Sachi sa bahay nila pero kami na Darwin iyong nahihiya dahil ang laki at para lang kaming mga alikabok doon. Pareho kaming masaya para kay Sachi, matapos lahat ng pinagdaaanan niya — she deserved this happy life. Despite of everything, Sachi remain very down to earth. Hindi niya kami nakakalimutan ni Darwin.
"Sana nandoon si Sachi 'no?" saad ni Darwin na abala sa pagsasalamin.
"Busy iyon, tsaka baka mamayang hapon pa iyon pupunta." Sagot ko naman.
"Kuya para!" sigaw ni Darwin, muntik pa kaming lumampas kaka-daldal namin.
"Paabot naman po," saad ko sabay inabot ang bayad namin ni Darwin. "Thank you!"
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
AcakOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...