Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.)
Kabanata 38 | Healing
After eight months...
Ang dami nangyari, ginugol ko ang aking panahon sa pagpapagaling. Naghilom na iyong mga tama ko at unti-unti na ring nawawala ang poison sa katawan ko sa tulong na rin ng therapy. Hindi ako iniwanan nila Sachi at Owen, halos sila rin ang nagbabayad ng mga session ko. Ayaw nilang magtrabaho ako habang hindi pa ako tuluyang gumagaling baka kasi raw may mangyaring masama sa akin. Si Mama naman ay binigyan ng trabaho ni Grey, doon na siya nagt-trabaho sa planta nila ng saging. Si Owen kasama ang pamilya niya, inayos nila ang mga problema nila sa kanilang negosyo ay bumalik na ang lahat sa dati. Maging noong sumabog ang hospital ay nag-volunteer silang tumulong, sa mga na-apektuhan at lalo na ang pagpapa-ayos muli ng hospital.
Napadala na rin ang abo ni Reesha sa Canada, nabanggit din ni Owen na si Lirah ay nakabalik na sa trabaho. Nahuli lahat ang mga kasabwat ni Cloud. Nagiging normal na ulit iyong buhay namin, maliban na lang sa akin na wala pa ring trabaho. Minsan kasi umaatake iyong epekto noong poison, nahihirapan akong huminga o kaya hindi normal ang Si Murphy? Hindi na ulit siya nagpakita sa akin, wala na akong balita tungkol sa kan'ya. Hindi ko rin mapigilang malungkot kasi naging ganito ang pinatunguhan ng friendship namin. Kahit nakagawa ng masama sa akin si Murphy, hindi ko naman maaalis sa sarili ko na minsan din siyang naging mabuting tao sa akin.
"Cheska," tawag sa akin ni Sachi nang makapasok na sa loob ng coffee shop.
"Sachi," nakangiti ko namang salubong dito.
"Kamusta?" tanong nito sabay umupo na sa harapan ko.
"Heto okay lang," sagot ko naman sabay palinga-linga. Napangiti naman ako nang makita si Darwin na wala pang ginagawa kaya kinawayan ko ito at sinenyasang lumapit sa amin. Tumango naman ito at naglakad na patungo sa inuupuan namin.
"Sobrang busy na nila Grey 'no? Pagkatapos kasi ng nangyari e mas marami ang pumanig at nagbigay ng simpatya sa kanila." Saad sa akin ni Sachi.
"Oo nga e, pero tumawag sa akin kanina si Owen kaya nandito ako. Pinapunta niya ako kasi may pupuntahan daw kami mamaya." Sagot ko naman.
"Hello mga beshy!" bati ni Darwin sa amin sabay umupo sa tabi ko. "Hindi ko na talaga kayo abot dalawa, iyong isa Mrs. Samson na tapos iyong isa naman e soon to be Mrs. Caiden." Biro pa ni Darwin nang makaupo na ito.
"Ikaw talaga! Advance masyado mag-isip, tsaka Mrs. agad? Nanliligaw pa nga lang iyong tao e." Pambabara ko rito.
"Kahit na, nakikita ko naman na rin e na sa simbahan din ang patutunguhan niyo." Sagot nito sabay hinawakan kaming ang kamay namin ni Sachi. "Alam niyo ba? Masaya ako para sa inyo, nahanap niyo na rin iyong lalaking magmamahal sa inyo ng totoo." Seryosong saad nito sabay ngumiti ng bahagya.
"Bakla naman e, huwag ka nga mag-drama diyan! Tsaka kahit magkaroon na kami ng mga prince namin, walang magbabago kasi ikaw ang unang prince namin ni Cheska e." Natatawa namang saad ni Sachi dito.
"Hindi ko pa naman sinasagot si Owen e, baka kasi isang araw ma-realize niyang himdi pala ako iyong para sa kan'ya na mas may deserving pala kesa sa akin." Sagot ko naman sa kanila sabay napayuko.
"Cheska, nagiging nega ka na naman. Nakikita ko at nararamdaman ko na mahal ka ni Owen at seryoso siya sa 'yo. Siya nga halos nag-alaga sa 'yo 'di ba?" pagpapagaan ni Cheska sa loob ko.
"What if... What if ginagawa niya lang iyon kasi nakokonsensya siya? Kasi ramdam ko e, na lagi niya pa rin sinisisi ang sarili niya dahil sa mga nangyari. Oo nagiging maayos na ulit lahat pero napapansin ko pa rin na minsan nagiging balisa ito sobrang lalim ng iniisip." Sagot ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...