Kabanata 25| The truth

3.2K 77 4
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 25 | The truth

Habang binabagtas ang hallway ng malaking hotel na 'to, preskong-presko pa sa isipan ko ang araw na in-aya ako ni Murphy. Wala naman talaga sana ako balak sumama e, naawala lang ako sa kan'ya lalo na noong makita ko iyong reaksyon niya pagkasabi kong hindi ako makakasama. Naging mabuti naman sa akin si Murphy simula pa lang kaya siguro ito na rin iyong binigay sa akin ng pagkakataong makabawi sa kan'ya sa lahat ng nagawa niyang mabuti sa akin.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na big time pala kayo Murphy, nakakahiya. Nahiya tuloy ako kung paano kita itrato. Minsan pa naman inaasar kita," nahihiyang saad ko habang nililibot ang aking tingin sa paligid.

"Baliw! Ayaw ko lang kasi na manliit ka, I know you. Kapag nalaman mong may kaya ako, tiyak lalayuan mo ako. Mabuti na iyong engineer lang ang alam mo sa akin, pero sana kahit matapos ang gabing 'to e huwag mo sana ako layuan." Mahinang saad nito.

"Gustuhin ko man napapit ka na sa akin e, naging mabuti kang kaibigan kaya hindi ko iyon gagawin." Paninigurado ko rito.

"Paano kung nakita mo si Owen sa loob?" biglang tanong nito.

Napangiti ako ng bahagya, okay naman na kami ni Owen e. Nakapag-usap na kami noong pumunta kami sa sea wall, malinaw na sa amin lahat pero hindi ko sinabi sa kan'ya iyong nangyari sa amin ni Reesha. Usap lang iyong ginawa namin, alam ko kasi noon na minsan na rin siyang nahulog kay Sachi. Ewan ko na lang talaga kung ba't sumagi sa isip ko iyong tinanong ko sa kan'ya noong gabing iyon; kung nakapag-move on na ba siya.

"Hoy," tawag ni Murphy sa akin habang kinukumpas ang kamay niya sa harap ko.

"Sorry! Sorry," nahihiyang saad ko sabay iling.

"Bigla kang natulala, may problema ba?" tanong nito.

"Wala, tara na!" saad ko at naglakad na muli.

Nagulat ako noong salubungin kami ng isang may edad ng lalaki, kahit ganoon e makikita at mapapansin talaga sa kan'ya na mayaman ito. Mas kinagulat ko nang tawagin ito ni Murphy ng uncle, siya pala ang nagpa-event nito. As expected, nandoon nga si Owen at kasama si Reesha. Napabuntong hininga na lang ako nang magkasagutan si Owen at Murphy lalo na noong um-eksena si Reesha. Mabuti na lang at hindi na lumaki.

Napalingon ako kay Reesha nang mapansing parang may sinesenyasan ito, hindi naman ako nagpahalatang nakita ko iyon at dahan-dahang nilingon ang tinitignan nito. Lalaki? Ah baka kaibigan lang, pero kung kaibigan bakit hindi niya puntahan? Napansin ko ring bumuwelo ito at nagpaalam na pupunta sa comfort room.

Hindi ko naman sana siya susundan e, pero biglang sumakit puson ko kaya wala akong choice at pumunta na rin sa comfort room. Hindi ko na siya naabutan sa daan kaya dumiretso na lang ako sa comfort room at pumasok sa walang laman na cubicle, habang umiihi bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Reesha. May kausap ito sa cellphone at halatang galit ito.

"Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Alam mo bang nabigla ako kanina? Cloud naman, sana man lang nagpasabi ka! Mabuti na lang at hindi tayo nahalata ni Owen, kasi kung nagkataon? Palpak iyong plano natin!"

Bigla akong napaisip, ngayon ko lang narinig ang pangalang Cloud. Kaibigan rin ba iyon ni Owen? Baka may surpresa sila, pero bakit galit na galit si Reesha?

"Where are you? Lumabas ako, magkita tayo." Saad ni Reesha at narinig ko na lang na bumukas na ang kabilang cubicle.

Naghintay muna ako saglit bago lumabas, nang masigurado kong nakalabas na si Reesha ay lumabas na rin ako. Nasapo ko na lang ang aking noo, nakalimutan ko kung saan ako dumaan.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon