Kabanata 8| Basura

4.3K 102 0
                                    

The hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 8| Basura

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang magsimula kaming magtrabaho sa shop ni Owen, hindi ito naging madali — iba't ibang uri ng customer ang makakasalamuha mo araw-araw at iyong iba ikaw pa pagbubuntunan ng galit nila.

"Cheska wala pang kumukuha ng order doon sa table 6, puntahan mo muna." Utos sa akin ni Ms. Hazel.

"Sige po," sagot ko naman at hinanda na ang aking order slip at dumiretso na sa table six. Habang papalapit e napapakunot ang aking noo, nakatitig sa akin ang lalaki at parang pamilyar sa akin ang mukha niya. Hindi ako kumportable sa titig nito, para niya akong hinuhubaran.

Pinakalma ko lang ang aking sarili, kahit hindi ako kumportable e nilapitan ko pa rin ang mesa nila. Tatlo silang lalaki at may kasama silang dalawang babae na akala mo'y naubusan ng tela sa iksi ng damit.

"Good morning po, may napili na po ba kayo?" bati ko sa kanila sabay ngumiti ng pilit.

Kinakabahan ako, ibang-iba kung makatitig sa akin iyong isa. Lalo na ngayon at nasa malapit ako, kita ko kung paano niya ako titigan mula sa taas hanggang pababa.

"Ano bang best seller niyo rito sa coffe niyo?" tanong noong kasama niyang babae.

"M-Machiato po at matcha," nauutal na sagot ko.

"Ganoon ba? Sige, bigyan mo kami ng limang matcha iyong large cup." Saad nito.

"Ito lang po ba?" mahinahon kong tanong.

"Isang chocolate moist na cake din at isang vanilla roll na cake." Dagdag naman noong isang lalaki.

"Okay po, repeat ko lang po iyong order niyo — Limang matcha large cup, isang chocolate moist cake and isang vanilla roll na cake. Ma'am 5 to 10 minutes po," paglilinaw ko sa kanila.

Nagsitanguan naman ang mga ito, aalis na sana ako nang biglang nagsalita iyong lalaking kanina pa tingin nang tingin sa akin.

"Ikaw miss, magkano ka ba? Sabihin mo lang, palagay ko mas masarap ka pa sa kape at cake e." Saad nito habang nakangisi, nagsitawanan naman iyong ibang kasamahan nito na para bang nakakatawa talaga iyong joke ng lalaking 'to.

Biglang kumulo iyong dugo ko pero pinigilan ko ito, mahirap na baka magkagulo pa.

"Heto iyong order nila," saad ko sa kasamahan kong cashier sabay inabot sa kan'ya ang order slip.

"Okay ka lang Cheska?" tanong ni Ms. Hazel sa akin, tumango naman ako sabay pilit na ngumiti.

"Excuse me lang po ma'am," saad ko at dali-daling nang naglakad papuntsa comfort room.

Ang bigat ng dibdib ko, pakiramdam ko nabastos ako pero hindi ako makalaban kasi customer iyon e.

"Aw!" saad noong nabunggo ko.

"I'm sorry," paghingi ko ng tawad habang nakayuko, hindi na ako nagabala pang tignan ito. Tuluyan ng tumulo ang luha ko kahit hindi pa ako nakakapasok sa cubicle ng comfort room.

"Hey," tuluyan ng umangat ang aking ulo nang may humatak sa braso ko. Napakunot ang noo nito. "You okay?" tanong nito.

Tumango ako sabay ngumiti, pero kasabay ng pagkurba ng ngiti ko ay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

"You are not okay," saad nito.

"Sir okay lang po ako, excuse me po." Sagot ko rito, siya iyong engineer na customer namin. Tuluyan niya namang binitawan ang braso ko kaya dali-dalia akong pumasok sa cubicle, ang sakit lang sa dibdib na umiiyak kang walang ingay. Ang hirap, ang sakit-sakit!

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon