Kabanata 13| Safe

2.8K 59 3
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

Kabanata 13 | Safe

Matapos kaming kausapin ni Ms. Hazel ay pinauwi niya muna ako, binigay niya sa akin ang email address ni Sir Owen. Kung gusto ko raw humingi ng tawad ay doon ko raw e send, sigurado kasi itong dadating at dadating kay Sir Owen ang nangyari sa coffee shop. Gusto rin sana mag-under time ni Darwin para samahan ako, pero tumanggi ako kasi sayang din iyong oras tsaka okay naman na ako e.

Habang nakayuko na naglalakad, natigilan naman ako nang makakita ako ng mga paa na pumalibot sa akin kaya napa-angat ako ng aking ulo. Sinasabi ko na nga ba, mangyayari 'to e.

"Ngayon mo ipakita ang tapang mo, mag-isa ka na lang e." Saad noong babaeng nambuhos sa akin ng kape.

"Ibalato niyo na lang sa akin 'to, ang yummy e." Saad noong manyakis na lalaki.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko nang hawakan nito ang braso ko sabay sininghot.

"Matapang! Sige, ibabalato na namin iyan sa 'yo. Iparamdam mo sa kan'ya ang impyerno!" mariin na saad noong babae.

"Bitawan mo ako sabi e!" pagpupumiglas ko sabay tinuhod ang pagkalalaki noong manyak na naka-hawak sa akin. Nabitawan niya ako kaya tatakbo na sana ako nang may humila sa buhok ko.

"Hindi ka aalis!" sigaw nito at pinaghihila ang aking buhok.

"Aray nasasaktan ako,"

Natigilan naman sila sa ginagawa nila nang makarinig ng sirena ng pulis.

"May pulis! Sibat na tayo," sigaw noong isa nilang kasamang babae.

"Hindi pa kami tapos sa 'yo, babalikan at babalikan ka namin!" sigaw noong babae.

"May araw ka rin sa akin!" sigaw noong lalaki na tinuhod ko.

Gulong-gulo ang buhok ko habang naka-upo sa daan.

Napa-atras naman ako nang may mga paa na naman sa harapan ko at kamay na nasa harapan ko. Tumingala ako at muling nakita si Engineer.

"Nauto ko sila, mabuti na lang at may ringtone akong sirena ng pulis," umiiling na saad nito.

Namilog ang aking mata nang marinig ang sinabi nito, "I-Ikaw iyon?"

Tumango ito, "Nangangalay na iyong kamay ko. Tumayo ka na at baka akalain nang mga dumadaan na ina-away kita." Saad nito kaya inabot ko ang kamay nito. Inalalayan niya naman akong makatayo, pinagpag ko iyong mga dumi na dumikit sa akin.

"Niligtas mo na naman ulit ako," seryosong saad ko rito.

Pinindot niya ang kan'yang cellphone at muling tumunog ang sirena ng pulis, hindi na namin napigilan ang matawa dahil siya pala ang may pakana kaya kumaripas ng takbo iyong mga mokong. Lumapit ito sa akin sabay inayos ang buhok ko.

"Ang dugyot mo naman," diretsong saad nito sa akin.

"Hala grabe ka naman engineer!" reklamo ko rito.

"Teka, bakit alam mong engineer ako? Ay, stalker kita!" pambibintang nito sa akin.

"Stalker your face, syempre hindi ko sinasadyang marinig noong tawagin ka noong lalaki na nakausap mo noon ng engineer kaya engineer na rin tawag ko sa 'yo o baka naman gusto mong Sir engineer?" tanong ko sabay ngiti.

"Para kang tanga, kahit Murphy na lang. Sobrang pormal na kasi ng engineer tas dadag-dagan mo pa ng Sir." Saad naman nito.

"Murphy? Wow, ang ganda naman ng pangalan mo. Ako, Cheska nga pala kahit 'di mo tinatanong." Pagpapakilala ko sa kan'ya sabay abot ng aking kamay.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon