Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper(A/N: Expect typos and errors.
Ps: I don't own the images provided, credits google.)Kabanata 24 | Betrayal
Tuluyan na akong napatayo noong papalapit na sila sa mesa namin, nakita ko ring nakipag-kamay si Mr. Eduards kay Murphy at nakipagbeso-beso ito sa kasama niya. Hindi ako nagkakamali, si Cheska 'to.
"Hey! You okay?" tanong ni Reesha habang nakahawak sa akin.
Tinanguan ko lang ito at hindi tinanggal ang aking tingin sa kanilang dalawa.
"Owen! Finally my nephew arrived, I want you to meet Murphy." Pagpapakilala nito kay Murphy sa akin.
"Actually Mr. Eduards, I already knew him. In fact, I also know his partner." Sagot ko rito.
"Then that's great! Murphy and Cheska, have a seat for a while. The program will start as soon as possible, so make yourselves comfortable. I just need to entertain other guests okay?" Paalam ni Mr. Eduards sa kanila.
What a small world, napansin ko ring napakunot ang noo ni Cheska nang makita ako. Lumapit ako sa kanila sabay nakipagbeso-beso kay Cheska.
"Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka pala rito," saad ko habang inaalalayan siyang makaupo.
"Late na rin kasi sinabi sa akin ni Murphy, ayaw ko nga sana pumunta kasi sigurado akong mga big time ang pupunta sa event na 'to kaso nagpumilit si Murphy at wala raw siyang partner." Sagot naman nito.
"You look so gorgeous, bagay na bagay sa 'yo iyong damit mo." Saad ko.
"Thank you, si Murphy pumili nito." Nakangiti naman nitong sagot nang makaupo na ito.
Tumikhim naman si Murphy kaya napatingin ako rito, "Ako iyong kasama niya ngayon Owen kaya bumalik ka na sa puwesto mo." Malamig na saad nito.
"Bakit, bawal na bang batiin si Cheska? As far as I know, magkakilala rin kami." Mariin na sagot ko rito.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)
RandomOwen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nagparaya sa pag-ibig, pero paano kung isang araw matagpuan niya rin ang babaeng para sa kan'ya? What w...