Kabanata 36 | Operation

3K 76 2
                                    

Hot Billionaire S2: Owen Caiden
ImaginationNpaper

(A/N: Expect typos and errors.)

Kabanata 36 | Operation

"Mama!" nakangiting bati ni Cheska nang makapasok sa loob ng silid niya ang Mama niya kasama ang kapatid nito.

Napangiti naman ito sabay nangilid ang luha nito, dali-dali naman silang pumunta sa higaan ni Cheska at niyakap ito. "Anak masaya ako at gising ka na," saad nito kay Cheska sabay hinalikan ang pisngi nito.

"Ate sobra kaming nagaalalala sa 'yo, halos gabi-gabi kami nagdadasal ni Mama na gumaling ka na agad." Saad naman ni Cholo.

"Okay na ako oh, huwag na kayo magalala." Nakangiti namang saad ni Cheska sa kanila.

"Anak laking pasasalamat ko sa mga kaibigan mo kasi 'di ka nila iniwan at pinabayaan, kahit kami ay inaalala nila." Ani nito.

"Salamat sa inyo ha? Mabuti na lang at 'di niyo hinayaan si Mama na mag-isa dito." Pagpapasalamat ni Cheska sa amin.

"Ikaw pa ba? Hinding-hindi ka namin pababayaan," saad ni Sachi rito.

"We miss you girl, magpagaling ka na agad para makapag-bonding ulit tayo." Saad ni Darwin dito.

"Oo nga pala, si Murphy bakit wala?" tanong ni Tita rito.

"Oo nga ate, lagi pa naman iyong nandito at binabantayan ka." Dagdag ni Cholo.

Narinig ko namang tumikhim si Sachi at nasamid si Darwin. Hindi ko mapigilang malungkot habang nakatingin kay Cheska, napayuko ito sabay tumikhim.

"Dito siya galing kanina Ma, umuwi lang po saglit." Sagot nito na ikina-kunot ng noo ko. Pinagtatakpan niya pa rin?

"Cheska," tawag ni Sachi rito. Napalingon din ako rito at napansin ko ang hindi pagsang-ayon sa reaksyon nito.

Sinenyasan niya naman ito na para bang huwag sabihin ang totoo.

"May problema ba?" tanong ni Tita.

"W-Wala ma," sagot nito at sinamaan kami ng tingin.

"Che, huwag ka naman gan'yan. Sabihin mo sa kanila ang totoo, kailangan nila malaman kung anong nangyari." Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nagsalita na.

"Owen naman," saway nito sa akin.

"Anak ano ba kasi iyon?" nagaalala ng saad ni Tita.

"Ma okay lang ako, huwag mo na sila isipin." Saad naman nito.

"Tita sinubukan po siyang lasunin ni Murphy, nalaman po namin na si Murphy ang nagturok ng poison kay Cheska kaya nag-seizure siya at bleeding kanina." Pagsusumbong ko rito.

"Owen naman," naiiyak na saad nito sa akin.

"Si Murphy? Imposible, alam ko mahalaga si Cheska sa kan'ya kaya baka nagkakamali lang kayo." Saad naman ni Tita.

Umiling ako sabay hunakbang papalapit kina Tita.

"Nagsasabi po kami ng totoo Tita, umamin na rin po siya sa amin na ginawa niya iyon." Pagpapa-intindi ko rito.

"Pero mabait si Kuya Murphy," singit naman ni Cholo.

"Ma nagawa niya lang iyon kasi inipit siya ni Cloud, kilala ko rin si Murphy Ma. Alam ko na hindi niya iyon magagawa sa akin kung walang hawak si Cloud na makakasakit kay Murphy." Pagtatanggol nito kay Murphy.

Napailing na lang ako sabay napakuyom sa aking kamao, "Really Cheska? Harap-harapan mo talaga siyang pinagtatanggol! Cheska ikaw na nga iyong nasaktan, may gana ka pang panigan siya." Naiinis na saad ko rito.

Hot Billionaire Series 2: Owen Caiden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon