CHAPTER 9

58 26 0
                                    

CHEL LACHSAMA POV

Pauwi na kami ni kuya. Nakasakay ako sa kotse nya at nakatingin ako sa salamin napapansin ko naman na panay ang lingon nya sakin pero hinayaan ko nalang sya at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Chel. Okay lang ba kayo ni rye?" tanong sakin ni kuya na hindi ko nilingon.

"Oo naman kuya. Okay lang kaming dalawa"sabi ko na nakatingin pa din sa labas ng bintana.

"mabuti naman kong ganun. Basta pag may problema nandito lang ako"sabi naman ni kuya na nilingon ako sandali at nagmaneho na.

Nakarating na din kami sa bahay at nagsabi na ko kay kuya na mauuna na ko sa taas kasi antok na din ako nakakapagod. Lagi akong napapagod kahit wala naman masyadong ginagawa. Napapagod kakaisip sa mga  ginagawa sakin ni rye

Pumasok na ko sa kwarto ko at nagtanggal ng damit para mag babad sa bath tub ko.

Nakababad na ko ngayon at nag iisip. Kailan kaya aaminin ni rye na niloloko nya ko? Akala ko wala na sila kasi sweet sya sakin kaninang umaga. Pinagluto pa nga nya kami ni kuya at nauna syang magising kay manang. Pero bakit ganun? Di pa din pala kasi sila pa din. Ilang buwan na kaya nya ko niloloko? Ilang araw? O taon na ba? Kong taon? Hindi ko kakayanin yun! Akalain mo kung taon yun natago nya yun? Ang galing naman nya kong ganun diba? professional cheater na sya. Pero bakit ganun? Hinahayaan ko syang gawin ang mga bagay nayun? Inaantay ko naman na umamin sya sakin. Malapit na ang birthday ko at pauwi na din sila mom and dad. Sunod naman nun ay ang celebrating namin sa tagaytay na naka reserved na daw sabi ni rye. Hindi ko naman pwedeng tanggihan yun. Gusto kong makausap yung babae pero saan? Paano? Kelan?... Si guill? Nahihiya pa din ako na lumapit sa kanya. and besides hindi pako handa.. Papaabutin ko pa ba to sa birthday ko at 3rd anniversary namin? Gusto din siyang makita ni mommy.. Edi ito ako ngayon mag tyatyaga na niloloko nalang ako. Siguro yung mga panahong busy sya hindi sa trabaho yun, dahil yun dun sa babae na kasama nya kapag hindi nya ko kasama. Ireready ko muna ang sarili ko pag handa na ko siguro uunahan kona si rye, Pero sa ngayon siguro martyr muna ako hahayaan ko muna na mag kusa sya hanggang sa makonsensya sya at magsabi sakin.

Tapos na din akong magbabad at mag isip ng tungkol samin at nag bihis na din ako para iopen yung laptop ko at may narecieve naman ako na message galing kay guill sa facebook ko yun.

"Hey? Kamusta nakauwi ba ng safe?" tanong nya sakin kaya nireplyan ko naman agad sya.

Bakit naman nya tinatanong? Pero kong plano nya naman na makipag kaibigan sakin. Okay lang.

"Yup" maikling reply ko sa kanya.

"Good" sabi naman nya. Di ko na din alam irereply kaya di kona sya kinausap.

Makalipas ang ilang segundo nagchat sya ulit.

"If you don't mind. Can i get your number?" don't mind mo mukha mo sabi ko sa isip ko bat hinihingi nya.

"Why??"tipid kong reply sa kanya

"diba hiningi mo din number ko. Patas lang pag binigay mo din ang iyo!" message naman nya sakin.

Ganun pala yun dapat pala di ko na hiningi.

Hayaan muna nga

Bibigay kunalang!

"Okay 0929-454-2355" ayan binigay ko na panget mo hahaha. Sabe ko sa sarili ko.

After nun sineen nalang nya ko nag out na din ako para matulog nalang din nakakapagod ang araw na to.

Zzzzzzzzzzz

ZED LACHSMA POV

Nasa kwarto na ko ngayon. At inaalala yung mga sinabi ni rye habang nasa kotse kami. Siguro di nya alam na narinig ko sya nasa likod sya inupo ni chel para makahiga si rye.

Flashback...

"Im so sorry chel. Pangako na babagohin ko at itatama ko yung lahat wag kalang mawala sakin.. Gagawin ko lahat hihiwalayan ko sya para sayo.. Para maayos natin to please don't leave me love, i can't" nananaginip sguro sya.. Pero totoo ba yung narinig ko? Hihiwalayan nya sino? Niloloko nya ba ang kapatid ko? Naalala ko yung sinabi sakin ng kaibigan ko na babae na nakita nya daw si rye na may kasamang babae sa Starbucks nung pauwi na kami pero hinayaan kulang at hindi ko sinabi kay chel ayoko naman na mag isip ng kung ano yung kapatid ko at kung totoo man na niloloko mo yung kapatid ko kalimutan mo nang naging mag kaibigan tayo rye! Sabi ko sa sarili ko at pinagpatuloy na ang pag mamaneho. Nakarating din naman kami agad sa bahay nila at nakasalubong ang kasambahay nila. Nakita ko din si tito na nagbabasa pa ng magazine sa sala.

"Oh zed.."sabi nya sakin at tumayo palapit samin dahil nakita si rye na lasing na lasing.

"Lasing na naman tong batang to..salamat sa pag hatid sa kanya zed ako na ang bahala sa kanya"sabi naman sakin ni tito marcos kaya nginitian ko sya ng kunin nya sakin si rye para alalayan paakyat.

Bagsak na bagsak ang dami ngang nainom pero bat sya uminom ng uminom, May pasok pa sila bukas.

"Alis na po ko tito"pag papaalam ko at nginitian naman nya ako.

"Ingat ka ah, ikamusta mo nalang ako kay chel"Sabi ni tito na inalalayan si rye patungo sa kwarto nito at nag maneho nako pabalik para sunduin si chel.

Nandito na kami sa loob ng kotse ni chel nakatingin lang sya sa bintana kaya tinanong ko sya nung maalala ko ang mga sinabe ni rye na nananaginip lang.

"Chel. Okay lang ba kayo ni rye?" tanong ko sakanya na di naman nag abalang tignan ako.

"Oo naman kuya. Okay lang kaming dalawa" sagot naman nya sa tanong ko.

"mabuti naman kong ganun. Basta pag may problema nandito lang ako"sabi ko naman sa kanya. At nagmaneho na pauwi

End of flashback

Hindi naman siguro magloloko si rye.
I know... Pwede naman magloko dahil walang perpekto pero isang beses lang at hindi kana dapat umulit pa.

Naalala ko nung una akong lokohin ng babaeng una ko ding minahal. Pinagpalit nya ko sa isang sikat noon sa campus namin e ano ba naman akong basketball player lang, na MVP ang natitipuhan ng Ex ko noon. Hinayaan ko nalang din kasi kong di sya para sakin hindi ko na pipilitin. Ramdam ko ang sakit kaya ayokong maramdaman din ni chel. Si rye ang first boyfriend nya. Pero ngayon ko lang nakikita na walang interes minsan ang mata ni chel kapag si rye ang kasama nya kagaya nung kumakain kami kaninang umaga. Di dapat ako makialam pero wag lang syang magkakamali na lokohin ang kapatid ko. Diko alam magagawa ko sa kanya!

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon