CHEL LACSHAMA POV
Pumasok ako ng banyo at nag salamin.
Grabe talaga! Bakit kailangan ko pang makita silang dalawa! Nakakainis sa dame ng pwedeng makita sila pa! Ang bilis din ah, nakikipag date na agad siya sa iba, siguro nga pabor sa kanya yung break up nin tsk!
Palabas na ako at nakita si guill na nakasandal sa pader naka hawak sa bulsa ang dalawa niyang kamay.
Lalagpasan ko na sya ng bigla siyang magsalita.
"Kung ano man yung nasa isip mo, mali yun." he said.
Naglakad na ako ng isang hakbang ng magsalita siya ulit.
"Walang namamagitan samin ni liza." sabi pa niya at naglakad sa harap ko.
"Im still into you chel, please give me chance to fix what i mess." he said.
"Wala naman akong pake kung may namamagitan sa inyo o wala, tsaka tapos na din tayo." pagsisinungaling ko, tsaka ayokong sagotin yung fix na gusto nya, what i mess mo mukha mo!
"Chel!" tawag nya sakin, dahil naglakad na ako palayo sa kanya.
"Gagawin ko lahat maging okay lang tayo ulit." sigaw pa niya pero nag patuloy pa din ako sa paglalakad.
Mas nangingibabaw yung galit ko ngayon, bwesit siya!
"San ka galing? May pag walk out ah!" salubong sakin ni lyn ng bumalik ako sa upuan.
Nasa sinehan pa din kami.
"Nag cr lang ako." sagot ko naman.
Nakita ko naman si guill na umupo na din sa tabi ni liza.
"Saan tayo, after nito?" liza asked.
"Uuwi na tayo pagtapos nito,hahatid kita." sagot ni guill.
Walang gana ang tono ng boses niya.
"Hmm, i smell something fishy ah" bulong sakin ni lyn,kaya tinignan ko siya ng nagtatanong na tingin.
Kunwari di ko alam ang ibig niyang sabihin.
GUILL SANTOS POV
"Thankyou for this day again guill." nakangiting sabi ni liza.
"Sinuklian ko lang yung regalo mo sakin." sagot ko.
Naglalakad na kami at malapit na sa kanila.
"Guill?" she said.
Di ako nagsalita at tumango nalang.
"Magkaibigan tayo diba?" she asked.
Tumingin naman ako sa kanya. "Oo naman, kapatid na nga turing ko sayo" sagot ko.
Nakita ko naman na biglang naging malungkot ang ekpresyon ng mukha niya.
"Ikaw, mag kaibigan din tayo diba?" i asked.
Tumango-tango naman siya.
"Nandito na tayo pasok kana." i said.
"Ah O-oo papasok na ako,salamat ulit." sabi niya, inantay ko muna siyang makapasok bago ako umalis.
Nandito na ako sa bahay, at dumeretso na sa kwarto.
I recieve message from zed.
Zed: Bro? Are you free tonight? May kunting kasiyahan dito sa bahay, can you join us? Nandito din sila ivan.
Nag reply naman ako sa kanya na sige mag aasikaso lang ako.
Mukhang wala ngang idea si zed sa nangyayare samin ni chel, di kasi siya palakwento sa kuya niya, naalala ko tuloy na di niya pa sinasabe kay zed o sa mga parents niya na nag cheat si rye kaya sila nag hiwalay.
Di sya palakwento.
Nag asikaso na ako para maka deretso na kila zed, di malabong magkita kami ni chel doon.
--------
"Nandito na pala eh." sabi ni zed.
Nandito din si rye at angel? Bakit nandito sila? Oo nga pala walang idea si zed. Nandito na din sila bryan at leo, si ivan,john,lyn.
Nakakamiss din pala si lyka, wala na kaming balita simula nung umalis siya.
"Si chel?" tanong ko. Di ko alam bat ko natanong yun.
"nasa taas, masama daw pakiramdam eh, kaya di makakasalo saten." sabi ni zed.
Masama pakiramdam? O umiiwas sakin?
Okay pa siya kanina nung nagkita kami sa sinehan ah.
Nagsimula na din kaming mag kwentuhan at mag-inuman.
"Guill." tawag sakin ni zed.
"Alam namin, alam namin na di kayo okay ni chel, nakipag hiwalay na siya sayo diba?" he said.
Paano? Alam nila? Silang lahat? Akala ko di alam ni zed.
Akala ko lang pala!
"Paano..." sabi ko.
"Medyo mukha kaming pakelamero pero sabe ni lyn samin... Alam mo naman na ata to, sinabi na daw ni chel sa kanya yung reason ng di mo pag paparamdam sa kanya." he said.
Ano? Bakit ganto topic nila? Bat ako?
Teka? Plano ba nila to....
"Pasensiya na." nasabi ko nalang.
"Ieexplain ni rye sayo yung napag usapan nila nung gabing yun." zed said.
"Pero mamaya na, kaming dalawa nalang mag uusap about dun hahaha." sabi ni rye.
Tinignan ko naman si angel. Ayos na pala sila ni rye, at malaki na din ang tyan niya, buntis nga pala si Angel, dame na palang pagbabago, ilang buwan na din kasi.
"Tara, mamaya na yan intense masyado e hahahah." pag-iiba ng usapan ni bryan.
"kamusta na pala yung tyan mo angel? Kelan lalabas yung baby mo?" lyn asked.
Ngumiti naman si angel "2 months pa bago lumabas si baby eh hehe, lalaki yung baby namin."sabi ni Angel.
"Omy omy, i can't wait." excited na sabe ni lyn, dame na palang nagbabago, tagal ko na din kasing di sila nakakasama.
Ano bang ginawa ko!
"Eh kayo? Kamusta kayo ni john ayieeeee." pang-aasar ni ivan.
"H-ha? Okay kami." nahihiyang sabi ni lyn.
Katabi niya si john na nakasandal ang braso sa likod ng upuan niya.
"Balita ko, nag away kayo papunta palang dito ah hahahaha" pang-aasar ulit ni ivan.
"Hoy!" sabi ni lyn.
"Oo, makulit kasi eh, sabe ko mamaya na bumili kasi kakain din naman dito." sagot ni john.
"Babae kasi kami, malamang may pangangailangan kami lalo na kapag kabuwanan namin nakakagutom kaya." nakangusong sabi pa ni lyn.
"Oo na, oo na sabe ko kasi mamaya eh hahaha." sabi ni john na ginulo pa ang buhok ni lyn
"Sabi mo yan ah!" inis kunwari na sabe ni lyn.
"Opo." sagot naman ni john.
Nagpatuloy na kami sa kwentuhan namin, wala si chel pero gusto ko siyang makausap.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Lacshama Series 1) |Completed|
RomanceIt's about a woman named Chel Lacshama who has a 3 year relationship with Rye Chester who just cheats on her. Guill Santos, a great singer, came to her life. What his role in Chel's life? Start: December 25, 2019 End: April 27, 2020