CHAPTER 72

15 8 0
                                    

Nandito ako ngayon sa rooftop ng school namin dahil gusto daw makipag usap sakin ni liza hindi ko alam kung ano ang gusto nyang pag-usapan.

Pag bukas ko nang pinto ng rooftop nakita ko sya nakatayo doon malapit sa dulo at ang lakas nang hangin, kinabahan tuloy ako na baka itulak nya ako doon kagaya ng mga napapanood ko pero may harang ang rooftop kaya di nya yun magagawa.

"Liza!" tawag ko sa pangalan nya.

THIRD PERSON.

"Liza!" tawag ni chel kay liza kaya agad na lumingon si liza sa kanya, tinignan nya ng masama si chel ng makalapit ito sa kanya naka cross ang mga kamay nya at nag pipigil sa sarili nya.

"Buti naman at sumunod ka!" inis na sabi nya kay chel, nagtataka naman si chel kung bakit masama ang tingin sa kanya ni liza.

"Sabihin mo na agad yung gusto mong pag-usapan natin dahil ayokong sayangin ang oras ko sa walang kwenta mong sasabihin!" inis na din na sabi ni chel sa kanya.

"Masaya kana ba? Nasayo na si guill! Kayo na ulit! Masaya kana? Nasira mo na yung kaligayahan ko guill is my everything! Pero nang dahil sayo nawala na lahat ng moment namin, di na kami sabay umuuwi, di na kami nag uusap dahil for sure inutusan mo siya na wag akong kausapin na umiwas sya sa akin ang kapal ng mukha mo how dare you!" sabi ni liza at akmang sasampalin si chel pero nahawakan ni chel ang kamay nya kaya di sya natamaan ng sampal.

"Yun lang yun?" tanong ni chel kay liza. "Di ko inutusan si guill na umiwas sayo, di ko sinira ang kaligayahan na sinasabi mo, di ko kasalanan kung bakit sya umiiwas o lumalayo sayo liza! Wala akong kasalanan!" inis na sabi ni chel at binitawan ang kamay ni liza.

Ramdam ang tensyon sa dalawa

Flashback

"Alam ko na kung anong ginawa mo kay chel, liza bakit kailangan mong gawin yun!" inis na tanong ni guin kay liza.

"Because i love you guill, you're my everything i will do everything for you." sagot ni liza sa kanya, kaya nakaramdam naman ng inis si guill.

"you and i, mag kaibigan lang tayo liz di ko alam na bibigyan mo ng kahulugan yun!" sabi ni guill.

"Mamili ka! Magiging magkaibigan tayo at mananatiling nag uusap o mas pipiliin mong gustuhin ako at guluhin si chel!" guill asked her.

Nalaman kasi ni guill na si liza ang naglalagay ng basura sa locker ni chel, nagtatago ng rubber shoes ni chel, nang ibang gamit ni chel nag popost ng mga picture ni chel sa koredor at may naka drawing na demonyo gamit ang pentle pen, sinabi ni michelle na si liza lahat ang may gawa noon. Si michelle kasi dahil sa di na nya napapakinabangan si liza kaya naisip nyang isumbong nalang ito.

Si chel ay walang kibo sa mga ginagawa sa kanya, alam nyang si liza lang ang may galit sa kanya at gagawa noon pero hinayaan na lamang nya, pero si guill nagalit sya sa ginagawa ni liza dahil di ganun ang pagkakakilala niya kay liza.

"Sorry guill, pero i choose to love you no matter what happen!" sagot ni liza.

"Bahala ka!" sabi ni guill at tinalikuran siya.

Halos maiyak si liza sa subrang bigat ng nararamdaman nya.

End of flashback

"Ang bobo ko, di pa ako nasanay, inagawan na nga ako ng dati kong bestfriend ngayon, aagawan na naman ako." umiiyak na sabi ni liza.

Nakaramdam naman ng awa si chel sa kanya at gusto syang yakapin pero di nya na lamang ito ginawa. "Di kita inagawan liza, sakin si guin bago ka pa dumating." sabi ni chel.

"Kahit anong sabihin mo inagaw mo pa rin sya " sabi ni liza at tumakbo palabas ng rooftop kaya hinabol sya ni chel, dahil sa paghabol nya kay liza na out balance ang paa nya at tuluyang nagpagulong-gulong sa hagdanan, narinig naman ni liza na parang may bumagsak kaya agad syang naglakad paakyat, nagulat sya ng makitang may dugo na sa ulo si chel at di nya alam ang gagawin nya. Kaya agad syang pumunta sa clinic para humingi ng tulong.

----

"Please help me, yung babae nahulog sya sa hagdan and i don't know what to do please bilisan niyo." sabi ni liza sa mga nurse sa clinic, agad namang tumakbo ang nurse na lalaki at sinundan si liza.

Nakarating na sila sa rooftop at nakita nila si chel na mas dumadami ang dugo sa ulo, kinakabahan si liza at nag dadasal na sana ayos lang si chel.

****

"Asaan po siya?" nag aalalang tanong ni guin sa mga nurse sa clinic.

"Dinala sya sa malapit na hospital satin, doon sa josehospital, hindi namin sya magagamot dahil wala pa ang ibang medisina." sagot ng nurse na babae.

Walang sinayang na oras si guill kaya agad na nagtungo sa hospital na binaggit ng doctor.

Nakita nya naman si liza doon na pabalik- balik sa pag lalakad. Nakaramdam ng galit si guill pero dahil babae si liza ay mas nangibabaw ang respeto nya.

"Anong nangyari? Kamusta na daw ang lagay nya?" guill asked.

Nakakagat naman si liza sa kuko nya "Di pa lumalabas ang doctor, sorry hindi ko alam ang nangyari sa kanya, nag usap kami sa rooftop after nun lumabas ako, may narinig akong nahulog kaya bumalik ako and i saw her kaya humingi ako ng tulong." paliwanag ni liza.

Sumunod naman na dumating sila lyn,bryan at leo.

"What happened to her? Is she okay?" nag aalalang tanong ni lyn.

"Hindi ko pa alam, di pa lumalabas ang doctor." sagot ni guill.

Tumingin naman si lyn ng masama kay liza. "ikaw? Malamang ikaw ang dahilan kung bakit nandjan ngayon ang kaibigan ko!" inis na sabi ni lyn kay liza kaya di na napigilan ni liza ang luha nya.

"Sorry" nasabi nalang ni liza dahil di alam ang sasabihin bukod doon wala syang kakampi dahil mag isa lang sya.

Nakaramdam naman ng awa si bryan kay liza kaya agad nya itong nilapitan
inakbayan, akbay na kinokomport mo yung tao.

"Wag na kayong magtalo, di matutuwa si chel kung magtatalo lang kayo, si chel ang magsasabi satin kung ano ba yung totoong nangyari pero sa ngayon magpalamig muna kayo." sabi ni bryan para di bumigat ang tensyon.

Lumabas na ang doctor kaya agad silang lumapit. "Kamusta na doc?" guill asked.

"Stable na ngayon ang lagay nya, need lang nya ng pahinga, nandito ba ang parents nya?" tanong ng doctor.

"Wala po, pero kami po kaibigan nya po kami." sabi ni lyn.

"need ng relatives para makausap about sa lagay nya, maiwan ko na kayo." sabi ng doctor sa kanila at naglakad na palayo.

"Si zed tawagan niyo si zed" sabi ni lyn, kaya agad namang nag dial si bryan sa phone nya at tinawagan si zed.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon