CHEL LACHSAMA POV
Lumipas na ang ilang linggo at di ko na nakikita si liza na nanonood kila guill, mabuti naman kung ganun diba!
May iba nang mga students dito, nadagdagan na din kasi, nandito na din ang hawak ni francis na ibang students na sasayaw para sa grad ball, nalalapit na nga ang grad ball eh, subrang bilis ng araw, mag dadalawang buwan na lang graduation na namin, at mauuna ang grad ball at next week na yun, kaya naghahabol kami sa pag iinsayo kaya ang practice namin Monday Wednesday, Friday.
Okay na din kami ni guill, lumalabas kami paminsan-minsan kapag wala siyang pasok, mas pagod nga sya dahil nag prapractice sya at may pasok after ng practice.
"Chel?" guill
said.
break time muna namin ngayon, nandito kami sa theater.
"Bakit?" i asked.
"Okay lang naman kayo ni liza diba?" he asked.
Bakit naman nya natanong?
"Bakit?" sabi ko ulit.
"may sinabi kasi sakin si leo eh." he said.
Sinabi ba ni leo ang kwenento ko kay lyn? Ang babaeng yun talaga mas madaldal pa sa madaldal eh!
"Yun ba? Ayos lang yun." sabi ko nalang.
"Ang tanga ko kasi hindi ko napapansin na may gusto na sya sakin." he said
Buti naman at nahalata nya rin. "By the way asan na pala sya ngayon? Hindi na sya nanonood dito eh" i asked.
"Nagsinungaling kasi ako sa kanya na bawal ng manood dito, medyo nakokonsensya ako pero yun ang suggestion ni leo para daw kahit papaano di na lumala yung nararamdaman ni liza sakin" he said.
"Di mo na dapat ginawa yun" sabi ko. "Di mo naman mapipigilan yung taong magustuhan ka eh, sila ang pipili kong titigil na ba sila sa pag hanga sayo." dagdag ko pa.
"Pero ayokong mas masaktan pa yung tao kaya ganun na lang ang ginawa ko." sabi pa nya.
"Nagiging success naman ba?" i asked him.
"Siguro kahit papaano, sa room kasi di na din kami nag uusap masyado." he said. I felt pity to liza kahit masama ang pinakita nya sakin.
"Do you still love me?" nagulat ako sa tanong nya sakin.
Natagalan ako bago sumagot "Lolokohin ko lang sarili ko kung sasabihin kong hindi na." sabi ko.
Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap, di ako sanay dahil marameng studyante dito at ang iba nakatingin samin.
"Pwede bang maging tayo na ulit?" he asked. Ang speed mo naman guill
hahaha.
"O-oo" utal na sabi ko, doon din naman kami babagsak, tsaka maayos na din naman kami ngayon, kaya Umuo na ako para mas maging maayos na talaga.
Kiniss nya ako sa noo kaya mas nagulat ako dahil may ibang studyante na nakatingin samin.
"Guill, may mga nakatingin na satin" nahihiyang sabi ko. Kaya binitawan nya ang pagkakayakap sakin at umayos.
"S-sorry.." nasabi nalang nya.
"Sila na ba ulit? Im happy for them" dinig kong bulong bulong ng ibang studyante sa loob ng theater.
"Ayieeeeeee sanaol" dinig kong sigaw pa ng isa sa mga dancer para sa grad ball.
"Sanaol sanaol sanaol" sabi din ng iba.
"Nakakailang" mahinang sambit ko.
Sinundan ko lang si guill, dahil pinapapunta kami ni francis sa loob ng bodega.
Pagpasok namin nagulat ako ng biglang hawakan ni guill ang kamay ko
"Naku, ano yan?" tanong ni francis.
"Holding hands?" nagtatanong din na sabi ni guill kaya mahina akong natawa.
"Bravo, kayo na ulit? Okay na kayo ulit masaya kami yepyeeew!" pumapalakpak pa na sabi ni bryan.
"Im happy for the both of you!" masayang sabi din ni leo.
"Okay mamaya na yan, ngayon kasi plano natin since ang grad ball natin ay next week na subrang lapit na nga eh, need naten mag decide kung anong design ba ang babagay sa grad ball natin theme ba." sabi ni francis nagulat naman kami ng tumawa si bryan.
"HAHAHAHAHAHHA! Timba HAHAHAHAHHA" Tawa nya, nabingi na ata.
"Theme yun bry, THEME! Hahahaha!" natatawang sabi ko.
Kumamot naman si leo sa ulo nya at binatukan si bryan.
"aray!" reklamo nito.
"bingi ka na ba?!" tanong ni leo kay bryan.
"Okay guys mag susuggest kayo kasi wala na akong maisip, bukod sa stress na ako sa pa project natin iisipin ko pa to jusko" sabi ni francis at humawak pa sa noo nya.
"Mag sesearch kami ng babagay na theme sa grad ball, para less stress" sabi ko naman.
Ngumiti naman siya "The best ka talaga ms.lachsama!" sabi pa niya.
"Mrs.santos kamo HAHAHHAA!" pang-aasar na naman ni bryan itong lalaking to puro kalokohan na lang ang alam nito sa pang araw-araw eh!
"Puro ka kalokohan!" sabi ni guill at mahinang kinutusan si bryan
"Aray ah! Dalawa na kayo ah!" reklamo pa nya at kinakamot ang ulo niya kung saan sya binatukan.
Pumalakpak naman si francis "Okay thats it for today, pwede na kayong umuwi." he said.
"Yung ibang students sa labas?" guill asked.
"Mamaya pa sila, mahirap kabisaduhin ang bawat step nila kaya additional one hour sila." sagot ni francis.
Naglakad na kami papunta sa parking lot.
"Simula bukas pwede bang sunduin nalang kita para sabay tayong papasok?" guill asked
Ayokong masanay kaya di ako papayag. "Di na guill, pagod ka din sa trabaho mo nun tapos nag dridrive ka pa para sundoin ako kahit wag na." sabi ko, mas mapapagod lang sya kung gagawin niya yun.
"Okay lang naman yun eh, lakas naman kita." he said, wala ang korni na hahaha.
"Di pa din ako papayag, mag aaway lang tayo kapag pinilit mo." seryosong sabi ko. Ayokong masanay at ayokong mas mapagod sya kung dadagdag pa ako.
"Opo hindi na, sge na ingat ka sa pag mamaneho dahan-dahan lang di ka hari ng kalsada!" sabi nya.
"Ano reyna lang? Hahaha" pagbibiro ko pa at tumawa naman siya.
Kiniss nya ako sa nood bago ako makaalis. Nagpaalam na din ako kioa bryan, sasabay kasi sila kay guill malapit lang ang condo sa bahay ni guin, di pa ako nakakapunta sa bahay niya, at ayoko namang pumunta doon ng ako lang no! Hell no! For god sake, okay korni na hahaha.
Nakarating na din ako sa bahay, at sa kwarto na ako dumeretso dahil sa pagod din sa practice. Napasubo pa kasi ako sa pakanta kanta na yan eh dapat pala si liza nalang ang hinayaan kong mag practice total gusto nya naman na kasama si guill araw-araw eh.
Nagsinungaling kasi ako sa kanya na bawal ng manood dito, medyo nakokonsensya ako pero yun ang suggestion ni leo para daw kahit papaano di na lumala yung nararamdaman ni liza sakin nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabing yun ni guill, kahit papaano nakaramdam ako ng awa kay liza, ano kayang ginagawa nya ngayon. Sana ayos lang sya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Lacshama Series 1) |Completed|
RomanceIt's about a woman named Chel Lacshama who has a 3 year relationship with Rye Chester who just cheats on her. Guill Santos, a great singer, came to her life. What his role in Chel's life? Start: December 25, 2019 End: April 27, 2020
