kinabukasan
CHEL LACSHAMA POV
Maaga akong nagising kaya nag asikaso na din ako para pumasok sa school. Pagtapos kong maligo at magsipilyo nag ayos muna ako ng mukha ko bago bumaba.
Ang panget pa din chel hahaha
self support dapat
okay maganda ka chel super!
Pagkukubinsi ko sa sarili ko.
Bumaba na din ako at naamoy ko na agad ang mga niluto ni manang bago ito dahil adobo at kanin ang nakalatag at kape.. My favorite mocha coffee!
Nakita ko naman si kuya na nag kakape na din at mukhang nauna ng kumain sakin dahil nag cecellphone na ito.
"Tagal mong gumising, Nauna na ko kumain sayo" he said na nakatingin lang sa phone nya!
"It's okay sabay pa din naman tayo dahil ihahatid mo pa din naman ako!" sabi ko
"Oo nga pala asar hahaha!" sabi naman nya na nakatingin pa din sa cellphone
"Manang? Damihan mo po ang lulutuin mo mamaya may overnight kaming mag babarkada lima lang naman kami manang. Gusto nila umo-rder nalang sa labas. But i said no kasi mas masarap ang luto ni manang kaysa sa order order nayan."sabi naman ni kuya kay manang.
"Nako iho nang-uto pa, O sya sige mamaya ay mag grogrocery ako para sa inyo." sabi naman ni manang na nag huhugas ng pinggan.
"Pag-maaga ako manang sasamahan kita, wala namang gaanong gagawin graduating eh!"kindat naman ni kuya kay manang.
"Sige iho. Baka malate na kayo"pagpapaalala ni manang.
Tinignan ko naman ang phone ko may 30minutes pa naman ako mabilis lang ang byahe. Nag paalam na ko kay manang ganun din si kuya at sumakay na kami sa kotse nya.
civil engineer ang kinuha ni kuya si rye naman ay ganun din pereho sila. Mag kaibigan sila noon kaso hindi na masyado ngayon busy din sila pereho since iba din sila ng school si kuya din ang dahilan kong bat naging kami naaalala ko pa kong paano nya kami asaring dalawa ni rye kapag pupunta ito sa bahay at nanligaw na sya humingi sya ng pahintulot kay kuya since wala naman sila mom. Never pangang nakita ni mom si rye for 3years, i was 12 years old ng umalis sila mom. Dumadalaw naman sila dito pero hindi nila nakikita si rye dahil bonding with family every Christmas and new year baka this time birthday ko na din naman next month uuwi sila mom.
"Di na kita mahahatid sa parking chel..." he said
"Bakit?saan ka pupunta?" dipa naman siya late eh! Paglalakadin pa ako!
"May dadaanan muna ako"sagot naman ni kuya.
Lagi nalang itong may dinadaanan nakakainis na!
"Sge kuya. I understand"ngiti lamang ang iginanti nya sakin.
Ilang minuto lang ay nakarating na din naman kami sa labas ng gate. Nagpaalam na din ako kay kuya at agad naman na din itong umalis.
"Good morning ma'am"bati ng gwardya sakin at nginitian ko naman ito.
"Good morning din po" i said.
Pumasok na ko sa loob at nag lakad dinaanan ko yung parking kong nandun na ba ang car ni rye. Pero wala pa, lasing din sya kagabi kaya baka late o di makapasok di pa sya nag memessage sakin parang nakakasanay na din.
"Pssst!"napa tingin naman ako sa likod ko at sa di kalayuan nakita ko si guill kasama nya si lyn, bulong ko at tsaka lumapit sa kanila.
Bat kasama nya tong si guill don't tell me friends na kayo. Okay di na ko nabigla.
Nagbiso sakin si lyn ganun din ako.
"sabi na eh dito ka namin makikita eh. Hinatid ka ni rye?"lyn asked
"Hmm no. si kuya ang naghatid sakin" i said kaya palinga linga si lyn sa parking lot.
"Wala pa pala si rye wala pa ang kotse nya tara." aya nya sakin ng bigla syang huminto.
"Wait since kilala niyo na ang isat-isa hindi kona kayo dapat pang ipakilala ulit. Mamaya ay sasabay sila satin mag break time from now on!" ngiti naman ni lyn sakin at humawak sa braso ko at nag lakad
From now what? From now on? Dahil ba to kagabi? Damn lyn!
Pero hindi na din naman masama kong bagong friends kaso ang dami naman nila.
Yun din naman gusto ko. Pero parang may naamoy akong di maganda.
May plano ang babaeng to!
Nandito na kami sa tapat ng pinto ng room namin. Kaya humarap si lyn
Maya-maya pa ay nakita ko din si lyka sa likod ni guill. Kanina pa ba sya nakasunod samin nila guill?
"Dito na pala room niyo. Lyn kita kits nalang mamaya ah"pag papaalam naman ni guill kay lyn at sumaludo pa bago umalis. nginitian naman siya ni lyn at kinawayan.
Tumalikod sya at napahinto ng makita si lyka at inakbayan nya ito.
"Tara na. Kanina kapa jan?"dinig kong tanong ni guill kay lyka. nginitian lang kami. Kumaway naman si lyn ulit kay lyka. Fourth floor pala sila. Kami naman ay 3rd floor.
Pumasok na din kami sa room namin at naglesson na ang prof namin. Si MadameAngel na masungit.
Nag goodmorning naman kami. At diniscuss nya samin ang mga events ng school.
"Since may bago tayong banda, Magagaling din sila. Sila ang kukunin na banda para sa events maraming club kaya hindi na kailangan pa umarkila. Para sa events kailangan din ng mga dancers sino naman ang willing sumali para naman may representative ang klase natin" tanong ni MadameAngel.
Nagtaas naman ng kamay ang kaklase namin na si Dexter
"Ako po ma'am partner po kami ni Liza" presenta naman ni dexter bakla si dexter. Nakita naman namin ang gulat ni liza na mag sasalita na sana para tumanggi pero nilakihan sya ng mata ni Dexter kaya hindi na ito nagsalita pa.
Pasaway talaga tong si dexter e.
"Okay meron na tayo sa dancer. sino naman ang may iba pang ibang talent?"tanong ulit ni MadameAngel
"Si chel po ma'am kakanta po sya. Magaling kumanta to ma'am"pinilit itaas ni lyn ang kamay ko kaya wala akong nagawa. Dahil nagulat din ako at inis na tinignan si lyn.
Papatayin kita lyn!
"Okay good.. Iba pang talent?" patuloy na pagtatanong ni MadameAngel pero hindi kona inintindi pa.
Iniisip ko ang ginawa ni Lyn. Kasama ako? takot nga akong kumanta sa maraming tao kay lyn lang ako kumakanta tsaka kila mommy. Damn lyn pahamak ka!
"Paano bayan? Wala na daw atrasan to. Listado kana hahahaha"pagtawa naman ni lyn nung lumabas na si madameAngel.
Binatukan ko naman sya dahil sa inis.
"Pasaway ka!" at tumakbo naman ito sa labas dahil break time na din
Hahabolin kona sana sya ng may mag text sakin.
unknown number: Nandito na kami sa cafeteria. Antayin namin kayo! Sino naman kaya to. Agad kong hinabol si lyn na naabutan ko naman din.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Lacshama Series 1) |Completed|
RomanceIt's about a woman named Chel Lacshama who has a 3 year relationship with Rye Chester who just cheats on her. Guill Santos, a great singer, came to her life. What his role in Chel's life? Start: December 25, 2019 End: April 27, 2020
