Nauna akong magising kila zed. Tulog na tulog pa sila. Ang bastos ko naman kung aalis ako ng walang pasabe diba.
Bumaba na ko. Malayo palang amoy na amoy ko na ang niluluto ng kasambahay nila.
Agad naman akong nagtungo sa kusina, nginitian naman ako ng kasambahay nila kaya nginitian ko din ito at umupo.
"Ikaw palang ba ang gising sa kanila?" tanong ng kasambahay nila.
"Opo" tipid kong sagot.
Maya-maya ay naghanda na sya ng almusal para samin. Nauna na ko dahil uuwi pako sa condo nag text na din ako kay lyka na antayin nila ko.
Pumasok sya sa kusina.
"Goodmorning manang.."napatingin naman sya sakin "Goodmorning din guill. Sila kuya? Tulog pa din?" tanong nya.
"Oo. Mauuna na din pala ako, salamat. Salamat din po manang" sabi ko din kay manang na nginitian ako.
"Ingat"sabi ni chel
"paki-sabi nalang kila ivan nauna na ko. Pupuntahan ko pa sa condo sila lyka eh" habol ko naman bago umalis.
"Sige. Ingat ulit" pag-uulit naman ni chel. Kumaway na din ako at nag-antay sa labas ng gate nila na dumating yung grab. Nag grab nako wala naman akong kotse hahaha.
Ang hirap kaya bilhin yung gusto mo. Kasi mas kailangan dapat ang binibili sabi sakin yun ng nanay ko.
Malapit na din ako sa condo. Tinext ko naman si lyka na nasa labas na ko at antayin ako sa taas. Nag text sya na inasikaso na din nya ang susuotin ko na uniporme. Napakabait.
Pero gusto ko sana mag civilian. Pero hayaan muna, appreciate ko na minsan lang naman nya yun ginagawa.
Bakit ba kasi di kita magustuhan lyka? Siguro dahil kapatid lang ang turing ko sayo.
Nakilala ko si lyka. Hindi sya friendly at tahimik lang. Diko na matandaan kung paano kami nag simula. Pero nung nalaman namin na nasa ibang bansa ang mg magulang nya, nag presenta sya na sa condo muna namin. Grabe yung tiwalang binigay nya samin kaya nga ayokong sirain. sya lang babae samin since namatay si alvin dahil sa pagmamahal nya dun kay Angel. Ayokong mangyari ulit sa kahit sino sa mga kaibigan ko! Nagpaalam naman daw si Lyka sa mga magulang nya, pero di alam na lalaki ang kasama nya. Hindi pala kausap si lyka, pero dahil nandyan na sila lyn at chel may bago na syang kaibigang babae. Mukha namang mababait sila chel kaya wala akong dapat ipangamba.
Nandito na ko sa condo namin at sinuot na ang aking uniporme na inayos ni lyka. Paalis na din kami nang matapos akong mag asikaso.
---------
"Kamusta naman doon?" she asked.
"Okay lang naman. Masasaya kasama ang mga kaibigan ni ivan." i said.
"Mukhang enjoy nga pre nu! Hahahaha" sabi ni bryan.
Nag mamaneho ako ngayon. Sa harap si bryan at sa likod naman si Lyka at leo.
"Loko. Sa susunod pag nag aya isasama ko din kayo" sabi ko.
"Saan ba yn pre?" tanong ni leo na busy sa phone nya.
" Wala namang gagawin ngayon diba? Ang saya nito" pag iiba kunang usapan. Di pa nila alam na kila Chel ako nag overnight. Tsaka na!
"Oo nga pala no? Kaso mag dedesign para sa events" sabi ni bryan.
"Oo nga daw kaso di naman lahat. By section mamimili ng lima, kasi alangan naman na wala silang klase. Excemted ang mga mag dedesign" sabi ni lyka. Sya nga pala ang vice president sa ssg.
" Dapat pala nandun tayo hahaha" sabi ni bryan.
"Para excemented din tayo hahaha!" dagdag naman ni leo.
"manahimik nga kayo. Kaya nangongopya lang kayo lagi samin kapag may quiz at exam. Ayaw niyong makinig.." sabi ni lyka na nagbibiro lang ang tono.
"Ay anong connect.." sabi ni bryan na sinamaan naman sya ng tingin ni lyka. "biro lang lyka. Baka di ka na mag pa kopya nyan eh hahahaha" pagbawi naman ni bryan.
Tumawa naman ako dahil sa asaran nila. Maya-maya pa ay nakarating na din kami sa parking lot. Bumaba na din kami masyado pa palang maaga. Marame pang tao sa labas, Di na ko nagtataka kong bakit pinag titinginan na naman si lyka hahaha. Maganda kasi, simple pa.
Narinig ko pa ang mga bulong-bulongan ng iba.
"Ang ganda nya talaga no." Dinig ko
"Oo nga e bagay sila ni rye" sagot naman ng isa pang babae.
Nakita ko naman na ngumiti lang si Lyka habang nag lalakad kami.
Nakarating na din kami sa room dinig ang ingay sa labas palang.
"Nag-hahanda na siguro sila para sa event next month nayun"sabi ni lyka ng makapasok na kami.
"Siguro nga" tipid ko namang sagot.
Umupo na din kami dahil wala pa naman ang lecturer namin. Nagkwekwentuhan naman si leo at bryan sa kabilang upuan at nagtatawanan.
"Oo nga pre. Ang laki parang buwan hahahaha" dinig kong sabi ni bryan. Tumatawa naman si leo.
"Tumigil ka nga. Baka nakakalimutan mo may babae tayong kasama sa condo!" saway ni leo.
"Oo alam ko naman yun pre. Loko ka may respeto ako kay lyka nu!" sabi ni bryan na aambang kutusan si leo na di naman umilag.
Di naman siguro sila naririnig ni lyka dahil na ka earphone ito. Bumalik na ko sa pag tingin ng phone ko ng makitang active si chel. Di ko naman ichachat wala naman akong maisip na itatanong. Dumating na ang lecturer namin, kaya nagsimula na din kami.
"Okay class. Si lyka ang mamimili ng lima na tutulong para sa mag design sa event. Lyka please stand up. Go in front" sabi ng prof namin at sumunod naman si lyka.
" Taas ang kamay ng gustong mapasama sa lima." sabi ni lyka. Nagtaas naman ng kamay si leo at bryan. Loko-loko hahaha.
"Okay ikaw chelsea ilista mo ang mga ipapasama ko. Ilista muna din ang pangalan mo" sabi ni lyka kay chelsea na sumunod naman sa kanya.
"ikaw din mariel kasama ka" sabi ni lyka
"Ganun din sayo meliza kasama ka din" sabi ni lyka.
"Ikaw din janine kasama ka" sabi nya ulit. Nanatili naman si chelsea sa pag lilista.
"Ikaw din guill. Kasama ka kailangan ng isang lalaki para if ever man na may ipabuhat" nagulat naman ako. Hindi ko na iyon ipinahalata. Tinignan ko sila leo at bryan na nang aasar ng tingin sakin.
"Tsk. Pag kukutusan ko kaya kayo!" inis na sabi ko sa kanila.
Inabot naman ni chelsea kay lyka ang listahan ng mga kasama.
"Okay. Tumayo ang limang nandito ang pangalan" tumayo naman kami. Tumayo din sila bryan at leo na tumatawa pa mga baliw na nga!
"Bryan, leo!" sigaw ng prof namin na babae.
"Yes ma'am" sumaldo pa ang dalawang loko!
"Sit down hindi kayo kasama." mahinahon na sabi ng prof namin.
"Ay hindi ba ma'am? Sorry po" umupo ang dalawa tsaka tumawa.
"Okay. Pwede ng pumunta sa covered court ang lima na nandito. Assist mo sila lyka. Sa covered court magtitipon para mapag-usapan ang mga gagawin niyo" sabi ng prof namin. Lumabas na din kami at nag thankyou si lyka kay ma'am.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Lacshama Series 1) |Completed|
RomanceIt's about a woman named Chel Lacshama who has a 3 year relationship with Rye Chester who just cheats on her. Guill Santos, a great singer, came to her life. What his role in Chel's life? Start: December 25, 2019 End: April 27, 2020