CHAPTER 62

29 7 0
                                        

"Sorry, i was desperate that time." he said. "I just trying to steal her from you pero bigo ako." dagdag pa ni rye

Ano bang sinasabi nya?

"Di ko maintindihan."sabi ko.

"Sorry, she said she love me before pero ikaw na ang mahal niya, yun yung sinabi nya nun sakin, pero di mo pala narinig lahat." he said.

Naguguilty ako sa ginawa ko, nakakainis! Napaka wala kong kwenta!

"Sorry, kung wala ako nung araw na yun okay pa siguro kayo ngayon." he said.

"Pasensiya na din." sabi ko tsaka tinalikodan sya.

"Sana maging ayos na kayo bago pa mahuli ang lahat." he said.

What do you mean?

Di ko na siya hinarap pa at naglakad nalang pabalik sa garden.

Nakita kong nakaupo na si chel doon kita ko ang gulat sa mga mata niya.

Sorry.

CHEL LACSHAMA POV

"Oo wala na si Guill dito labas kana."  sabi ni lyn dahil tinawagan nya ako.

"Nasaan si rye?" i asked.

"Lumabas lang saglit, babalik din yun." sagot ni Angel.

Maya-maya pa ay nakita ko si guill na nakapamulsa at pabalik dito, sinamaan ko naman ng tingin si Lyn at nag piece sign sya.

Nagulat ako sa paglapit nya at di ko na naitago pa yun, tatayo na sana ako ng pigilan ako ni lyn.

"Stay here." mahinang sambit niya.

"Ano ba lyn, napag-usapan na natin to diba? Di ako baba nang nandito si guill!" inis na bulong ko sa kanya.

"Mas sinasaktan mo lang yung sarili mo sa ginagawa mo!" inis din na sagot nya.

Oo alam ko, nasasaktan ako sa pag iwas na ginagawa ko sa kanya tsaka wala na din kami, kaya wala na kaming dapat pag usapan pa! Tapos na lahat ng samin, Oo alam kong hindi madali pero kailangan kong tanggapin na tapos na kami, tinapos ko na kung anong meron samin, tapos na lahat. Wala na!

Tapos na din ang inuman nila kuya nag siakyatan na sila, sa guest room natulog sila lyn,john,ivan,angel,rye. Hiwalay si Angel sa kanila dahil masilan ang pag bubuntis niya, sinamahan siya ni lyn na matulog sa guest room.

Nandito ako sa garden nakaupo at nakikinig mg earphone.

Now playing: patawad;moira

"Wala na rin naman kahit na balikan, wala na ang tamis ng ikay mahagkan..." sabay ko sa awitin ni moria.

Paulit-ulit ko nang pinapakinggan ang kantang ito pero bakit ang sakit ng bawat linya ng kanta.

Nakapikit ako at dinadama ang awit. Nang maramdaman kong may tumabi sakin sa upuan. Hininaan ko ang volume ng kanta at kunwari di ko alam ang presensya nya at nanatili akong nakapikit.

"Do you hear me chel?" he asked.

Di ako sumagot, dahil kunwari di ko alam na nandito sya at di ko naririnig ang sinabe nya.

"Its hard for me too, i can't sleep without thinking of you, kung kamusta kana ba? Sana ayos ka lang, gustong-gusto kitang kausapin noong mga panahon na yun pero nangibabaw ang galit sa loob ko, ikaw ang unang babaeng minahal ko ng subra, siguro ang tanga ko dun sa parte na di ko tinapos yung pinag-usapan niyo ni rye, siguro masyado akong nasaktan sa narinig ko kaya di ko na tinapos pa yung pag-uusap niyo, napaka tanga ko." ramdam ko ang pangangaralgal ng tono ng boses niya, umiiyak ba siya? Naluluha? Gusto ko siyang yakapin at sabihin na pinapatawad ko siya, pero may kung anong pumipigil sakin. "I still love you chel, di nagbago yun, i will do everything maging okay lang tayo ulit " dagdag pa niya.

"Siguro iniisip mo kung anong ginagawa ko noong mga araw na wala ako sa tabi mo, di ako nagparamdam sayo." he said.

Oo guill, gusto kong malaman.

"Nagtrabaho ako, mas ginugol ko ang oras ko sa pag tratrabaho para makompleto yung ipon ko, ipon ko para makabili ng bahay, dahil kung sa condo kami mag sstay di samin mapupunta yun, sayang lang ang pera na binabayad namin, ngayon nag iipon ako para makabili ng kotse para pag ayos na tayo, di kana mag cocommute kasama ako, di na kotse mo ang gagamitin naten, nakakahiya kasi ako yung lalaki. Kaya nag pursigi ako, doon lang ako nag focus..." he said, hinawi niya ang buhok ko. "About liza? Walang namamagitan saming dalawa, shes my friend, ikaw lang ang mahal ko, si liza parang si lyka para sakin, parang kapatid na ang turing ko kay liza, kaya sana wag mong isipin na merong namamagitan samin." he said.

Pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin siya, gusto ko siyang yakapin at humingi din ng tawad pero di ko alam bat di ko magawa yun.

Hinalikan niya ako sa noo at hinawi ang buhok ko. "no matter what happened, ikaw lang ang mamahalin ko." he said, ramdam ko ang patayo nya dahil gumaan ang kinauupuan ko.

"Guin, tara na sa condo ka matulog ngayon ah!" dinig kong sabe ni bryan. Di pala sila dito magpapalipas ng gabi.

"Oo ba hahaha" sagot naman ni guill.

"chel? Una na kami pakisabe nalang kay zed salamat." tawag ni bryan sakin pero kailangan kong umarte na di ko sipa naririnig.

"Naka earphone sya tsaka tulog." dinig kong sabi ni guill.

"Ganun ba, leo? Mukhang miss na si guin ng kama nya ah hahaha, buti nalang nilinis mo." dinig kong sabi ni bryan.

"Loko di ko nilinis!" sagot ni leo.

"Madume pala yun! Ayoko na nga hahaha" tumatawang sabi ni guill.

Ilang minuto na din akong nakaupo at nakapikit, di ko alam pero di ko na napigilan na umiyak, subrang sakit.

Bakit di ko nagawang yakapin ka, sguro dahil nasasaktan pa ako. Masakit pa din.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon