CHAPTER 60

31 8 0
                                    

GUILL SANTOS POV

Di ko alam kung paano ko natiis ang lamig sa labas at nag lakad lang pauwi.

Sinundan ko kasi si chel doon sa resto na pinuntahan niya, handa na akong ayusin ang lahat sana kanina.

Pero she said na tapusin na namin, na from now on wala na kami.

Subrang sakit ng pakiramdam ko ngayon, di man lang ako nakarinig ng paliwanag mula sa kanya.

"pwede ba guill! Tama na to, di mo na din naman ako kinakausap diba? Natiis mo naman ng matagal na panahon yun diba? Ngayon kayanin mo na din kasi TAPOS NA TAYO!"

Bumalik sa isip ko ang sinabi niya kanina.

Gusto ko na sanang mag kaayos kami, maging okay kami, pero bakit ganun na lang siya? Ang bilis niyang mag desisyon.

Siguro subrang nasaktan ko din siya sa pag layo ko at di pag sabi ng dahilan sa kanya, sinabe ko na ang dahilan ko kanina. Pero di niya ako binigyan ng paliwanag! So totoo na mahal pa niya si rye? Noong mga araw na yun!

Ang hirap mag mahal!

Lumipas ang mga araw na di sumasabay samin si chel mag break time sa cafeteria. Tinatanong ko si lyn pero di niya din alam ang dahilan, tinanong ko din si bryan at leo wala din daw silang idea, ganun din si john at ivan.

Si zed? Masyado siyang busy sa pag papatayo daw mg business nya kaya di sila nag uusap ni chel, wala din siyang alam sa nangyayare samin.

"Guill." tawag sakin ni liza.

"O ikaw pala, san ka galing?" tanong ko.

"I have something to tell you." she said.

Si liza ang madalas na nakakausap ko, sinusubukan ko kasing mag focus sa mga kaibigan ko muna para kahit papano malibang ako, pero pag wala na akong kasama lalo na sa bahay, naiisip ko si chel kung paano ba kami magiging ayus ulit.

"Ano?" i asked.

Inabot niya sakin ang may hugis gitara na bag, "Wait.. Seryoso liz?" namamangha kung tanong.

"sabi mo kasi sakin, nag iipon ka para makabili ka ng gitara, kaya ako na bumili para sayo." nakangiti niyang sabi.

"Di mo naman kailangan gawin to liz." nahihiyang sabi ko.

"Ano ka ba di naman yan libre, bilang kabayaran manonood tayo ng sine kaya treat mo hahaha" masayang sabi niya.

Whooa! Akala ko libre, kasi di ko to tatanggapin pero since may kapalit naman, manonood kami ng sine, wala namang ibig sabihin para sakin ang mga gantong bagay, parang kapatid na din ang turing ko kay liza, kagaya kay lyka.

"Sige tara saan bayan? hahaha" sabi ko.

Nagulat naman ako ng humawak siya sa braso ko. "Doon sa mall may bagong movie dun hahaha, the hows of us" sabi niya.

The hows of us? Di ko alam yun ah.

"Sino naman ang bida dun?" i asked habang nag lalakad kami.

"Si daniel at kath wala ng iba hahaha" nakangiting sabi niya.

"Di ko alam na may bago silang movie." sabi ko.

"Atleast ngayon alam muna hehe." sabi niya.

CHEL LACHSAMA POV

"Di naman naten need bumili ng bagong damit lyn." sabi ko sa kanya, pinilit nya kasi akong sumama sa kanya dito sa mall.

"treat ko to ano kaba." she said.

Kahit na, magastos!

Naglakad na kami at may nakita akong bagong labas na movie ng kathniel. "Omy omy omy." di makapaniwalang sambit ni lyn na lumapit pa sa picture nila kath at daniel sa bagong movie nila na The hows of us.

"Tara nood tayo." excited na wika ni lyn.

"Huh? Ngayon?" i asked.

"yup, tara bili na tayo ng ticket, omy omy omy im so excited!" halos mapatili na siya sa tuwa.

Fan siya ng Kathniel while me? Sakto lang naman, iniidolo ko sila pareho pero di kagaya ni Lyn hahaha. Pero iba iba naman tayo kaya naiintindihan ko siya kahit papano.

Pumila na kami para makanood ng The hows of us.

Ano naman kaya ang takbo ng kwento? Mukhang maganda, lalo na pag kathniel ang bibida.

-----------

"Tara." aya sakin ni lyn at pumasok na kami sa sinehan.

Dito kami medyo sa likod dahil masakit sa mata kapag nas malapit kami.

May naamoy ako, pamilyar ang pabango na yun sakin.

Guin? Nandito ba si guin? Di siya nanonood ng mga ganto. Luminga linga pa ako dahil baka nandito siya.

Nagsimula na din ng palabas, at nasa kalagitnaan na kami ng takbo ng kwento.

"Putik, premo alam na alam mo kasi kung paano ako kukunin eh, isang yakap isang halik...." sabe ni kath kay daniel.

Naiiyak na dito sa tabi ko si lyn.

May narinig akong nagsasalita sa harap namin.

"Nakakainis, naiiyak tuloy ako."parang batang sabe ng babae sa tapat namin.

Sandali? Boses ni Liza yun ah.

"Iiyak mo lang hahaha." sabe ng isang lalaki na pamilyar din ang boses, guin?

What the hell! What happened?

Psh! Ilang araw palang kaming hiwalay ganyan na agad bungad, at dito pa talaga sa sinehan ko sila makikita, ano ba tadhana? Nanakit ka ba talaga? Di pa ako move on oh, ito agad agad agad huh! Jusko.

"Aheeeem" ubo ni lyn.

Tinignan ko naman siya at nginunguso ang nasa tapat namin, alam ko na yan.

"What?" mahinang tanong ko.

"nandito si liza at guin." bulong pa niya.

"as if i care!" sabi ko.

Ayokong ipakita kay lyn na may pakealam pa din ako, kailangan kong mag pretend na everything is okay!

Kahit ang sakit na!

"Ah, guin, liza? Kayo na ayieeee." nagulat ako sa pagkilos ni lyn, kaya di ko na siya napigilan napalingon naman si guill at liza sakin.

Kita ko ang gulat sa mata ni guin, habang si liza naman ay walang kaalam alam. Malamang di ata ako nakwekwento nitong lalaki na to!

"A-ah eh." utal na sabi ni liza.

Kaya agad naman akong tumayo para lumabas. Di ko kaya masyadong masakit damn it!

Nagtungo ako sa banyo para ilabas yung sama ng loob ko.

GUILL SANTOS POV

"Ah, guill, liza? Kayo na ayieeee." Tanong ng nasa likod namin, si lyn yun boses ni lyn kaya napalingon ako.

Nandito din si chel, at kita ko ang walang reaksyon niyang mukha.

"A-ah eh." sagot ni liza.

Tumayo bigla si chel para lumabas. Nagdadalawamg isip ako kung susundan ko ba siya.

Pero tapos na kami.

Pero hindi ako pumayag, kaya kami pa din kasi di ako pumayag sa break up na gusto niya.

"Excuse me." sabi ko kila liza at lyn.

"Where are you going?" liz asked.

"Mag babanyo lang ako." i said, tsaka naglakad palabas.

Unexpected Love (Lacshama Series 1)   |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon