CHEL LACHSAMA POV
Nag-lalakad na kami papuntang covered court nila lyn. Lima ang napili.
Ako, si lyn,dexter,jucy, at mark
Ang ingay sa hagdanan ni dexter. Pero masaya naman dexter is gay. Si jucy naman ay bisexual. Nasa room na ata namin ang uri ng mga ibat-ibang-- hahahaha. Si mark matalino pero tahimik lang.
Nasa covered na kami, at nakaupo na ang iba't-ibang section.
Maya-maya lang ay tumabi samin si lyka at nginitian kami.
"Uy, Anim kayo ah" sabi ni dexter. Di naman nya close sila guill pero.. Hayaan muna hahaha.
"vice president ako ng ssg. Kaya pinasama na din ako." sabi ni lyka kay dexter.
"Sayang. Isasama ko sana si bella ang daya naman di kasi sya ssg e huhuhu" sabi naman ni dexter na nagpipiking iyak.
Natigil ang pag uusap namin ng magsalita ang principal sa harap.
" Goodmorning students. Okay ang gagawin natin ngayon pag-uusapan ang gagawin sa events. May mga kanya-kanyang toka ang bawat section, na gagawin" sabi ng principal.
"May mga pa talents din tayo tulad ng sayaw,kanta. May mga banda naman na aawit din para sa inyo. Sa mga nakalista na sasayaw o kakanta at iba pa. Husayan niyo hindi naman ito kompetesyon. Just for fun lang dahil nalalapit na din ang pasko tatlong buwan nalang din naman. Advance tayo hahahaha" pagbibiro naman ng prinicipal nagtawanan naman kami.
Marameng sinabi ang principal. Dinala naman nya kami sa place na dapat naming pag design'nan, Masyadong malawak at di kami mag sisiksikan dito. Gamit namin ang school bus kaya di kami namasahe pa.
-----
"Tigil muna sa ginagawa mga students, Dito na kayo dederetso simula bukas upang magtulong-tulong bawal ang malate" sabi ng principal.
"Okay class. Kumain na muna kayo, at mamaya niyo na yan ipag patuloy" sumunod naman kami ng magsalita ang President na ssg.
Nakita ko naman ang groupo nila guill na busy sa pag gugupit ng mga idedesign habang kami naman ay nag papa lobo karamihan samin ay nagpapalobo. Nag hahanda naman ng upuan ang iba.
"Narinig kona tatlong araw lang daw magagawa o matatapos na natin to" bulong sakin ni lyn.
Sabagay masyado kaming marame na nagtulong-tulong di na ko magtataka.
" Ganun ba? Marame naman tayo baka tapos na to bukas hahaha" i said. Tumawa naman sya.
"Girl, gutom na ang bakla baka pwedeng mamaya na ang chikahan" dexter said.
Oo nga pala nakapila kami para kumuha ng sari-sarili naming pagkain. Catering lang ang datingan ah. Planado!
Lumingon naman ako kay dexter.
"Pasensiya na dex." sabi ko.
"Uy joke lang, to naman tono mo nangongonsensya. Makakapag hintay naman ako hahaha" sabi nya na kumuha ng pagkain na malapit sa kanya.
"Sabay ganun eh no!" bulong na sabi ni lyn. Kaya siniko ko sya ng mahina. At bumalik na kami sa pwesto namin kanina, para kumain.
Nahuli ko naman na tumingin sa gawi ko si guill na agad namang umiwas.
Pagtapos ay nag palobo ulit para maaga-agang matapos.
"okay class. Ito muna sa ngayon dahil 6:00 oclock na din" sabi ng prinicipal.
"Thankyou ulit sa inyo mga students. Babalik pa tayo sa school dahil sa school bus ulit tayo sasakay. After nun uuwi na kayo" habol naman ng secretary.
"Thankyou din po" sabi ng lahat ng students.
Lumabas na kami. Nakakapagod pala parang makakatulog ako sa bus nito, Mas nagutom pa ako kahit kumain naman ako kanina. Naku chel payat ka pa din naman hahaha. Grr self!
Nakasakay na kami sa bus. Gaya ng kanina tabi kami ni lyn. Umupo na din kami.
"Pasandal beshie. Pagod ako jusko" lyn said.
Sumandal naman sya nung tumango ako na maari syang sumandal.
Maya-maya pa ay nakatulog na ata sya. Nakakahawa ang antok nya kaya di ko namalayan na nakatulog na din pala ako.
Zzzzzzzzzzz
GUILL SANTOS POV
sa kabilang side lang ang pwesto namin ni lyka. Katapatan namin sila chel. Sa kanan sila. kami naman ay sa kaliwa, nakatulog na din si lyka sa balikat ko kaya maingat akong wag gumalaw. Mukhang malayo pa ang byahe namin dahil dito sa laguna gaganapin ang events namin.
Aksidente naman akong napatingin sa gawi nila chel na mukhang pagod din dahil tulog silang dalawa. Nakatitig lang ako kay chel, matagal din siguro akong nakatitig sa kanya dahil tulog naman sya.
"Mukhang pagod ang mg students natin, Tulog ang iba." bulong naman ng isang prof na lalaki pero dinig ko ang kanyang sinabi.
Nang hindi na nagsalita pa ang prof ay tumingin ako ulit kay chel. Di ko alam pero gusto ko syang tignan, hanggang sa makarating kami ng school. Malakas din ang buhos ng ulan sa labas na may kasama pang kidlat wala naman akong nabalitaan na bagyo. Dahan-dahan lang usad namin. mabagal upang safe makarating sa school dahil dinig kong sabe ng bus driver ay madulas ang kalsada kaya dapat ay dahan-dahan lang.
Bumalik ako ng tingin kay chel na bigla namang gumalaw. Kaya nagmadali akong tumingin sa bintana. Di naman ata nya ko nahuli, maya-maya ulit ay napatingin ako sa kanya. Takteng mata to di mapigilan!
Di naman sya nagising, gumalaw lang pala sya at natulog ulit. Naisip kong matulog nalang din dahil mamaya ay pupunta pa kami kila sir migs.
Araw-araw ang trabaho namin dun, kasi pag di kami nag-trabaho wala kaming pera. Si lyka naman ay nagbibigay din ng malaki pambayad ng condo at pangangailangan kapag wala ng budget. Nahihiya man akong tanggapin yun pero kailangan din naman namin yun. May bahay naman si lyka pero ayaw daw nya doon. Bukod kasi sa nag- iisang anak lang sya ang boring daw. Kaya laking pasasalamat nya ng makilala nya kami at maging kaibigan.
Di naman kami katulad nila chel at lyka na mayayaman sakto lang ang estado namin sa buhay. Masasabi mong nakakain ka naman tatlong beses sa isang araw. Di na masama, Wala na din naman akong magulang. Namatay ang pinakamamahal kong ina, Ang ama ko naman ay may ibang kinakasama bata palang ako. Hiwalay na sila ni mama kaya si mama ang nagtaguyod sakin. Namatay si mama 13 years old palang ako dahil sa subrang lakas ng bagyo. Ako lang ang nakaligtas dahil nung araw nayun ay nandun ako sa tita ko. Sabi ni mama babalikan nya ko kukunin lang nya ang mga gamit namin. Pero naabutan sya ng bagyo. Di ko na alam kong paano babangon nun. Pinapaaral naman ako. Dahil marunong din akong mag-gitara ay ginamit ko yun upang kumita din ng pera para makatulong kila tita, maganda din naman ang boses ko kaya madalas ay napaparaket din ako. Wala nga akong kotse na mabili, nung highschool ako bike ang gamit ko papunta sa school ngayon naman ay van na. Nag tulong-tulong kami nila bryan at leo para makabili ng van para di kami mag commute tuwing may banda kami. Mas malaki nga lang ang ibinigay ni lyka. Nakakahiya na nga pero lagi nyang sinasabi na sabihin nalang natin na utang niyo to at babayaran niyo din napakabait ni lyka. Ayokong sirain ang pag-kakaibigan namin. Di ko sya nagustuhan, Pero masasabi kong nagustuhan ko ang ugali nya pero hanggang doon nalang iyon. Dahil ang dulo lang naman ng pakikipag relasyon ay hiwalayan kagaya kila mama. Mas mabuti ng mag kaibigan kami kasi kahit nag aaway kami minsan ay naayos naman. Ayokong sirain yun.
Kahit alam kong may gusto sakin si lyka. Inamin nya din naman sakin yun. Pinaliwanag ko naman sa kanya kong bakit at bakit hindi pwede. Naiintindihan naman daw nya kaya ayos na kami dun.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Lacshama Series 1) |Completed|
RomanceIt's about a woman named Chel Lacshama who has a 3 year relationship with Rye Chester who just cheats on her. Guill Santos, a great singer, came to her life. What his role in Chel's life? Start: December 25, 2019 End: April 27, 2020
